CHAPTER 2

1297 Words
Ngunit hindi ganoon kadaling utusan ang isipan niya para tumigil, Muli niyang iminulat ang mga mata at ibinalik ang pansin sa apoy at sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa bundok, nakaramdam siya ng maluwag sa dibdib. Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay naroon pa rin ang pag-alala kung maisipan niya ang mga nangyari. Dahan-dahan siyang muling bumagon at tumayo para uminom muli ng tubig. Hanggang biglang may mahinang kaluskos siyang narinig mula sa may bandang kakahuyan. At kasunod nito ay isang mahinang yapak sa lupa na may mga tuyong dahon. Hindi naman iyon hangin o hayop, at alam niyang tao iyon! Matapang niyang inilabas ang kanyang baril mula sa bag niya, hindi niya naiiwasang mag-isip ng masama. Sabi ni Mang Doro ay malayo raw sa peligro ang bundok na ito, tahimik daw at ligtas dito, Ngunit parang hindi pa rin siya kumpyansa. Lalo na ngayon na kakadidilim pa lang at maaga pa ang gabi. Kinuha niya ang flashlight at dahan-dahang lumabas ng kubo. Agad niyang inilawan ang paligid, mula sa pintuan, pababa sa lupa, hanggang sa mga punong nakapaligid sa kanyang tirahang maliit na kubo. Tahimik lang naman, ngunit hindi sya nagkamali, may narinig siya kanina at hindi sapat ang katahimikan para kumbinsihin siya. Hanggang sa biglang may gumalaw! Isang aninong mabilis na sumiksik sa mayabong na damuhan! Hindi niya agad natukoy kung babae ba o lalaki, ngunit hindi siya nagdalawang-isip, Mabilis niya itong nilapitan habang mahigpit ang hawak niya sa baril. Bawat hakbang niya ay mahina at handa siya sa lahat ng oras. Paglapit niya sa damuhan, itinaas niya ang baril at ikinasa. At sa sandaling iyon ay may biglang sumigaw na hindi niya inaasahan. "Ahhh!!" Isang matinis na sigaw ang bumasag sa katahimikan. Napaatras siya nang bahagya at mula sa likod ng damuhan, dahan-dahang lumabas ang isang babae, nanginginig ito at takot na takot. "Huwag po, hindi po ako masamang tao!" umiiyak nitong sabi na halos hindi makatingin sa kanya. Napatitig si Ador rito, Sandaling hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan, Babae talaga ito. At hindi lang basta babae, mukhang dalaga pa ito! Maiksi ang buhok nito na suot ang maikling short at simpleng damit, ngunit may gandang masasabi rin ito. "Sino ka?" gulat na tanong ni Ador, ngunit nanatiling nakatutok ang baril. "A-ako si Celina…" sagot nito na nanginginig pa rin ang boses. Sandaling katahimikan at tanging tunog ng hangin at mahinang pag-iyak ng dalaga ang maririnig. Hindi agad ibinaba ni Ador ang baril, tinitigan niya ito ng maigi at sinusuri. Hindi lang ang mukha nito, kundi ang galaw, ang mata at ang takot nito. Sanay siyang magbasa ng tao, kaya ang babaeng nasa harapan niya ay hindi nagsinungaling. "Anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong. Napayuko si Celina at pinunasan ang luha gamit ang ang kamay nito. "Ano po… narinig ko po kasi na mag-isa lang kayo dito…" nahihiyang sagot nito. "Tapos sabi nila, subukan ko po daw kayong lapitan," Hindi na nito tinapos ang sasabihin, ngunit sapat na iyon, bahagyang kumunot ang noo ni Ador. Alam na niya ang ibig sabihin nito, dahan-dahan niyang ibinaba ang baril ngunit hindi nawala ang lamig sa kanyang mga mata habang patuloy na tiningnan ito. "Bumalik ka na sa inyo," pagtataboy niyang sabi. Napatingin si Celina sa kanya na tila nagulat. "P-pero gabi na po, Malayo pa sa amin, dito lang muna ako please." Pakiusap pa nito na muli niyang ikinagulat. "Hindi ito lugar para sa'yo, Lalaki ako at babae ka kaya hindi pwedeng dito ka sa akin sa gabing ito." Matigas na wika ni Ador na mas malamig na ang boses ngayon. Natahimik si Celina at unti-unting bumalik ang hiya at takot sa kanyang mukha, Ngunit sa kabila nito ay tila may bahagyang pagkadismaya rin siyang naramdaman. Ngunit hindi pa ito agad umalis, napatigil si Ador, napansin niya ang bahagyang pag-angat ng tingin ng dalaga. "Ahh, Sir," mahinang tawag ni Celina. Hindi sumagot si Ador na nakatayo lang na tila hinihintay kung ano pa ang sasabihin ng dalaga. "Pasensya na po kung nagulat ko kayo," dagdag nito na mas maayos na ang boses. "Hindi ko po talaga sinasadya na gulatin kayo, Nandito lang ako para gusto kayong makilala. At hindi ko akalain na gagabihin ako dahil medyo malayo pala itong kubo ni Mang Doro." Nakangiti na ito sa kanya na ngiting nag-aalinlangan. Isang simpleng ngiti, pero halatang pilit iyon. Bahagyang kumunot ang noo ni Ador, Hindi pa rin siya nagsalita. "Lahat po kasi sa amin… kayo ang pinag-uusapan, dahil bago kayo sa bundok namin at n-napakaguwapo niyo daw," patuloy ni Celina na unti-unting nawawala ang hiya. Napailing si Ador sa narinig mula sa dalaga. "Sabi nila… iba raw kayo. At totoo nga na ibang-iba nga kayo at sobrang guwapo talaga." Kinilig na sabi nito na parang nagbago ang timpla. Nagsalubong ang kilay ni Ador, Akala niya ay sa siyudad lang merong ganitong ugali ng babae hanggang dito pala sa bundok ay meron din. Dahan-dahan na itong humakbang palapit sa kanya at hindi na ito kasing takot kanina. "Hindi naman po masama ang intensyon ko," dagdag pa nito na bahagyang kinagat ang labi. "Curious lang po ako." Sa isip ni Celina, ginusto niya talagang pupunta ngayon sa lalaki. Tatlong araw na niyang naririnig ang tungkol sa bagong lalaking nakatira sa kubo ni Mang Doro, ang lalaking tahimik, sobrang guwapo, mailap, at kakaiba ang dating kumpara sa ibang lalaki sa bundok ng San Agustin. At mula noong isang araw ay naging bulong-bulungan na ito sa mga kababaihan sa kanilang lugar, may kung anong kuryosidad na agad siyang nabuo sa isip. Kaya kaninang hapon hanggang sumapit ang gabing iyon, hindi na siya nakapagpigil, tahimik siyang nagpunta sa kubo ni Mang Doro dahil gusto niya talagang makita ang lalaki. Huminto ito ilang hakbang ang layo sa kanya, Sapat na para makita niya nang malinaw ang mukha nito sa liwanag ng flashlight. At sapat din para maramdaman ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. "Damn! umuwi ka na habang hindi pa malalim ang gabi." Galit na sabi ni Ador. "Sir, gabi na nga, totoong nakikiusap ako na bukas mo na lang ako pauwiin." mahina nitong sabi na may bahagyang lambing na sa tono. Natahimik si Ador at medyo nainis sa babae, kaya ang kanyang mga mata ay mas lalo pang tumalim. "Ano bang napapasok sa kukute mo?" malamig niyang sabi. Ngunit hindi umatras si Celina, sa halip lalo pa itong ngumiti. "Ganito po ba kayo lagi?" lakas-loob na wika ni Celina. "Tahimik lang kayo?" Hindi iyon biro para kay Ador, naramdaman iyon ng dalaga at sa halip na matakot lalo pa itong naging matapang. "Hindi naman po ako masamang babae," dagdag nito na mas mahina na ang boses. Marahas na napabuntong-hininga si Ador. "Okay, sige." mariin niyang sabi. Sa isip niya ay hindi na niya kasalanan na nandito ang babaeng ito. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Celina. "Maraming salamat po! pwedi na ba akong makituloy sa kubo?" Malanding tanong ni Celina. Sa loob ng kubo ni Ador, tanging apoy mula sa gasera ang nagbibigay ng liwanag roon. Tahimik ang paligid, ngunit sa katahimikang iyon ay hindi mapakali si Ador, Hindi dahil sa gubat, kundi dahil sa babaeng nasa loob ng kanyang kubo. Nasa isang sulok si Celina, nakaupo sa lumang banig at akala niya’y matutulog agad ito ngunit ilang sandali pa ang lumipas ay nanatili pa rin itong gising. "Matulog ka na," malamig niyang sabi mula sa kabila ng kubo. "Sige po, Sir, Good night po," mahina nitong sagot. Tumalikod si Ador at hindi na muling nagsalita. Lumipas ang ilang oras, Ang gabi ay lalong naging tahimik. Hanggang sa maramdaman ni Ador ang kakaibang galaw sa giliran niya kaya agad siyang nagmulat. At doon niya nakita si Celina, nakalapit sa gilid ng kanyang higaan! Nagulat siya. "Anong ginagawa mo dito sa tabi ko?" malamig niyang tanong ngunit matalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD