Vivian Pov Simula nalaman na buntis ako ay naghanap ng bagong yaya si sir Jay pero hindi na sila nahirapan kasi inirekomenda ni aling Tess ang anak ng kanyang kumare. Pero kahit may bagong yaya si David ay madalas pa rin siya sa akin lumalapit dahil sa akin nga naman siya lumaki. Araw ngayon ng linggo kaya pumunta kami rito sa mall para mamili ng damit ko at apat na buwan na ang aking tiyan. Bibili rin si mam Dana ng mga gamit niya sa bakeshop. Pinalaki kasi ni sir Jay at may gustong magdine - in kaya lalong busy siya idagdag pang pitong buwan na buntis kaya moody rin siya noong malamang buntis ako. Nakilala kong mabait si Mam Dana pero recently masungit siya sa akin at bihira akong kausapin. Akala ko tuloy dahil sa relasyon namin ni Greg hindi pala, dahil naglilihi siya. "Greg! Gusto

