Masaya ako dahil natapos ang aming kasal. Walang pagsidlan ang saya namin ni Vivian palabas ng munisipyo. Si detective Leigh at Jay ang tumayong witness sa aming kasal. Gusto naming solemn ang aming kasalan kaya nirentahan ni Jay ang isang resort na malapit sa amin. Alaala nung una kaming nagkakilala. Dahil sa kanilang kasalan kaya ko siya nakilala at nahumaling agad sa kanyang taglay na ganda. Kagustuhan ng Diyos na may mangyari sa amin sa araw na yun. Doon nagsimula ang lahat. Pagkasabik at pagkagusto na umabot ng pagmamahal. Tinignan ko si Vivian at hinawakan ang kanyang kamay. "Baby, I'm happy you came to my life." Sabi ko sa kanya. "Likewise Greg, I didn't know I'll fall in love." Kanyang sagot. "Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya. May iba kasing meaning kapag iintindih

