Sumapit na ang oras para mag-start na ang party. Hindi pa nga kami lumalabas ni Lei dahil hinintay ko pa itong matapos sa pag-aayos ng sarili niya. Ako kasi ang una niyang inayusan, nilagyan niya ako ng make up pero light lang naman. Naging komportable naman ako sa suot ko kasi hindi naman siya masyadong showy. Pagkababa namin, may mga ilang tauhan sa loob ng mansion at nakatayo ng matuwid at mukhang nagbabantay nga. Habang papalapit na kami sa may pool area, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na sobrang daming tao nga, mas madami ang mga lalake kaysa sa mga babae na nandidito. Mukhang mayayaman pa. Nahihiya na nga akong lumabas kaya natigilan ako sa paglalakad pero mabilis naman akong hinila palabas ni Lei kaya wala rin akong nagawa at saka sinabihan din pala ako ni Sir Maxene na gu

