He's Cheating

1423 Words
Habang naglilinis ako ng kuwarto, halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng tumutunog na cellphone. Agad kong tiningnan ang cellphone ko pero hindi naman ito ang tumutunog kaya hinanap ko talaga ang cellphone na tumutunog dahil nasa isip ko pa ay baka nakalimutan ni Gio ang cellphone niya. Hanggang sa makarating ako sa cabinet niya dahil mas lumalakas ang ring ng cellphone doon pero bigla na lang namatay ang tunog kaya hindi ko na tuloy makita kung nasa'an ang cellphone na iyon pero mayamaya lang ay muling tumunog. Nilapit ko ang tenga ko sa drawer na may lock at doon ko napagtanto na nandoon ang tumutunog. Gusto ko itong buksan pero wala sa akin ang susi. Pinilit ko naman iyon hilain pero wala talaga dahil naka-lock kaya hinayaan ko na lamang at tinuloy ko ang pagwawalis ko. "Hmm? Ano 'to?" tanong ko sa sarili nang may mahulog na nanggagaling sa itaas ng kurtina. Nahila ko kasi ang kurtina no'ng humawak ako doon habang nagwawalis. Nakita ko ang maliit na itim na box na nahulog. Nagtataka ko itong kinuha at binuksan ito, mas lalo akong nagtaka nang makita ko na may susi iyon sa loob, maliit na susi na mukhang susi sa drawer niyang nasa loob ng kan'yang cabinet. Bakit parang bigla akong kinakabahan? Parang natatakot akong makita ang nasa loob ng cabinet. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan iyon dahil hindi na rin tumitigil ang pagtunog ng cellphone na iyon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang unfamiliar na cellphone na nasa loob ng drawer. Iyon lang talaga ang laman ng drawer, isang unfamiliar na cellphone. Mas bumilis angvtibok ng puso ko nang makita ko ang tumatawag. "B-babe?" hindi ko makapaniwalang wika ko. Ang ibig bang sabihin nito... he's cheating? Todo iling ako at sinusubukan isipin na hindi iyon magagawa ni Gio sa akin. "No, imposible 'yon. Baka hindi naman niya cellphone ito at baka may nakaiwan lang o pinatago sa kan'ya." Ayaw kong isipin na may nagaganap na panloloko dahil alam kong hindi gano'n si Gio. Natigilan ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko kasabay ang paghinto ng tawag sa isang cellphone na nasa drawer. It's Gio. Huminga ako ng malalim bago ito sinagot. "Oh, hon?" "Hon, may tumatawag sa cellphone ng kaibigan ko diyan hayaan mo lang ah? Nakalimutan ko kasing kunin kanina para ibalik ko na sana kaso nagmamadali kasi ako e kaya hindi ko na maalala. Hayaan mo lang diyan, hindi na rin tatawag 'yong tumatawag sa kan'ya kasi sinabihan na niya," sabi nito sa kabilang linya. Kinuha ko ang cellphone na iyon. "Ah gano'n ba? Kanina pa nga tumatawag e. At saka paano na punta sa'yo ang cellphone ng kaibigan mo?" "Naiwan niya sa kotse ko 'yan kagabi no'ng hinatid ko siya sa bahay no'ng girlfriend niya," sagot nito. Tumango ako habang nakangiti. "Sige, hon." "Matulog ka ng maaga mamaya, okay? Mukhang magagabihan na naman ako e." "Okay, sige. Nakuha mo naman susi ng pinto 'di ba?" "Oo, hon." "Okay." Agad kong pinatay ang tawag. Sa kaibigan niya pala ito e. Mali 'yong pinag-iisipan ko siya ng gano'n kahit alam ko naman na hindi niya magagawa 'yon. Ilang years na kaming nagsasama kaya kilala ko talaga si Gio. Binalik ko na ang cellphone sa drawer niya at gano'n na rin sa susi at hindi ko na lang ipapaalam sa kan'ya na binuksan ko iyon. Tinuloy ko na ang paglilinis ko. Minsan gusto ko na lang din magtrabaho dahil wala naman ako ginagawa dito sa bahay, gusto ko rin naman matulungan ang asawa ko sa mga gastusin sa bahay. TUMINGIN ako sa oras ng cellphone ko at magte-ten na ng gabi pero hindi pa umuuwi si Gio kaya napagdesisyunan ko na tawagan ito. "Hon, nasa'an ka na? Pauwi ka na ba?" sunod sunod kong tanong sa kan'ya nang masagot na niya ang tawag ko. "Mga eleven siguro nakauwi na ako, madami kasi ako kailangan tapusin ngayon e," sagot nito. "Ah gano'n ba? Mukhang madami kang ginagawa these few days ha? May mga kasama ka ba diyan?" tanong ko dahil medyo may narinig akong boses ng babae na tinawag siya. "Oo nga e, pasensya na hon, ha? Hindi na kita nakakasabay matulog." "Okay lang, hon naiintindihan ko naman e." Ngumiti ako. "May kasama ka?" muli kong tanong dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. "Ah oo, tatlo pa kami nandito may mga kailangan din sila tapusin ngayon," sagot niya at alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay, sige. Ingat ka pauwi, ha? Matutulog na ako. Inaantok na ko e." "Sige, hon. Good night! I love you!" Ngumiti ako ng matamis habang pahiga ako sa kama namin. "I love you!" Pinatong ko na ang cellphone ko sa side table ng kama namin. Agad akong dinapuhan ng antok nang maiayos ko na ang pwesto ko para matulog. Mukhang napagod ako nag general cleaning kanina kaya antok na antok ako ngayon. Hindi ko na rin hihintayin si Gio ngayon hindi dahil antok na ako kundi alam ko naman na late na talaga siyang uuwi. Mukhang masasanay na nga talaga ako sa gano'n kahit naman dati ay maaga siyang umuuwi. Nagising ako nang gumalaw ang kama kaya alam kong nakauwi na siya. Haharap na sana ako sa kan'ya nang bigla itong nagsalita kaya napatigil ako. Nanatili akong nakatalikod sa kan'ya at nagkukunwaring tulog. "Nandito na ako sa bahay, babe," wika niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon tapos babe pa? Naalala ko bigla 'yong cellphone na ang pangalan ng tumatawag ay 'babe'. Ang bilis ng t***k ng puso ko, patuloy pa rin ang pakikinig ko kay Gio. Tumawa siya. "Don't worry, bukas ulit after work." "No, hindi naman siya nakakahalata e kaya malaya tayong magkita at mapuntahan ka sa place mo. Naniniwala naman si Katrina na madami akong inaayos kaya lagi akong nakakauwi ng late," malambing niyang wika. Binasa ko ang labi ko at napansin ko ang kamay kong nakahawak sa unan ko na nginginig na dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. "Yes, kaya huwag ka na mag-isip diyan. Matulog ka na alam kong pagod ka," natatawa niyang wika. "I'll see you again tomorrow, okay?" "Oo, pagkagising ko kukunin ko na kaagad itong cellphone, buti nga hindi siya nagtaka at tanong about sa cellphone. Mabuti na lang din naka-lock 'yong drawer ko... Oh sige na, matulog na tayo. Good night! I love you so much!" Wala na akong narinig pa at mukhang pinatay na nga niya ang tawag. Naramdaman kong bumangon siya at narinig ang pagbukas ng cabinet niya... muli na naman niyang ni-lock ang drawer niya. Muling gumalaw ang kama kaya alam kong humiga na muli siya. So sa kan'ya nga talaga 'yong cellphone na nakita ko kanina. May nalalaman pa siyang sa kaibigan niya 'yon. Hindi ako makagalaw kaya nananatili ako na gano'n ang pwesto ko. Hindi ko rin namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Grabe hindi ko man lang naisip na niloloko na pala niya ako... how can I, right? Tine-treat niya ako ng maayos kaya hindi talaga pumasok sa isip ko 'yan. Ang masasabi ko lang... napakagaling niya as in! Aalagaan niya ako at papakitaan ng maganda para hindi ako magduda sa ginagawa niya. Ang sakit sa dibdib dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Mas nakakalungkot pa wala akong makausap tungkol dito dahil malalayo ang sila mama. Mas maganda pa rin kasi talaga mapag-usapan ito sa personal para kahit papaano ay may masandalan ako kapag hindi ko na kaya 'yong sakit. Nawala ang antok ko at hindi ko alam kung makakatulog pa ako ng maayos matapos ang mga narinig ko na kahit kailan ay hindi ko naisip na mangyayari. MAAGANG umalis si Gio at kahit ni isang kilos ko hindi ko siya pinakitaan ng mali dahil mas pinili ko pa rin na mag-act normal at kalimutan ang mga narinig ko kagabi dahil mas gusto ko pa rin na siya pa rin ang makasama ko. Siya na kasi nakasama ko ng ilang taon lalo na no'ng wala sila mama, siya ang lagi kong kasama kaya napaisip ako na manahimik na lang at huwag sirain ang pagsasama namin. Umaasa pa rin naman ako na darating ang araw na hihiwalayan niya ang babaeng 'yon at sa akin pa rin siya. Susubukan kong kalimutan ang lahat ng iyon alang-ala sa pagsasama namin. Alam kong late na naman siya uuwi katulad ng sinabi niya kagabi at this time, alam kong hindi work niya ang dahilan, kundi ang pagpunta niya sa babae niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD