Greg Pov... Dahil sa unexpected na pangyayari sa mall, iniuwi ko agad si Vivian baka mapahamak pa sila. Habang nasa biyahe kaming pauwi hindi ko siya inusisa pa. Panay ang tingin niya sa aking tahimik na nagmamaneho. Hindi siya mapakali na panay ang paglagitik ng kanyang kuko dahil sa kanyang hindi mapakali na pagkurot. Pagkarating sa bahay hindi niya napigilan ang kanyang sarili para magsalita. "Greg!" Tawag niya sa akin. Pero hindi ako kumibo. Hindi pa maproseso ng utak ko ang kaganapan kanina sa mall. "I'm sorry!" Kanyang muling pagsalita. Napatigil ako sa pagpindot ng elevator at lumingon sa kanya. Pinipigilan kung huwag magalit sa kanya dahil natatakot akong mapahamak sila ng aking anak kapag natakot siya sa akin. "Let's talk later." Sabi ko sa kanya bago pinindot ang elevator

