bc

My Stranger Lover Became My Stepdad

book_age18+
885
FOLLOW
16.9K
READ
billionaire
forbidden
HE
powerful
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Bryan Saavedra ay panganay ng makapangyarihang pamilya. Napilitan siyang magtago sa bundok sa pangalang Ador matapos tangkaing patayin.

Doon niya nakilala si Ariella, simpleng dalagang inosente at hindi nagpapansin. Nahirapan siyang pigilan ang damdamin, hanggang sa isang gabing puno ng unos ay nagbago ang lahat. Bigla siyang nawala nang walang paalam.

Tatlong taon ang lumipas. Muling nagtagpo ang kanilang landas, ngunit sa pinakamasakit na paraan: ang lalaking minahal niya ay ipakikilala ng kanyang ina bilang bagong asawa nito.

Sa pagitan ng tama at mali, muling sisiklab ang damdamin na pilit nilang ibinabaon.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PROLOGUE Hindi niya inasahan na babalik pa ang kanyang ina. Dahil 13 years na ang nakalipas mula nang umalis ito at wala nang paramdam man lang sa kanya. Iniwan siya nito sa kanyang tiyahin na kapatid sa namayapa niyang ama. At sa tanghaling iyon, biglang may tumigil na isang mamahaling sasakyan sa tapat ng lumang bahay ng kanyang tiyahin. Napatigil siya at tiningnan mula sa bintana ang dumating na sasakyan. At hindi siya makapaniwala nang bumukas ang pinto at nakita niyang bumaba ang isang babaeng hindi niya agad nakilala ngunit pamilyar sa kanya ang mukha. Tinitigan niya ito ng maigi, hanggang nakilala niya ang kanyang ina. Nagulat siya sa biglang pagdating nito. Mas lalong gumanda ito, kuminis ang balat at maayos ang pananamit. Parang hindi man lang ito tumanda sa paglipas ng mga taon at nagmukha pa itong dalaga. Natuwa ang kanyang tiyahin nang makilala kung sino ang dumating. Lalo na nang makita nito na mukhang umasenso sa buhay ang kanyang ina. Maya-maya pa ay kinatok siya ng kanyang tiyahin dahil hindi man lang siya lumabas sa kanyang munting silid. "Ariella, Lumabas ka diyan!" sigaw nito sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Napilitan siyang lumabas at mabigat ang kanyang mga hakbang. Hindi niya alam kung anong mukha ang ipapakita niya sa kanyang ina— galit ba, lungkot, o pananabik? Paglabas niya at nakaharap ang ina ay hindi siya nakapagsalita. "Ariella." sambit nito. Napatigil siya at dahan-dahang napatingin rito. "Naalala mo pa pala ako, nay?" mahina niyang tanong. Ngumiti sa kanya ang inang si Elizabeth—ang umabandona sa kanya ng ilang taon. "I'm sorry, anak. Pero babawi ako sa'yo. Nandito ako para kunin ka… at magsama na tayo." Nabigla siya saglit sa sinabi nito. At sari-sari ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon—ang galit, sakit at pananabik niya sa ina na matagal nang nang-iwan sa kanya. "Bakit ngayon ka lang?" halos pabulong niyang tanong. Hindi agad sumagot si Elizabeth. Sa halip, lumapit ito at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. "Sumama ka sa akin, anak," sabi nito. "Panahon na para punan ko ang lahat na pagkukulang ko sa'yo." Lahat na pagkukulang? Nasaktan siya dahil napakabilis sabihin iyon pero napakahirap paniwalaan. Ngunit nang lingunin ni Ariella ang kanyang tiyahin, at naalala ang mga sigaw nito, ang mga utos, at ang kanyang pagod araw-araw sa poder ng mga ito ay napapikit siya sandali at malalim na napaisip. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakapagdesisyon siya na sumama na lang sa kanyang ina. Pagdating naman ng araw ng kanilang pag-alis ay hindi ni Ariella maintindihan ang nararamdaman. Ngunit tahimik lamang siya habang nasa mahabang biyahe sila. At habang papalayo sila sa baryo, pakiramdam ni Ariella ay unti-unti rin niyang iniiwan ang mga pagtitiis niya ng ilang taon sa piling ng tiyahin. At higit sa lahat, iniwan niya ang alaala nila ng lalaking minsan niyang minahal sa bundok na iyon—si Ador. "Magiging maayos na ang lahat," Wika ng ina na may ngiti sa labi. "May bago ka nang buhay, anak at pamilya." Nakinig lang siya sa sinabi ng ina. Iyon ang pagmamahal at salitang matagal na niyang hindi naramdaman. "May asawa na ako," dagdag nito. Natigilan naman siya. "Mabuting tao naman siya at pinalad ako dahil siya'y mayaman." patuloy na kuwento nito. Hindi sumagot si Ariella, nakinig lang siya rito. Napansin naman ng kanyang ina na wala siyang ganang makipag-usap rito kaya tumigil na lang ito at natahimik. Pagdating nila sa Makati. Napahinto siya dahil isang napakalaking mansyon ang bumungad sa kanila. Malinis iyon, marangya at halos hindi masukat kung gaano ito kalaki. Parang hindi siya pweding maging kabilang sa lugar na iyon. "Halika," malambing na sabi ng kanyang ina. "I-ito po ang tahanan ng asawa niyo, nay?" mangha niyang tanong. "Yes, anak." Dinala siya nito sa loob at mas lalo siyang namangha dahil marmol ang sahig nito, matataas ang kisame at lahat ay perpekto. Isang tirahan na para lang sa mga mayayaman. At pagpasok nila sa loob, agad niyang nakita sa gitna ng malawak na sala ang isang lalaki na kahit nakaupo ay halatang matangkad ito, matikas ang katawan at kahit nakatalikod ay naramdaman niya agad ang presensya nito. "Nandito na kami, Sweetheart!" Bati ng ina sa lalaking nakatalikod habang paparating sila sa kinaroroonan nito. "Ariella, anak…" masayang sabi ng inang si Elizabeth. "Meet your stepfather." Huminga si Ariella at hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. "My sweetheart, Bryan, ang anak ko," Dahan-dahang humarap ang asawa ng kanyang ina. t sa isang iglap ay parang tumigil ang mundo ni Ariella, nanlaki pareho a g mga mata nila nang makita ang isa't-isa. "I-ikaw?" gulat niyang sambit. Napatitig din ang lalaki sa kanya at napakunot-noo ito dahil hindi makapaniwala. "Ariella?" Namutla siya, at napapigil-hininga habang nagtama ang kanilang mga mata. Ang lalaking nasa harap niya, ang mayamang asawa ng kanyang ina, ay walang iba kundi si Ador! Ang estrangherong minahal niya sa bundok, ang lalaking bigla na lang nawala at iniwan siyang walang paalam. CHAPTER 1 Lahat ng kababaihan sa bundok ng San Agustin ay kinilig at walang ibang pinag-usapan kundi ang isang lalaking bagong salta sa lugar nila. "Celina, nakita mo na ba 'yung bagong dating dito sa baryo natin?" sabik na tanong ni Lira habang hinihila ang braso ng kanyang kaibigan. "Alin? ‘yung nakatira raw sa kubo ni Mang Doro?" sagot naman ni Celina na halatang interesado at updated din sa balita. "Oo, grabe, Celina! hindi lang gwapo, iba ang dating niya. Parang mayaman ang lalaki sa kanyang porma na kahit simpleng suot lang ay halatang galing sa marangyang buhay," halos pabulong pero puno ng kilig ang tinig ni Lira. Papunta sila sa isang maliit at bilog na balon na pwedi lang sandukin ang tubig, para mag-iigib doon. May bukal ng tubig doon mula sa bundok at malamig, super natural na siyang iniinom nila sa bundok. Hindi naman namalayan ng dalawa na nasa likuran lang si Ariella. Nakasunod lang siya sa mga ito at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Noong isang araw pa narinig ni Ariella ang tungkol sa estrangherong lalaki na pinag-uusapan sa kanilang maliit na baryo. Hindi lang ang mga kadalagahan kundi pati na ang mga nanay at tatay ay ang lalaki na bagong salta sa lugar nila ang pinag-uusapan. Si Mang Doro ay dumating noong isang araw at kasama nito ang lalaking guwapo na hindi nila kilala. At hindi na ito bumalik sa Maynila kung saan ito naging driver ito ng ilang taon. Tinanong ng lahat si Mang Doro kung sino ang lalaking kasama nito at ngayon ay nasa lumang kubo nito nakatira. Ngunit sabi nito ay hindi din nito kilala ang lalaki. Tinulongan lang daw nito at pinatira sa kubo nito ang lalaki. Mabait at maayos naman daw ang guwapong lalaki makikipag-usap. Mula umaga hanggang hapon, iisang usapan lang at topiko sa maliit na baryo nila— ang lalaking bagong salta sa bundok. Walang nakakaalam kung saan siya galing at kung ano ang sadya nito. Ang alam lang ng lahat, pinatira lang siya ngayon sa lumang kubo ni Mang Doro, sa gitna ng bundok na napapaligiran ng kakahuyan. At hindi siya basta lalaki, matangkad ito, matipuno ang pangangatawan, maitim ang buhok na tila laging bagong ligo. At ang mga mata nitong malamig pero malalim kung tumingin ay parang may tinatagong problema na walang sinumang pwedeng makaalam. Tahimik ito at halos walang imik. At iyon ang mas lalong nagpainit sa kuryosidad ng mga dalaga. "Subukan ko kayang lapitan?" biro pa ni Celina isang hapon, sabay tawa. "Subukan mo, baka ikaw ang unang pansinin!" tukso ni Lira at natawa naman ang ibang nakinig na sina Bebian at Cindy. Nasa ilalim sila ng malaking puno ng duhat nag-uusap at nagtatawanan. Ngunit sa kabila ng kanilang mga halakhakan, may kakaibang pakiramdam sila sa pangalan ng lalaking iyon. Siya si Ador, at para bang hindi siya nararapat disturbuhin, Para bang may dalang panganib ang kanyang presensya. ___ Sa gitna ng bundok, sa loob ng kubong yari sa kahoy at pawid ay tahimik na nakaupo ang lalaking pinag-uusapan ng lahat. Nakatitig siya sa malayo, Sa mga puno sa paligid at sa payapa ng kalangitan. At tila hindi ganoon ang nasa loob niya dahil magulo ang kanyang isipan sa nangyari sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang baso ng tubig sa kanyang kamay, at saglit niyang ipinikit ang mga mata. At sa likod ng katahimikan ng kubong kinaroroonan niya ngayon ay naisip niya ang mga nangyari hanggang sa kanyang pagtakas. Hindi siya Ador, at hinding-hindi siya magiging simpleng lalaki lamang. Ngunit dito sa bundok ng San Agustin, iyon ang kailangan niyang sabihin na siya si Ador, Na siya ay wala nang ibang pangalan. At ang lahat ng naiwan niya sa baba ay pansamantalang tuluyan niya munang talikuran. Ngunit kahit anong pilit niyang takasan ay may mga bagay na hindi basta balewalain at may mga taong kusang papasok sa isipan niya kahit hindi niya gusto. Malamig ang gabing iyon sa bundok sa may kubo. At ang hangin ay dahan-dahang pumapasok sa pagitan ng mga siwang ng kubo na tila nagsasabi ng paalala sa kanya ng mga nangyari sa kanya. Tahimik lagi ang paligid, at ang lamig ay ramdam na ramdam niya ng mga sandaling iyon. Sa maliit na kusina ng kubo, nais magsindi ng apoy si Ador at maingat niyang inayos ang mga tuyong kahoy at saka sinindihan. Unti-unting sumiklab ang apoy at nagbibigay ng liwanag at init iyon sa loob ng kubo niya, dahilan upang mawala ang lamig na naramdaman niya ng gabing iyon. Umupo siya sa harap ng kusina at tahimik lang siya ngunit ang isip niya ay magulo pa rin. Kinuha niya ang manok na galing kay Mang Doro kanina. Malinis na iyon at handa nang ihawin. Isinaksak niya ito sa patpat at dahan-dahang inilapit sa apoy. At mga ilang minuto ay naamoy niya ang usok at karne na unti-unting kumalat sa loob ng kubo. Ngunit kahit ganoon, tila wala siyang ganang kumain at nakatitig lang siya sa apoy. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa patpat, at sa likod ng katahimikan ng gabing iyon, unti-unting bumalik ang mga alaala. Pagkatapos niyang kumain ay muli siyang nagmamasid lang sa paligid. Ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay humiga siya sa malamig na banig at mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Hindi na, gusto ko muna kalimutan saglit ang lahat." bulong niya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
88.5K
bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.3K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
177.9K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
258.7K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
2.9K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
9.3K
bc

Inangkin ako ni Ninong (SPG)

read
39.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook