bc

Saved by the Dangerous Mafia Boss

book_age18+
1.1K
FOLLOW
23.7K
READ
billionaire
HE
badboy
powerful
mafia
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa papaging weak at unloved wife niya simula no'ng dumating ang mistress ng husband niya, hindi naman niya inaasahan na ang gwapo at delikadong mafia boss ang siya pa ang tutulong sa kan'ya para maging malakas at handang tulungan. May mabuo kayang pagmamahalan sa kanilang dalawa kung ang isa naman ay hindi interesado sa love at ang isa naman ay sobra nang nasaktan at ayaw na niyang magmahal pa ulit?

chap-preview
Free preview
Changes
"Happy third anniversary, hon!" masiglang bati sa akin ng asawa ko na si Gio, sabay halik pa nito sa labi ko. Ngumiti ako ng napakatamis habang nakatingin sa kan'ya. "Happy anniversary!" Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses. "Thank you so much, hon. Araw-araw mo talaga akong pinapakilig kahit na walang okasyon," masaya kong wika. "Of course you deserve it." Mas naging matamis ang ngiti niya. Umupo na siya sa harap ko. Nandito kami ngayon sa may garden namin na may swimming pool, naglagay siya ng bilog na lamesa at inayos ito na may pa petals pa ng red roses sa ibaba pati na rin sa lamesa. Napaka-effort talaga niya at siya lang din ang may gawa nito. Mahilig din siya sa surpresa. Sa totoo lang, masasabi kong swerte ako sa kan'ya dahil napaka-effort at talagang husband material siya. Ako nga pala si Katrina, wala pa kaming anak ni Gio at tatlong taon na rin kaming kasal. Masaya kaming nagsasama, walang problema kaya masasabi ko talagang okay kami. Isa akong housewife at siya naman ay nagtatrabaho sa opisina. "Let's eat," aniya. Tumango naman ako habang nakangiti. "Nagugutom na rin ako." "That's why we need to eat now," natatawa niyang wika. Agad naman kaming kumain at halos hindi niya mawala sa mga labi namin ang matatamis na ngiti. Para kaming bagong kasal o parang nagliligawan pa lang. "Nga pala, hon... baka late na akong makauwi bukas ah?" sambit niya habang himihiwa ng chicken fillet sa plato niya. "Bakit? Madami ka bang aayusin bukas?" tanong ko sa kan'ya. Tumango siya. "Oo e, natambakan ako ng trabaho at kailangan kong tapusin 'yon bukas kaya baka late na akong matapos kaya huwag mo na akong hintayin, okay?" "Tingnan ko baka kasi hindi ako makatulog e. Ngayon lang kasi mangyayari 'yan na magiging late ka sa pag-uwi," nalulungkot kong wika. Ngumiti siya dahil sa reaksyon ko. "Susubukan kong tapusin 'yon ng maaga pero kung late na talaga mauna ka nang matulog. Ayaw kong nagpupuyat ka, alam mo naman 'yon, right?" Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Tumango ako habang nakangiti ng kaonti. "Okay, sige." "Kain na ulit tayo." Matamis siyang ngumiti. Agad namin tinuloy ang pagkain namin. Nagkukuwentuhan lang kami habang masayang kumakain. Nang matapos na kami ay mabilis niyang tinakpan ang dalawang mata ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Bakit?" kinikilig kong tanong sa kan'ya habang nakahawak din sa dalawa niyang kamay. "Basta," sagot nito. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil alam kong may surprise ulit siya sa akin. Ito kasi ang hilig niya kaya minsan ay nasasanay na rin talaga ako sa ganitong pakulo niya. Unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko. Nagulat ako nang makita ko ang isang malaking teddy bear na kulay brown at sa tabi nito ay may nakalagay na maliit na box at mga chocolates. "Happy anniversary ulit, hon!" masigla niyang wika. "Hala!" kinikilig kong saad. "Thank you so much, hon! Wala man lang akong maibigay sa'yo." "It's okay, hon. Hindi naman ako naghahanap ng kapalit ng mga binibigay ko sa'yo, ang gusto ko lang maging masaya ka at ibigay lahat ng alam kong magusto mo," nakangiti niyang wika. Nilapitan ko siya sabay yakap ko ng mahigpit. Hindi naman ako materyalis na babae pero natutuwa ako at na a-appreciate ko ang efforts niya. Kinuha niya ang maliit na box at binuksan ito. Nagandahan ako ng sobra nang buksan niya ito at bumungad sa akin ang makinang na bracelet, simple lang pero sobrang elegante. "Ang ganda," kinikilig kong wika habang pinapanood siyang sinusuot niya sa akin ito. Muli ko siyang niyakap sa tuwa at kilig ko. Napakaswerte ko sa kan'ya, masipag na at araw araw pa ako nitong pinapasaya kahit na wala ang mga magulang ko sa tabi ko ay nandito naman siya. KINABUKASAN... Wala naman ako masyadong ginawa ngayong araw, parang paulit ulit nga lang ang ginagawa ko, nagluluto at naglilinis at magpapahinga pagtapos ko na ang mga gagawin ko. Ako lang din kasi ang mag-isa dito sa bahay, tuwing linggo lang ang day off ni Gio kaya isang beses sa isang linggo lang din kami nagkakasama ng maghapon dito sa bahay. Tapos na akong kumain ng hapunan at nandito na ako sa sala nanonood lang ng tv. Mabuti na lamang ay may pinagkakaabalahan ako dito sa bahay dahil pag wala ay baka makausap ko na ang sarili ko dito. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 9pm na at wala pa rin si Gio, ang oras ng uwi niya kasi ay 5 or 6 ng gabi. Mukhang magagabihan nga talaga ito madami nga talaga siyang tinatapos. Inaantok na rin ako pero pilit ko itong nilalabanan dahil gusto kong salubungin siya sa pag-uwi niya pero tila ba ay pilit akong pinapatulog kaya unti-unti ko nang pinikit ang mga mata ko habang nakabukas pa rin ang tv. Nagising ako at napatingin sa cellphone ko at nakita kong 12 am na kaya agad akong bumangon at sumilip sa labas pero hindi ko nakita ang motor doon ni Gio. "Wala pa siya?" tanong ko sa sarili habang nakasilip pa rin sa bintana. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ko kaya dali dali ko itong tiningnan. Nag-text na siya. Pauwi na ako, hon. I hope na tulog ka na. From: Gio To: Gio Ingat ka. Nagising ako kaya hihintayin na lang kita. Hindi na siya nag-reply kaya sa tingin ko ay nagda-drive na siya kaya naupo na lang muli ako at naghanap ng papanoorin ko. Hindi ko namalayan na dumating na pala siya. "Gising ka pa talaga," natatawa niyang wika. "Nakatulog na ako kanina pero nagising ako kaya hinintay na talaga kita," nakangiti kong sagot habang yakap yakap ko siya. "Halika na at matulog na tayo na pagod din ako e." Tumango ako. "Tara." Agad ko nang pinatay ang tv at dumiretso na kami sa kuwarto namin. "Madami ka bang tinapos kanina? Okay na ba lahat?" "Oo, madami akong tinapos kanina." "Magpahinga ka na maaga ka pa bukas." Tumango siya at hinila niya ako papalapit sa kan'ya. Napangiti naman ako habang nakapikit na ang mga mata ko at ilang saglit lang din ay dinapuhan na ako ng antok. MABILIS akong bumangon nang tumunog na ang alarm clock ko malapit sa kama namin. Tulog na tulog pa si Gio kaya lumabas na ako ng kuwarto ko para makapagluto na ng almusal at maihanda ko na rin ang kan'yang babaunin sa opisina niya. Makalipas ang isang oras lumabas na ng kuwarto si Gio at nakabihis na rin ito. "Good morning," nakangiti kong bati. "Good morning." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Kain ka na para maaga kang pumasok," wika ko. "Sabay na tayo," aniya. Umupo na ako sa tabi niya at inabutan ko naman siya ng kanin at ulam. Habang kumakain kami, tumunog ang cellphone niya. "Hello?" sagot niya sa kabilang linya sabay tingin niya sa akin. Ngumiti naman ako at muling tinuon ang atensyon ko sa aking kinakain. "Ah yes, sir. Papunta na po ako diyan kakain lang po ako." Naghintay pa ito ng ilang saglit at pinatay na niya ang tawag. Tinago na niya ang cellphone niya sa bulsa ng kan'yang pantalon. "Sakto palang maaga akong nagbihis dahil kailangan na raw ako ng boss ko sa opisina ngayon." "Ubusin mo muna 'yang pagkain mo bago ka umalis," saad ko. Hindi siya sumagot ngunit sinunod naman niya ang sinabi ko. Inubos niya ang nilagay kong pagkain sa plato niya bago siya tumayo sa kinauupuan niya. "Alis na ako, ha? Kailangan na kasi ako doon." Tumango ako habang nakangiti. "Ingat ka." "Thank you, hon." Hinalikan niya ako sa labi bago siya tuluyang lumabas ng bahay. Sumunod naman ako sa kan'ya at hinintay itong makaalis bago ako muling pumasok sa bahay. Sa tatlong taon naming pagsasama, ngayon ko lang ito naranasan. Simula kagabi late na siyang umuuwi hindi katulad dati na maaga siyang nakakauwi at ngayon naman ay maaga na siyang umaalis ng bahay pero napapaisip na lang din ako na madami nga talaga siyang ginagawa, busy na siguro talaga siya ngayon kaya iniintindi ko na lamang. Tinapos ko ang pagkain ko bago ako nag-ayos dito sa bahay at maglinis. Ito na naman ako, paulit-ulit na naman ang gagawin ko, ano pa nga ba ang bago? Hindi naman ako makaalis ng bahay dahil wala naman akong pupuntahan. Patay na kasi ang papa ko, si mama naman ay nasa malayong lugar at ang nag-iisang kaibigan ko na si Erin ay nasa ibang bansa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook