Agad kong pinagtimpla si Sir Maxene ng kape, hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ang timpla ko pero wala e ako ang inutusan jiya magtimpla... pero para sa akin naman ay masarap naman ang kape ko. Kumuha na ako ng itim na platito at pinatong dokn ang black na mug. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa office room niya. Kumatok muna ako. "Sir, nandito na po ang kape ninyo." Dahil hindi ko nga maririnig ang ingay sa loob, binuksan ko na ang pinto. May bumungad kaagad sa akin na isang tauhan niyang nakabantay sa loob sa tabi ng pinto. "Pabigay na lang po kay Sir Maxene," utos ko habang nakangiti. "Can't you hand it to me?" masungit na tanong ni Sir Max sa akin sabay taas ng dalawa niyang kilay. Tinupi ko ang labi ko dahil sa kasungitan niya. Punasok na ako sa loob at nakita kong naka

