Aliyah's Pov:
Buong gabing panay ang dikit sa akin ni Kayler. Kapag may lumalapit sa akin at gustong makipagkilala ay hinaharang niya. Halos siya na rin ang umuubos ng ibinibigay sa akin na alak.
Hays! daig ko pa ang nagsama ng tatay! Nang hindi siya nakatingin ay panakaw kong iniinom ang isang basong puno ng alak. Nang tumingin siya sa akin ay nalunok ko na lahat iyon.
"Bleeeeh..."
Pang-aasar ko pa sa kan'ya. Iiling-iling siyang niyakap ako at sinubsob ang ilong sa aking leeg.
"Don't ever make me jealous again or else..." bulong niya sa puno ng aking tainga.
"Or else what?!" hamon ko din. Nakainom na rin ako kanina at medyo may tama na rin ako dahil sa tequilla ang iniinom namin, kaya naman medyo malakas ang loob ko. Nasa dance floor ang dalawa kong kaibigan, busy makipagsayawan kaya mas lalong malakas ang loob ko.
"I'll kiss you till you drop," sabay hagod niya sa batok ko at dinilaan ang likod ng aking tenga pataas na animo'y ice cream ang likod ng aking tenga.
Wew! it sent shiver down my spine. Ang lakas niyang mang-akit. Dahil doon ay napainom ulit ako ng tequila.
Binasa niya ang kan'yang labi ng kan'yang dila nang muling magtama ang aming mga mata. Unti-unti niyang nilapit ang kan'yang labi sa aking labi.
Ang kamay niya ay dahan-dahang gumagapang sa aking likod. Bawat haplos niya ay nagdudulot ng init sa aking kaibuturan.
"Dadaanan kita bukas," putol niya sa aming halikan.
Nakakahiya! kung hindi niya pa pinutol ang aming halikan ay hindi pa matatapos ang halikan namin. Konting-konti na lang at bibigay na ang aking katawan. Diyos ko po, Rudy!
-----
"f**k! ang sakit ng ulo ko!" narinig kong sambit ni Fil.
Pupungas-pungas ako nang bumangon ako. Si Jennie ay tulog parin at naghihilik. Sobrang nalasing kami kagabi. Pa'no 'yung bruhang si Jennie, natipuhan nung isang afam. Panay tuloy ang padala ng alak sa table namin.
Tumayo ako at tiningnan ang oras. Sa pagmamadali para akong isang turumpo ng makitang ala sais y medya na. Nakalimutan ko na may usapan kami ni Gadriel na magsisimba ng 7.
Nang matapos maligo ay agad akong nagbihis ng blue knitted blouse na pinaresan ko ng skinny jeans at white shoes. Nagkilay lang ako at pagkatapos ay lumabas na ng aking silid.
Natagpuan ko ang dalawang bruha sa limesa kausap ang nanay ko. Ganito sila sa bahay, para na rin nilang pangalawang bahay ang tirahan ko. Close din sila sa nanay ko.
"Kumain ka na dito," yaya ni Jennie sa akin na humihikab pa.
"Saan lakad mo?" tanong ni Fil na nakataob ang mukha sa lamesa.
"Ayan, inom pa!" natatawa kong sabi kay Fil. 'Ang bigat mo," sayang outfit ko kagabi taga alalay mo lang ako," paismid akong umupo.
"Bakit ikaw lang? Saan naman nagpunta itong si Jennie?" sabay tingin niya ng masama dito.
"Busy!" sabay tingin ko sa itaas na medyo na tatawa.
Sakto naman na bumusina na si Gadriel kaya nagmamadali na akong tumayo at nagpaalam kay mama. Bahala na siya magtanong kay Jennie.
"Ang bango!" nilapit ni Gadriel ang kan'yang ilong malapit sa aking leeg ng makasakay ako sa kan'yang land rover.
"Kung makalapit ka naman, oy! baka masinghot mo pati ako!"
"Haha... sorry ang bango mo kasi parang nakaka-adik," aniya.
"Paalala lang ha, sa simbahan tayo pupunta! baka mamaya sa rehab ang tuloy natin n'yan. Type mo 'ko 'no?" sabay siko ko sa kan'ya.
"Tss! lakas ng loob! halika nga dito!"
Ikinulong niya ako sa kan'yang bisig at pilit sinasakal ng kan'ya braso ang aking leeg, pero hindi sa masakit na paraan.
"Ah, gan'on ha!" sabi ko sabay ngisi.
"Ummm..."
Sa gigil ko ay kinagat ko ang kan'yang dibdib. Dahil sa nasaktan siya ay napilitan itong bitawan ako. Nang tumingin siya sa akin ay binelatan ko siya.
Napailing-iling na lang siyang tumawa at nagsimula ng magdrive. Nang makarating kami sa simbahan ay sa may bandang gitna sa dulo kami pumwesto.
"Tingnan mo 'yun, oh! umiikot 'yung lamok sa ulo niya," natatawang turo ko sa lalakeng nasa unahan namin.
"Oo nga 'no! parang sa cartoon na nauntog lang," aniya na natatawa narin.
Tawa ako ng tawa na pati si Gadriel ay nahawa narin. Nang lumingon ako sa likod namin ay tila nag-slow motion ang pagbalik ng ulo ko sa unahan namin.
Sa tingin ko ay tinakasan ako ng dugo ng makita si Kayler matalim ang titig at deretsong nakatingin sa amin habang nakahalukipkip. He looked so pissed.
Patay! napakagat labi ako ng 'di oras. Nang dukutin ko ang cellphone ko ay nakita ko ang maraming chat at tawag niya pati na ng mga kaibigan ko. Inuna kong basahin ang mga chat ng mga kaibigan ko.
Fil:
Pumunta dito si Kayler, hinahanap ka! binigay ko number mo.
Jennie:
Lagot ka and'yan na si Kayler, magseselos 'yun kay Gadriel.
Fil:
Aww! busy? hahaha... patay ka talaga mamaya!
Jennie:
Balitaan mo na lang ako kung sino panalo sa suntukan ha.
Mapapa-facepalm ka talaga kapag ganito mga kaibigan mo, e!
Kayler:
Bakit kasama mo siya?
Hala, maaga pala siya magising at ang aga niya naman ako puntahan. Oh, damn! patay talaga ako mamaya. Nang nilingon ko siya ay nakasimangot na siya at nakatitig lang sa akin ng masama.
Shit! ang gwapo-gwapo pa naman niya ngayon. Kahit malayo siya ay pakiramdam ko ang bango-bango niyang tingnan. Omg! ang crush ko! Parang hihimatayin ako now!
"Hoy, okay ka lang? para kang nangingisay d'yan!" sita ni Gadriel sa akin.
Kung wala kami sa loob ng simbahan ay nahampas ko na itong lalakeng 'to!
Nang matapos ang misa ay agad akong nilapitan ni Kayler.
"P'wede ko na bang masolo ang girlfriend ko?" nakataas kilay niyang tanong kay Gadriel na ngayon ay nakaawang ang labi.
Sabay nilang hinawakan ang aking kamay. At parehas silang masamang nagtitigan sa isa't-isa at parang ayaw magpatalo.
"Bitaw!" mahinang boses na sabi ni Gadriel.
Habang kapit nila ang aking kamay ang naglakad na ako upang makalabas na ng simbahan. Gosh, sa loob pa ng simbahan pa nila ako pag-aagawan. Lord, patawad po! Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
"Grabe naman landi niya, dalawang lalake pa nakahawak sa kan'ya! magti-threesome siguro," narinig kong bulungan ng mga babae sa gilid ko.
Aba! nakakita lang ng may nakahawak, threesome na agad?! Grabe naman mga pagiisip ni ateng, naka-highspeed. Inirapan ko na lang si ateng at hindi na pinansin. Kawawa 'yun kapag nagbugbog ko.
"b***h!" narinig ko pang mahinang usal ni Kayler doon sa babae.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at patuloy na hinila sila sa labasan.
"P'wede niyo na ako bitawan. Hindi ako mawawala," utos ko pero wala sa kanila ang bumibitaw.
"Aba, 'di ba p'wedeng laban muna bago bitaw?" seryosong sabi ni Gadriel.
"What?" laglag ang panga kong 'di makapaniwala sa sinabi niya.
"Distansya o bitaw?" 'di papatalong hamon ni Kayler.
Gusto kong mag-facepalm, kaso 'di ko magawa. Ang lintek kasi na dalawang ito, ayaw parin pakawalan ang kamay ko.
"Nangangati 'yung singit ko, p'wede ba bitawan niyo ako saglit!" angal ko na sa kanila para bitawan ako.
Tila effective naman iyon at binitawan nga ako ni Gadriel ngunit nang mangyari iyon ay mabilis na ikinawit ni Kayler ang kan'yang kamay at inakay ako palayo doon.
I mouthed sorry na lang kay Gadriel habang palayo kami habang nakatingin lamang sa akin si Gadriel.
"Why are you with him again?" salubong ang kilay ni Kayler ng makasakay kami sa kan'yang sasakyan.
"Ahhh... kasi may usapan kami ngayon," hindi makatingin kong sambit sa kan'ya.
"Sinabi ko na sa'yo na dadaanan kita," giit niya.
"Malay ko bang umaga iyon!" baka makalusot kong katwiran sa kan'ya.
Walang imik siyang nagsimula ng magdrive.
"Gusto ko lang naman sanang makasama ang girlfriend ko mula paggising ko hanggang gabi sa first day namin," masungit niyang paliwanag.
Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ang rason niya. Oh my gosh! kinilig ako ng sobra doon!
Maya-maya pa ay itinigil niya ang sasakyan at bumaba. Akala ko kung anong gagawin niya. May kinuha lang pala sa likod ng sasakyan niya. Nang bumalik siya ay may bitbit na siyang isang bouquet ng pink roses. Pati isang malaking panda, 1 box ng red velvet cake at chocolate.
"For my girlfriend, my happy pill," sambit niya sa napupungay na mata habang inaabot niya sa akin ang mga dala niyang gift sa akin.
Oh my, sobrang sweet! Halos magpuso na ang mga mata ko sa ginawa niya.
Hindi naman talaga ako materialistic na tao pero ang gawin niya 'to para sa unang araw naming dalawa ay sobrang nakapagpakilig sa akin.
"Thank you," sabay yakap ko sa kan'ya ng mahigpit.