Greg Pov... Dumaan ang mga araw na hindi na namin pinag - uusapan ang tungkol kay Valleria. Tuwing gustong simulan ni Vivian ang tungkol kay Valleria ay hindi ko pinapakinggan lagi kong sinasabing busy ako or niyaya ko siyang mamasyal at kailangan niya ng malusog na pagbubuntis. Naghanap din ako ng yoga class dito para sa mga buntis. Pakiramdam ko isang pasabog si Valleria Alvarez na hindi ko pwedeng pasabugin. Dinala ko siya ngayon sa MOA . Humingi ako ng isang linggo na bakasyon kay Jay makapagbiyahe kami habang hindi pa ganun kalaki nag kanyang tiyan. Dito sa condo ni daddy sa Makati kami tumutuloy. "Babe, naisip ko kung anu ang magiging pangalan sa anak natin." Sabi ko sa kanya habang nanonood kami ng princess diaries. "Sige, pwede naman tayo magbuo ng pangalan para sa lalaki at ba

