"Saan tayo pupunta?"
Tumingin ako kay Kayler na ngayon ay may bahid na ngiti sa kan'yang labi. May pagkamisteryoso din itong lalakeng ito, e. Bigla na lang ulit niya akong pinansin at take note, sobrang sweet niya pa. I don't know what's happening pero nagugustuhan ko na itong mga ginagawa niya.
"Tagaytay," he sweetly said.
Hinawakan niya ang aking kamay at dinala iyon sa kan'yang labi para halikan. Agaran nag-init ang aking pisngi sa kan'yang ginawa. Iba parin talaga ano kapag ang lalaki ay gentleman. Mapapangiti ka na lang talaga ng todo.
Inabot parin kami ng isang oras sa byahe papunta roon. Tagong-tago ang lugar pero ang ganda din naman. Walang ibang costumer nang dumating kami kaya sobrang tahimik at solo namin ang nag-iisang mahabang lamesa. Iyon lang talaga ang naroon.
Sa gilid ay may hagdan pababa patungo sa maliit na swimming pool. Wala rin tao doon kaya parang ang sarap kung magsu-swimming kami. Nag-init agad ang aking pisngi nang maisip na dalawa kaming lalangoy doon.
"Anong gusto mong kainin?" he sweetly said.
Mula sa aking likod ay niyakap niya ako at inilagay ang kan'yang baba sa aking kaliwang balikat at inamoy-amoy ang aking leeg.
"Ang bango mo," he said while sniffing my neck.
Hinila niya ako sa table at sabay kaming naupo ng magkatabi. Sakto naman dumating ang waiter at inilagay ang menu sa tapat namin.
Habang naghihintay sa inorder naming food ay panay tingin ko sa pool. Napansin niya ata iyon kaya niyaya niya ako sa taas para mag-inquire kung p'wedeng mag-swimming. Sakto din na may binebenta silang damit panligo kaya natuwa ako ng tinanong niya ako kung gusto kong bumili.
Napili ko ang dilaw na string bikini. At ganoon din ang kulay na binili niyang trunks. Kumuha kami ng room para doon makapagbihis at iwanan ang gamit namin. Natulala pa ako sa kan'ya nang matapos ako makapagbihis at lumabas sa cr. Nakasuot na rin siya ng yellow trunks. Damn! nagiging maniac na ata ako. Ang ganda naman kasi ng katawan niya, kanin na lang ang kulang.
Hindi ako tumanggi nang lumapit siya sa akin at hawakan ang aking kamay palabas ng kwartong kinuha namin. Niyaya niya ako pababa patungo sa swimming pool.
Nauna siyang bumaba sa swimming pool habang maingat niya akong inalalayan pababa ng pool.
"Ang lamig ng tubig!" i gasped.
He laughed at me habang inilapit niya ang sarili at niyakap ako.
"Feel better?"
Tinawanan ko siya sabay saboy ng tubig sa kan'ya. Agad akong sumisid para makatakas. Hinabol niya ako at hinawakan ang magkabilaang legs ko, pulling me up to him. Pumalag ako nagkawag-kawag upang mabitawan niya ako. Sobrang lakas niya kaya hindi ko magawang makaalis. Niyakap niya ako mula sa beywang ay binitbit papuntang hagdanan ng pool.
Titig na titig siya sa akin na ikinapula ng mukha ko. Ilang beses niya na akong tinititigan pero hindi parin ako masanay-sanay. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng bumaba ang mata niya sa aking labi. Ngumiti ako ng hindi niya parin inalis ang kan'yang mata sa aking labi.
"Your smile makes me weak. Alam mo ba 'yon?" he brushed a few strands of my hair at the back of my ear.
Tinakpan ko ang aking mukha sa sobrang hiya at kilig. Pangarap ko lang dati ang matingnan niya. Ngayon nasa harap ko na siya. Parang hindi parin ako makapaniwala.
"Baby, you're so cute," bulong niya sa aking tenga. Damn! it sent shivers down my spine.
Tinanggal niya ang aking mga kamay sa mukha ko at dahan-dahan niyang hinawakan ang aking panga at maingat na hinalikan ang aking labi. Kusang napapikit ang mata ko sa sarap ng kan'yang halik. Agad kong naramdaman ang init na dulot ng kan'yang halik, na para bang sinisilaban kami habang tumatagal ang aming halikan. Nag-umpisa na rin maglikot ang kan'yang mga kamay. Hinimas-himas niya ang aking likod pababa sa aking puwetan.
Halos mapatalon ako ng marinig ang nagsalita sa gilid namin na may dala ng pagkain namin. Agad akong humiwalay sa kan'ya sa hiya.
Bahagyang naman natawa siya sa nakitang reaksyon ko. Lalo na nang marinig na tumunog ang aking tiyan. Hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ako sa table sa tapat ng pool.
Halos mapuno ang lamesa namin ng pakain. Nang makaupo kami ay agad niya akong sinubuan. Hanggang sa ihatid niya ako ay hindi na natanggal ang ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko ay napaka-espesyal ko na tao ngayong araw.
----
"Hoy! anong thank you so much, thank you so much ka d'yan?!" tinampal-tampal pa ni Jennie ang mukha ko.
Tila natululig ang aking tenga sa lakas ng kan'yang boses. Papungas-pungas ako ng bumango at sumandal sa headboard ng aking kama.
"Huh?" asan na 'yung panda ko?" lumingon-lingon pa 'ko sa paligid at pati siya ay lumingon din at hinahanap din ang hinahanap ko.
"My God! are you on drugs?! Naku, sinasabe ko sa'yong bruha ka!" naiinis niyang sabi habang natatawa lang ako sa bawat pagbuka ng kan'yang bunganga. Dinaig niya pa si mama, e.
"Oh, anong problema niyong dalawa? ka aga-aga, e!" sita sa amin ni Fil. Habang nagpupunas siya ng basang buhok.
"Aba! ewan ko d'yan sa kaibigan mo! nagising na lang ako sa kaka-thank you so much niya!"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya at napatawa ulit.
"Ano ba 'yon? nanaginip ka?" tanong ni Fil.
"Panaginip ba 'yon? nakita niyo ba 'yung malaki kong panda?"
Napakamot sa ulo si Jennie sabay iiling-iling sa akin. Si Fil naman ay pinukpok ako ng unan.
"Ayan! para magising ka! laklak ka ng laklak kagabi tapos ngayon kung ano-ano pinagsasabi mo!" inis na sambit ni Fil.
"Nagsalita ang hindi lumaklak!" pangbubuyo ni Jennie kay Fil.
Nagkamot na lamang ako sa ulo sa bangayan ng dalawa.
Dito ulit sila natulog dahil hapon naman ang pasok namin ar pare-parehas kami ng oras ng papasukang subject.
Tumayo ako at hinanap ang pandang ibinigay sa akin ni Kayler.
"Asan na ba kasi 'yon? Aaahh... hindi ko matandaan!" naiinis akong nagkamot ng aking ulo.
Kinuha ko ang aking cellphone ng marinig na tumunog iyon.
Kayler:
Good mornig, baby! Kelan mo kukunin si pandakot dito?
Ay, putek! pa'no ko nakalimutan 'yon?! hindi ko nga pala kinuha iyon sa pag-aakalang pagagalitan ako ni mama.
Me:
Mamaya na lang, 'pag nagkita tayo.
Narinig ko ang ingay sa labas kaya ibinaba ko ang aking cellphone at dumungaw kung sino ba ang hampas lupa ang nasa hardin namin. Wow! hardin talaga? haha maliit lang naman ang bakuran namin. Sakto lang para malagyan ng lamesa at upuan at kaunting halaman sa mga gilid-gilid.
Kaya naman pala may narinig akong hagikgik. Andito na naman pala ang aming kapitbahay dala ang kan'yang cute na cute na baby. Agad kong kinuha sa kan'ya ang anak niya at kinarga.
"Hello, baby Shan!"
Agad ko siyang pinupugpog ng halik.sa pisngi.
"Hala, ang cute naman niya!" lapit ni Fil at kinurot-kurot na din ang pisngi ni baby Shan.
"Oo nga, ang cute niya nga!" ani ni Jennie.
Umikot si Jennie sa kabila kong side upang mahalikan si baby Shan. Dudukwang pa lamang siya ng marinig ko na itong sumigaw.
"Oh my God... aray!!! huhu..." pahikbi niyang sigaw habang tinataboy paalis ang bibe sa gilid niya. "Sshh... sshh!!" sabi niya pa at panay ang sipa sa hangin.
Sabay kaming napatingin ni Fil sa isa't-isa at pati ang hawak ko na baby ay nagulat din dahil kitang-kita namin na nanlaki ang kan'yang mata.
"Kinagat ako ng bibe!" mangiyak-ngiyak niyang ngawa.
Halos humagalpak naman kami ni Fil sa kakatawa. Sa dami-dami ba naman ng tutukain ay ang daliri pa ni Jennie.
"Akala niya siguro uod ang daliri mo!" pang-aasar ko pa.
Sumimangot lang siya sa akin at nagpatuloy kulitin si baby Shan.
Kung ano-ano lang ginagawa namin pag andito sila sa bahay. Minsan kahit may raket ako napunta at natambay parin sila dito.
Minsan nadatnan ko sila dito sa bahay na nagvi-videoke. Paulit-ulit ang lyrics nila na tinawanan ko ng tinawanan.
"There's no place like home, there's no place like home..." sabayang kanta ni Jennie at Fil.
"There's no place like home, e 'di naman kayo natigil sa mga bahay niyo!" hagalpak kong tawa.
"Masarap luto dito ni tita, kaya kami palaging narito!" sabi naman ni Fil.
"Oo nga! at isa pa bahay na rin namin 'to 'di ba tita?" sabay yakap ni Jennie sa mama ko na animoy mama niya na rin.
Napapangiti na lang ako sa tuwing maalala ko kung gaano kalapit ang mga kaibigan ko sa mama ko at ako na parang kapatid na rin nila.
Sabay-sabay kaming lumabas at naglalakad patungo sa kanto. Wala kasing masakyan kaya naisipan na naming maglakad.
"O ba't naglalakad lang kayo?" tanong ng kapitbahay naming si manong Temyong.
"Nakakapagod naman ho kung gagapang kami," paseryosong sagot ni Jennie na ikinatawa namin.
"Aba, pilya ka ah!" natatawang sabi ni manong Temyong.
Napangiwi naman kami ni Fil sa banat niya. Kala mo laging seryoso, e! Hanggang sa makasakay kami ng jeep ay natatawa parin kami.
Pagbaba namin ng gate ay saktong naroon na si Kayler. Matyagang naghihintay sa akin at may bitbit na flowers.
"Wow! ikaw na may bulaklak," bulong sa akin ni Fil at agad naman niyaya si Jennie na mauna na.
Nagtama ang aming mga mata ng lumingon siya sa kinatatayuan ko. He slowly walk towards me habang nakatitig lang sa akin.