Sobrang sweet ng boyfriend ko, palagi siyang may pa-surprise sa akin na hindi naman kailangan.
"Baka sa susunod makita na kita d'yan sa gilid na nagtitinda ng bulaklak ha," sambit ni Fil nang makita na may dala-dala na naman akong bulaklak. Paano ba naman araw-araw akong binibigyan ni Kayler ng bulaklak. Sabi ko ng 'wag na magbigay kaso sobrang mapilit niya. Pati si mama ay palagi na rin nagtatanong kung kanino nanggaling ang bulaklak na lagi kong inuuwi.
Hindi ko masabi sa mama ko na galing kay Kayler iyon baka kasi kapag sinabi ko ay baka magalit si mama sa akin. Ayaw niya pa na magka-boyfriend ako dahil magiging sagabal lang iyon sa aking pag-aaral. Kaso crush at love ko talaga si Kayler, e! Ang hirap pigilan kapag and'yan siya.
Simula nang naging kami ni Kayler ay palagi niya akong hinahatid sundo. Palagi siyang nakadikit sa akin sa tuwing vacant naming dalawa. Bagay na pinangamba ko. Madalas kasi napapaginitan na ako ng mga babaeng may gusto sa kan'ya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako na naging kami ni Kayler. Simula kasi noong naging kami, dumami na ang mga babaeng nagagalit sa akin. May mga nagpaparinig, may mga nagtataas ng kilay. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nabu-bully.
"Tumabi ka nga d'yan!" singhal sa akin ng isang babae na pinaglihi ata sa malaking boobs na hindi ko naman kilala sabay bangga pa sa balikat ko.
"Excuse me, ang laki ng daan!" singhal ko na rin.
"May mga ibang tayo d'yan ginagamit lang para lang maipakita ni boy na lahat ng babae kaya pasagutin," parinig ng isang babae sa aking gilid na kaibigan ata ng bumangga sa akin.
Hanggang sa pumasok ako ng cubicle ng cr ay naririnig ko parin ang usapan nila. Hanggang sa lumabas ako at maghugas ng aking kamay.
"Ay, kawawa naman pala si girl!" sabi noong isa pang babaeng payat at pilit nagsusuot ng sexy na damit, mukha naman kalansay.
"Baka akala niya kahit maraming binibigay na kung ano-ano sa kan'ya ay gusto na talaga siya!" sagot naman noong isanbg babae na makapal ang make-up.
"Kung ako doon sa girl, iiwan ko na si boy! Siguradong paiiyakin lang siya n'on!" sabi noong babae na nangbangga sa akin na halos lumuwa na ang dede sa sobrang sikip ng kan'yang suot. Daig pa ang pokpok kung manamit.
Hindi ko alam kung ako ba ang pinariringgan nila. Ang nakakainis kasi ay tinitingnan nila ako sabay ngisi nila. Para bang patama lahat ng iyon para sa akin.
Tinagilid ko ang aking ulo while my eyebrows furrowed. Anong problema niya? isa ba ito sa naging babae ni Kayler. Ayoko ng may kaaway kaya naman nagmadali akong lumabas na ng cr.
Habang palabas ako ng cr ay bigla akong tinapid ng isang babae. Muntikan na akong masubsub sa sahig kung hindi lang ako nasalo ng isang lalake.
"Uy, ayos ka lang, Miss?" tanong sa akin ng nakasalo sa akin.
"Ayos lang ako, salamat."
Nang makabawi ako ay matalim akong tumingin sa nangpatid sa akin. Alam kong sinasadya niya 'yon.
"Tatanga-tanga kasi, e!"
Hindi na sana ako maiinis o magagalit sa nangtalapid sa akin kaso nakarinig pa ako ng masamang salita. Humarap ako sa kanila at tiningnan sila ng masama.
"Ano gaganti ka ba?" hamon niya pa na nakapagpanting sa aking tenga.
Ginamit ko ang spinning back kick. Umikot ako while raising the knee of my striking leg to my chest and then driving the kick to her right arm. Halos tumalsik siya sa kaliwa sa ginawa ko.
"Whoah!" manghang sambit noong lalake na nakasalo sa akin.
Nanlalaki ang mata niya sa ginawa ko. Akala niya ata hindi ko siya papatulan.
"Walanghiya ka!" sigaw pa nito sa akin na nginisian ko lang.
"Subukan mo ulit sa akin ang ginawa mo! hinding-hindi lang iyan ang matitikman mo!"
Tila natakot naman ito at umiwas na sa akin. Nang lumingon ako sa kaliwa ay nakita ko si Kayler na nakatayo lamang sa gilid at nakapameywang. Tinangka niya akong lalapitan ngunit inirapan ko siya at humakbang palayo sa kan'ya.
Nakakainis! Isa siguro ang mga iyon sa mga naging babae niya. Hindi na ako magtataka sa dami ba naman ng naging babae niya ay hindi talaga maiiwasan ang mga bitter. 'Yung tipong wala ka naman ginagawa, bigla na lang silang magagalit sa'yo na parang mga tanga.
Subukan nilang saktan pa ako, makikita nila hinahanap nila. Pagagapangin ko sila sa sakit. Hindi ako nag-aral ng crim para saktan lang nila. Akala ba nila papaapi ako, mukha nila!
Kayler's Pov:
Ilang beses ako iniiwasan ng baby ko. Panay naman ang buntot ko sa kan'ya. Palagi ko siyang tinatanong kung bakit siya nagsusungit sa akin. Ngunit panay lamang ang irap nito sa akin. Kung ano-ano na ang ginawa ko para lang ako ay kan'yang pansinin. Panay-panay ko siyang sinusuyo ngunit hindi ako kinakausap. Ano bang nangyari sa kan'ya talaga? Bakit gan'yan niya ako itrato ngayon?
Nang makita ko siya na nakayukyok sa lamesa sa loob ng room nila ay dahan-dahan akong lumapit, sa takot na baka maistorbo ko siya. Inilapag ko ang dalang balloon na may design na i love you Iyah sa loob nito. Itinali ko iyon sa bag niya para makita niya paggising niya. Isinilid ko din ang dalang chocolate sa kan'yang bag.
Lumuhod ako sa gilid niya para madampian ang labi niyang mapula-pula. Kahit walang lipstick ay napakapula ng labi niya. Kahit maiksi ang buhok niya ay pansin na pansin parin ang mukha niya na babaeng-babae.
"Ang sungit-sungit naman ng bebe ko ngayon. Bakit naman nilagpasan mo lang ako kanina?" may hinanakit na bulong ko kay Iyah. Ayaw ko rin magising siya pero gusto kong kwentuhan siya kaya kahit ako na lang muna ay ayos lang sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya at panay ang pisil ko doon habang nakatingin lang sa magandang mukha niya.
"I love you, baby!" sabay halik ko sa kan'yang kamay.
"Hoy! 'wag mong papakin ang kaibigan namin!" sambit ni Jennie sabay tulak sa akin. Habang si Fil naman ay nakabusangot sa akin. May balak ata silang kuyugin ako. Hindi ko naman pinapapak si Iyah. Sadya lang talagang na-miss ko siya. Iba talaga pag 'yung girlfriend mo ay may mga amozonang kaibigan. Napailing na lang ako.
"Tsupi! 'di ka bet makausap ni bebe ngayon, kaya move!" pagpapalayas sa'kin ni Fil. Kasusungit naman ng mga 'to! paligawan ko kaya 'tong mga ito sa teammates ko, para wala ng asungot samin ni Iyah.
Muli kong hinawakan ang kamay ni Iyah at muli siyang hinalikan sa labi. Pagkatapos ay
malungkot na tumayo na ako at nakapamulsang naglakad palayo doon. Hays... sana naman ay okay na kami mamaya. Ayaw ko ng magtagal na hindi niya ako kinakausap. Sumasakit ang aking dibdib sa isiping baka ayaw niya na sa akin kaya hindi niya na ako pinapansin.
Matapos kong dalawin si Iyak ay dumeretso ako sa library at nag-research doon para sa aking project. Sa sobrang babad ko sa pagbabasa ay nakalimutan ko ang oras. Nang lumabas ako ng library ay madilim na. Mag-isa akong naglalakad sa paglabas ng may marinig akong yabag sa aking likuran. Nang aking lingonin ay wala naman. Nagpatuloy akong maglakad nang walang ano-ano ay biglang sumulpot sa harap ko si Iyah sabay sigaw ng...
"Tadaaah...." suot ang maskara na may malaking ilong.
"Damn you, woman! You'll be the death of me!" gulat na gulat kong sabi sa kan'ya. Mag-isa lang akong naglalakad dito tapos bigla niya akong gugulatin. Hays, ang puso ko, tumalon ata nang napakataas. Hindi agad nawala ang lakas ng t***k nito sa takot.
Napahagikgik naman siya na yumakap sa akin.
"Kanina pa kita inaantay, e! Hindi mo nga ako napansin sa tabing table mo, sobrang subsob mo sa pagbabasa."
Nakanguso nitong sambit sa akin. Kanina lang hindi niya ako pinapansin. Ngayon naman ay bigla-bigla na lang siya manggugulat.
"Halika na," sabay hila ko sa kan'yang bewang patungo sa labasan.
Nasa may parking na kami ng may mga lalakeng humarang sa amin.