Dumiretso kami sa kuwarto niya at may kinuha naman siyang dalawang one piece na swimsuit mula sa wardrobe niya at inabot niya sa akin ang pula. Sinuri ko ito na halos magtaka pa ang ako. Red swimsuit na manipis ang strap tapos sa may bandang tiyan is see through na pula pa rin kaya medyo malabo rin. "S-suotin ko 'to?" Nakangiting tumango si Lei. "Oo naman." Umiling ako at binaba iyon sa kama niya. "Ayaw ko. Mas gusto ko na lang magsuot ng tshirt at shorts kaysa mag-swimsuit ako. Never pa ako makakapagsuot niyan, Lei. No no." "Wala kang choice. Huwag kang mag-alala, iblu-blur ko na lang ang mga salamin na maaaring makita ang swimming pool area, at wala akong papasukin na tauhan ni kuya para solo lang natin at para hindi ka mailang." "Pero kasi hindi ko ma-imagine ang sarili ko magsuot

