Agatha Pov... Pumunta ako sa mall para bumili ng susuutin ko mamayang gabi para akitin si Marcial. Tama na ang mahigit dalawang taon na palugit ko sa kanya. Noon palang mahal ko na siya kaya handa akong magsakripisyo para sakanya pero ngayon kinakabahan akong mawawala siya sa akin. Lagi siyang maraming dahilan tuwing nilalambing ko siya. Madalas din na siyang umuwi ngayon na nakainom at idagdag mo pa na pagod siya sa kanyang trabaho. Nakangiti akong lumabas sa mall bitbit ang aking mga pinamili. Hindi ako papayag na ang gabing ito ay masasayang lang. Asawa kita Marcial at kahit anu pang gawin mo para lumayo ako sayo ay hindi yun mangyayari dahil mahal na mahal kita. Pagkatapos kung nagbabad ay inamoy amoy ko ang aking sarili. Pinili ko ang light pink na nighties at ang vanilla scent par

