"Oh, damn it!" rinig kong sabi ni Kayler nang makita ang mga limang lalake na nakapalibot sa aming dalawa. Sa aking palagay ay miyembro sila ng fraternities dito sa University namin. Pilit niya akong itinatago sa kan'yang likod upang hindi ako makita.
Humithit ng sigarilyo ang isang matangkad na lalaki bago nagsalita.
"Ibigay mo na 'yang magandang babae sa'min para hindi ka na masaktan!" sabi ng mayabang na lalake na nakapamulsa ang mga kamay.
"And why would i do that?" matalim na sambit ni Kayler sa kanila.
"May kasalanan 'yan sa girlfriend koo, kaya kung ayaw mo madamay ay lumayo-layo ka na." Sabay ngisi niya pa sa amin.
"Ang tapang manakit niyan Brod Theo, akala mo kung sino!" Sabay dura nang isang lalake.
Ngumisi ulit 'yung lalake na tinawag na Theo at unti-unting lumapit kay Kayler, sabay aambang sana ng suntok ngunit agad na naagapan iyon ni Kayler. Agad niya iyong nasalo kaya naman namilog ang mata ko sa nakita. Para lang akong nanonood ng pelikula. Tumabi muna kaya ako at kumain sa gilid ng pop corn. Napangiti ako ng 'di oras. Hindi naman sa nagyayabang ako pero marunong din naman ako lumaban. Nag-training din ako ng self-defense at nag-aral din ako ng taekwando. Kaya naman sisiw lang din sa akin ang mga lalakeng iyan.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" galit na sita ng isang lalake sa akin. Grabe ang liit niya ha tapos ang tapang-tapang magsalita. Baka isang sipa ko lang sa kan'ya, e tumalsik na siya.
"Wala ho!" sabay peke kong ngiti. Kunwari ay takot ako sa kan'ya.
"Pagsinabi kong takbo, takbo! Okay?" bulong ni Kayler sa'kin na agaran kong tinanguan.
Sinubukan ng lalake na humakbang papalapit sa akin ngunit naharangan na siya ni Kayler.
"Stay away from my girlfriend!" matapang niyang sigaw sa lalake.
Ngumisi lamang ito at nagpatuloy ang lalake na nagngangalang Theo sa paglapit sa akin kaya naman hindi na nakapagpigil ang boyfriend ko at kaagad sinuntok na siya ni Kayler. Sa nakitang pagsuntok ni Kayler ay lalong nagalit ang mga lalake. Sabay-sabay silang lumapit sa aming dalawa. Ngunit kaagaran din silang pinagsusuntok ni Kayler. Ang isang lumapit sa akin ay sinipa ko ng malakas ng itlog sabay ngisi ko. Nang may lumapit ulit ay sinipa ko ulit sa itlog. Kaya ng hilahin ako ni Kayler para tumakbo ay agad kaming nagtatakbo.
Hingal na hingal ako nang mapaliko kami sa isang sasakyan.
"Dito!" sigaw ni Fil na nakasakay sa isang wrangler na itim.
Nakita niya siguro kami na hinahabol kaya siguro bigla niya kaming tinawag. Mabuti na lamang at andito si Fil, mabilis kaming makakatakas sa mga ungas na iyon.
Agad binuksan ni Kayler ang pinto sa gilid ng sasakyan at nagmadali kaming sumakay. Pagkaupo na pagkaupo namin ay agad umandar ang sasakyan. Nagulat ako nang mapadako ang aking mata sa driver na walang iba kung 'di si Prof. Scott Hernandez.
"Huwag ka ng magtanong!" Sabay halukipkip ni Fil na tila may something talaga sa kanila ni sir kaya pinatahimik ako ng lintek na babaeng ito.
Ang taray talaga ng bruha, e! Kung sinasabunutan ko kaya siya ngayon? Nasa gitna kami ng panganib ni Kayler tapos sila nasa gitna rin ata ng digmaan. Nasilip ko pa na may konting lipstick pa si sir sa kan'yang labi. Diyos ko, talaga! I kennat! Pasalamat siya mahal ko siya! Kung hindi, sinabon ko na siya sa harap ni sir Hernandez.
Sa aming tatlong magkakaibigan, si Fil talaga ang mahilig sa lalake. Ang daming crush, ang daming manliligaw, ang daming kahalikan. Pero virgin pa 'yan ha! Ewan ko lang ngayon na kasama nito si sir Hernandez. Baka masuko na ang bataan. Ang gwapo at sobrang hot ba naman ni sir Scott Hernandez. Paano ba naman sa bicef pa lang parang kayang-kaya ka na paangatin n'on! I'm sure din na may anim na pandesal 'yun sa tiyan, kaya halos lahat ng estudyante niya naglalaway sa kan'ya at lalong-lalo na itong kaibigan kong marupok. Well, except na lang sa akin. Hindi ko siya type, mas pogi parin para sa akin ang boyfriend ko.
"Aheeem..."
Pinanlakihan ko siya ng mata ng lumingon siya sa'kin. Mamaya ka sa'kin magpaliwanag na bruha ka.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Kayler sabay hawak sa kanan kong kamay.
"Ayos lang ako, ikaw ayos ka lang ba?"
"Ipapakuha ko na lang sa family driver namin," masungit niyang sambit sa akin.
"Hayaan niyo kakausapin ko bukas ang mga gwardya upang hindi na ulit kayo nila magambala. Wala munang magpupunta kung saan-saan. Kung maari deretso muna kayo sa mga bahay niyo," payo ni Sir Hernandez.
"I can take care of it," sambit ni Kayler na matalim ang tingin sa gilid. "Ginawa mo naman kaming mga bata, sir!" dagdag niya pa.
Napatingin ako ng sinabi niyang 'yon. Oo nga pala, kabilang din siya sa isang sikat na fraternity sa University namin kaya sisiw lang din sa kan'ya iyon. At bukod doon ay mayaman sila at marami din silang tauhan,
"Hindi naman, pinag-iingat ko lang kayo," sambit ni sir Hernandez na ikinatango.
Nang ihatid ako sa bahay ay bumaba na din si kayler. Saktong pagbaba namin ay nakaabang pala si mama sa amin.
"Hello po, tita! Mauna na po kami," paalam ni Fil kay mama na sumilip lamang sa loob ng sasakyan at hindi na lumabas pa.
Ang bruhang 'yon! Hindi ko alam kung takot ba siya na masita ko o ayaw lang humiwalay kay sir Hernandez. Lagot talaga siya sa akin 'pag nagkita ulit kami. Pinong-pino ang kurot ko sa singit niya, humanda talaga siya sa akin.
Si Kayler naman ay lumapit kay mama at nag-bless. Ayiiee, napaka-magalang niya ata sa mama ko.
"Good evening po, tita Claire!" nakangiti niyang sambit.
"Magandang gabi din, iho! Halika na muna kayo sa loob at nang makakain na tayo ng hapunan. Tamang-tama ang dating ninyo," sambit niya sabay nauna ng pumasok sa loob ng matapos akong makapagmano at halik sa kan'ya.
Nang makaupo kami sa lamesa ay pinaghahan niya ng pagkain si Kayler. Nanguso ako sa kan'yang kinilos. Ako ang anak si Kaylee ang inaasikaso.
"Nakain ka ba ng ginataang tulingan?" tanong niya kay Kayler.
"O-opo!" kinakabahang sagot naman ni Kayler.
"Sandali at bibili ako ng softdrinks para mas masarap kumain," agad siyang naglakad sa kwarto upang siguro ay kumuha ng pera. Paglabas niya ay umaalingasaw na ang kan'yang pabango.
"Ma, baka naman maligawan kayo d'yan ni mang Domeng sa sobrang tapang ng pabango niyo!" natatawa kong sambit na ikinatawa din ni Kayler.
"Lintek kang bata ka! Ang dami mong napapansin!"
"Ang sakit kasi sa ilong, paanong hindi ko mapapansin?" nakataas kilay kong sabi sa kan'ya.
Mabilis din naman siyang nakabalik at kaagad sinalinan sa baso si Kayler. Si Kaylet talaga ang inuna niya. Nakakapagtampo tuloy ng kaunti.
"Ako din po, ma!" sabay abot ko sa kan'ya ng baso na nakanguso pa.
Ngumiti naman si mama sa akin at nilagyan ang aking baso ng softdrinks.
"Dalaga na talaga ang anak ko, boyfriend mo na ba itong lalakeng ito?" sabay turo niya kay Kayler.
"Ahehehe... opo, ma," sagot ko sa naglalambing na tono sabay yakap ko sa kan'ya.
Ngumiti naman siya at niyakap din ako.
"Walang problema sa akin, anak. Basta pagbutihin mo lamang ang iyong pag-aaral ha. Iyan lang ang mag-aahon sa iyo pagdating ng panahon. Kahit hindi na ako, basta ikaw na lang," madamdamin niyang sabi sa akin.
"Opo, ma! hindi ko po kakalimutan," sagot ko sa kan'ya.
Nang tingnan ko si Kayler ay mataman lang itong nakatingin sa amin at nakangiti.
Ipinagsandok pa siya ni mama ng kanin at ulam. Naku, alagang-alaga na siya agad ni mama.
"Ingatan mo ang puso ng dalaga ko ha, iho. Isa lang iyan at ayoko siya masaktan," wika niya kay Kayler na tila maluha-luha pa.
"Opo, hinding-hindi ko po sasaktan si Iyah, promise po iyan!" malambing niyang sambit kay mama habang inaabot ang kamay ko.
"Mabuti naman, iho!" sabay lapag niya ng baril sa lamesa na parehas naming ikinagulat ni Kayler. Hinihimas-himas niya pa iyon habang nakatingin kay Kayler.
"Saan mo nakuha 'yan, mama?" nagtataka kong tanong. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa kay mama. Hitsura niya kasi parang nananakot na ewan. Hindi naman siya ganyan.
"Hala, kumain na tayo!" sabi ni mama kaya naman nag-focus na lang kami sa pagkain ni Kayler. At paminsan-minsan ay nagkakatinginan.
Matapos kami kumain ay inihatid ko na si Kayler sa labas. Gabi na masyado baka hinahanap na ang isang ito ng kan'yang ina. Ayaw pa sanang umuwi. Diyos ko, Rudy!
"Marunong ka bang mag-commute?" tanong ko sa kan'ya habang masuyo niyang pinipisil-pisil ang aking kamay habang naglalakad kami sa labas.
"Ako pa!" pagmamayabang niya sa akin.
"Weh?" biro ko pa.
"Mayaman kayo, kaya sa tingin ko ay hindi mo pa na-try ang mag-commute kahit isang beses,"
"Marunong naman. You think i don't know huh!" sabay kurot niya sa pisngi ko.
"Naniniguro lang, baka kasi mamaya maligaw ka d'yan tapos ako pa may kasalanan," tumingin ako sa langit sabay nguso.
Tinawanan niya lang ako sabay hapit sa aking beywang. I'm not into pda pero bakit gan'on biglang parang nawalan na ako ng pake. Dati kapag nakakakita ako ng mga mag-jowa na mga nakahawak kamay o makayakap habang nasa daan ay pakiramdam ko, nakakainis iyon tingnan. Hindi kasi kaaya-aya sa mata pero ngayon, parang mas gusto ko na ganito kami. Iba pala talaga ang nagagawa ng love. Corny sa iba pero sa aming mga inlababo, ang cheesy-cheesy n'on!
"Sumama ka na lang kaya sa akin pag-uwi ko?" bulong niya sa aking tenga.
Hindi naman ako nakiliti sa bulong niya 'no! Konti lang naman.
"Bakit? Siguro hindi ka talaga marunong mag-commute ano?" sabay tingin ko sa kan'ya ng matalim.
"Masama bang iuwi ka?" sabay haplos niya ng masuyo sa aking beywang na nakapagpatayo ng aking balahibo. Para kasing may kuryente ang bawat haplos niya sa akin. Naramdaman niya din kaya iyon?
Masuyo niya akong hinalikan sa aking labi at nagpaalam na.
"Dito mo na lang ako ihatid. Masyado nang malalim ang gabi. Baka kung sa kanto mo pa ako ihatid ay baka mapaano ka pa. Bumalik ka na sainyo," wika niya sa malambing na boses kaya naman agad akong tumango at nagpaalam na din sa kan'ya.
Nagsimula siyang maglakad ng patalikod habang nakangiting nagpapaalam sa akin. Parang ayaw pa ako iwanan pero kailangan niya ng umuwi.
"I love you, Iyah!" sigaw niya habang kumakaway sa akin na ikinangit ko ng sobra.
"I love you too," i mouthed.