Vivian Pov...
Wala pa namang nagbago sa bahay ngunit biglang nagkaroon ng business trip si sir Jay kinabukasan papuntang Canada at Dubai. Kinakausap pa rin naman ako ni Mam Dana at nagsimulang pumasok na si Greg sa opisina. Gustong gusto kong tanungin kong manantili paba akong yaya ni David or hindi na.
"Mam Dana." Tawag ko sakanya habang nagkakape.
"Hmn." Kanyang tugon.
"Mam tanong ko lang po kung mananatili pa ba akong tagapag - alaga kay David or hindi na." Nag - angat siya ng mukha.
"Bakit, pinagbawalan ka na ba ni Greg?" Kanyang balik na tanong.
"Hindi naman po. Para alam ko po sanang maghanap ng ibang trabaho at matitirhan. Nahihiya naman po akong nakatira pa dito kung hindi po ako pwede rito." Maagap kong sagot.
"Wala pa naman kaming napag - uusapan ni Jay at hindi pa sila nag - uusap ni Greg."
"Okay po maam. Salamat po."
Inubos ko ang aking oras sa pakikipaglaro sa mga bata. Sa garden at nursery room lang ako naglalagi buong araw. Simula nalaman nila ang relasyon namin ni Greg hindi na ako komportable. Pati ang ibang katulong ay atubiling makipagkwentuhan sa akin. Nalulungkot man ako sa mga naging pagbabago kaya ibinuhos ko ang oras kay David minsan kay Jasmine.
Hindi ko namamalayang nakatulog pala ako dito sa garden. Napabalikwas ako ng bangon pabalik sa loob dahil alasingko na ng hapon. Hindi naman ako pagod pero bakit naman ako nakatulog dito buti nalang at may lilim sa parteng duyan kung hindi tostado na ako dahil sa init.
"Oh yaya, you're back!" Pukaw ni Jasmine pagkakita sa akin.
"Sorry Jas. Si David nasaan?" Tanong ko sakanya.
"Kinuha po ni mommy."
Nagmadali akong pumunta sa kusina dahil wala naman sila sa nursery room baka galit na sa akin si Mam Dana. Baka sabihin niya naging pabaya na ako dahil boyfriend ko ang pinsan ng asawa niya.
"Mam Dana pasensiya na po kayo nakatulog po ako." Hinging paumanhin ko pagkarating sa kusina.
"Okay lang Vivian." Sagot niya. Akmang kukunin ko sana si David nung nasusuka ako sa naamoy kung pagkaing nakahain sa kanyang harapan. Nagtatakbo ako papuntang lababo pero wala namang lumabas sa aking bibig.
"Iha okay ka lang ba?" Tanong ni manang.
"Opo nay, pasensiya napo. Hindi ko lang po nagustuhan ang amoy nung pagkain." Nanghihina kong sagot.
"Ha! Eh! Paborito mo ang ginataang alimango." Nagtatakang sagot ni manang at muli niyang binuksan ang kaldero para malanghap ko muli ang amoy at masukang muli.
"Nay saraduhan niyo na po, please." Maluha luha kong sagot.
"Buntis ka ba iha?" Biglang tanong ni manang Tere.
"Po!'" Nagulat kong sagot.
"Sa mga buntis lang ang ganyan. Kung hindi mahilo at masuka sa amoy ng pagkain. Paborito mo ang alimango kaya nakapagtataka namang masusuka ka anak o mahihilo. Baka kung anung sakit mo na? Wala ka nga palang boyfriend para mabuntis." Wala sa sarili niyang sagot. Sakto namang pasok ni Greg na kakarating lang.
"Magandang gabi ho manang. Maaga yata ang hapunan ngayon?" Kanyang bati sabay pumikit para amuyin pa ang amoy ng pagkaing niluluto ni manang.
"Dana kailan daw pala ang balik ni Jay?" Kanyang tanong habang kumukuha ng tubig.
"Sa linggo pa. Magbihis ka muna at sumabay sa amin ng hapunan kung hindi ka pa naghapunan sa labas." Sagot naman ni Mam Dana.
Nanghina akong napasandal sa lababo pagkaalis ni Greg. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi kapag totoong buntis ako. Hindi ko naisip ang pagkakataon na ito tuwing nagsisiping kami na hindi gumagamit ng proteksyon. Handa na ba akong maging isang ina? Tumingin sa akin si mam Dana hindi ko alam kung anu ang iniisip niya. Pero kung ganito nga naman ang magiging sitwasyon ko maaalagaan ko ba si David. Malapit na rin siyang magtatlong taon at lalong busy sila kailangang makasabay ako sa mga gawain higit sa lahat ang toka sa aking pag - aalaga kay baby David. Maiintindihan ko naman kung handa na nila akong palitan.
"I'm sorry mam!" Mahina kong sabi bago lumabas ng kusina. Pumunta ako ulit sa garden at ayaw kong makasalubong si Greg.
Napabuntong hininga akong umupo sa harapan ng halaman. Buti pa kayo nakakapagpagaan ng pakiramdam. I just don't know what to do first. Ayaw kong ilagay lagi si Greg sa alanganin. Things that I didn't anticipate before agreeing with him.
"Baby, anung ginagawa mo rito? Gabi na at mahamog." Boses ng taong nagpapasaya sa akin ngunit nagbibigay din ng lungkot, alam niya talaga kung saan ako makikita.
"Hi babe. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Dito kasi ang pinakamagandang lugar kung saan marerelax ang pakiramdam." At alalahanin idudugtong ko sana kaso ayaw ko siyang mag - alala. Humalik siya sa akin bago ako inakay papasok sa bahay. Hindi pa kami nakakarating sa kusina nung makaramdam akong muli ng pagsusuka. Nasusuka sa amoy ng ulam na nakahain sa mesa. Pinipigilan ko ang aking sarili pero hindi ko talaga kaya at tumakbo ako sa banyo. Nanghihina akong napaupo sa harapan ng iniduro, kulang nalang idikit ko ang iniduro sa mukha ko. Mahirap pala maging isang buntis. Nag - aalala naman si Greg na pumasok.
"Are you okay? What is happening to you?" Natatakot at nag - aalala niyang hitsura.
Ngumiti ako sakanya. "Okay lang ako." Sagot ko sa kanya. Inaakay niya akong muli papunta sa kusina pero hindi ako pumayag. Hindi ko kakayanin kapag duduwal akong muli. Halos naisuka ko na ang lahat ng kinain ko ngayong araw.
"Nay, may gamot po ba sa nagsusuka?" Kanyang tanong pagkapasok sa kusina.
"Ha! Eh depende po yan sir Greg. Sino ba ang nagsusuka?" Tanong ni manang.
"Si Vivian po nay. Nag - aalala akong baka mayroon siyang nakain na masama." Kanyang sagot.
"Dalhin mo siya sa ospital bukas." Biglang sagot ni Mam Dana.
"Vivian pumunta ka na rito at kumain? Mahirap walang laman ang sikmura." Tawag ni Mam Dana dahil nasa sala lang naman ako. Mangiyak - ngiyak akong pumasok sa kusina kahit bumabaliktad muli ang sikmura ko.
"Are you really okay? You look pale!" Napatayong nag - aalalang tanong ni Greg. Bago pa ako makasagot ay nakaramdam ako ng hilo.
"Vivian!" Kanyang sigaw na pagsalo sa akin bago pa ako matumba sa sahig.
Nagising akong nakasandal sa sofa sa sala.
"When are you planning to tell me about this?" Kanyang seryosong tanong sa aking likuran.
"Greg!"
"Gaano ka kaseryoso sa ating relasyon Vivian? Hanggang saan ang kaya mo para sa atin?" Disappointed niyang tanong. Hindi ko napigilang mapaluha. Wala naman akong planong itago. Hindi ko rin lang naman alam kung paano sasabihin at hindi ko pa kompirmado.
"I'm sorry! Hindi pa ako sigurado kaya hindi ko sinabi agad sa'yo. Ngayong gabi lang naman ako nagkakaganito." Umiiyak kong sagot. Bumuntong hininga siya sabay inihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.
"Dalhin kita sa ospital ngayon din. It's just 6 pm!" Kanyang seryosong sagot. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Papalabas na kami noong makasalabong namin si sir Jay.
"Where are you both going?" Gulat niyang tanong pagkakita sa magkahawak naming kamay. Actually hila hila niya ang aking kamay.
"Oh insan, akala ko sa linggo ka pa uuwi. Dadalhin ko siya sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko tuwing siya ay nagsusuka kahit wala pang kinakain." Sagot naman ni Greg.
"Ah okay, mag ingat kayo." Sagot ni sir Jay. Hindi pa kami nakakalayo nung nagulat siyang napataas ang boses. "What?" Napatigil kami sa paghakbang at nagkukumahog naman si manang at mam Dana galing sa kusina.
"You are what?" Muling tanong ni sir Jay.
"She's pregnant baby pero hindi pa sigurado kaya sabi ko dalhin muna niya sa ospital to be so sure." Sabi ni Mam Dana.
"What?" Nanlaking mata ni Sir Jay.
"I'm sorry sir."
"N-No! No Vivian. Insan did you, did you?" Hindi niya maderetsong matanong.
"I'm sorry bro, if you're disappointed in me. Yeah! I did and it's not our first, more than what you think." Sagot ni Greg. Tumulo ang aking luha dahil hindi ko gustong magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa akin.
"I-Its not like that bro. Sana pinakasalan mo muna bago mo ginalaw. Sinabi ko na sa'yo ulilang lubos na siya at simula tinanggap ko siya ay itinuring ko siyang kapamilya." Lalo akong napahagulgol sa pag - iyak dahil sa sinabi ni sir Jay. Kaya ba hindi niya ako kinakausap? Akala ko isa lang akong katulong dito.
"Bro?" Gulat na sagot ni Greg.
"Hindi sa ayaw ko sa inyong dalawa kundi.." Naiiyak na ring sagot ni sir Jay.
"I'm sorry Jay pero sinabi ko rin naman sa'yo, pakakasalan ko siya dahil mahal ko siya. Akala ko pagmamahal na ang naramdaman ko noon kay Jenny pero hindi pala. I feel suffocated and scared every time I think of her away from me Jay. That's what I feel kay Vivian. At first I admit scared what my brother, mom and dad will say, pero Jay I won't back out!" Seryosong sagot ni Greg. Napahagulgol akong yumakap sa likuran ni Greg. Mahal na mahal din naman kita Greg....