Valleria/Vivian Pov... Sinubukan ko naman talagang kayanin ang pagpapanggap na hindi siya si Greg na aking asawa kundi si Xavier Clemente ngunit hindi ko kayang magtagal pa sa pagpapanggap na ito. Hindi lang nakakapagod kundi nakakabaliw sa sakit na unti unting dumudurog sa aking pagkatao. Madalas nakakalimot ako kung sino ako ngayon at kung sino rin siya. Nanatili rin siyang naging ama nga kay Kashmir, mas madalas pa yatang pagkikita nilang dalawa kaysa sa akin. Nandito ako para makasama ang aking anak ngunit hindi yata matutupad yun. Tuwing nakikita ko silang magkasama ay nadudurog ang aking puso. Ako sana ang kasama nila sa bawat tawanan, habulan at ngitian nila ngunit hanggang tanaw ko lamang sila. Nanatili akong tumira dito ng isnag Linggo para makasama sila kahit abot tingin ko

