Papunta na kami ngayon sa lugar ng babaeng nagngangalang Xhailia.
Ang babaeng bukambibig ng lolo ko buong magdamag na akala mo isang diyosa ang babaeng ‘yon.
“Boss, ano kaya ang hitsura ni Miss Xhailia? May idea ka po ba?” tanong sa akin ng assistant ko na para bang nang-iinsulto.
“I'm not interested in that b***h, Leonardo.”
“Paano kung sobrang ganda nga tapos sobrang sexy pa? Hindi ka pa rin ba interesado, boss?”
“Looks don't matter to me because character is the most important.”
Tiningnan ako ng alanganin ni Leonardo. Halatang hindi naniniwala. “What is the meaning of that look?”
“Wala po, boss. Curious lang po ako sa hitsura ni Miss Xhailia. Sa tingin ko kasi ay maganda talaga ang babae base sa kuwento ni Senyor Delfin, eh.”
“My grandfather is just overreacting and maybe blind too,” sabi ko.
Ni hindi nga sa akin masabi kung saan niya nakilala ang babaeng ‘yon, eh.
Malay ko ba kung ginamitan lang ito ng black magic ng babaeng iyon para makuha ang loob tapos pati ako nadamay na rin sa kamalasan.
“Boss, kailangan niyo pong maging kalmado at umakto na mabait kapag nakatingin ang lolo ninyo kaya ngayon pa lang ay mag-practice na po kayo.”
“I know what I'm doing, Leo.”
“Let's go, Leonardo and Elius!” tawag sa amin ni lolo. "Ano pa ba ang ginagawa ninyo diyan?"
Ang sabi ng isa sa mga kasambahay namin ay hindi raw natulog ang magaling kong lolo dahil magdamag lang daw itong umupo sa rocking chair habang nakikinig ng mga lumang kanta.
“Boss, sobrang excited ng lolo mo, ano? Alas-tres y media ang usapan, ‘di ba? Ang aga niya naman yatang nagising?”
“Hindi talaga siya natulog."
“Ano?”
“Ang sabi ni Edna, hindi raw natulog ang lolo ko at para raw hindi antukin ay paulit-ulit na humingi sa kaniya ng tsaa para hindi makaramdam ng antok.”
Kinain na ng masamang sistema ang lolo ko. Nagagawa nang hindi matulog dahil lang sa isang babae.
“Leonardo, hindi kaya ang tinutukoy niyang Xhailia ay para talaga sa sarili niya at hindi para sa akin?”
“Diyos ko po, boss. Sa tingin mo ba kaya pa ng lolo mo na makipaglandian sa babae? Nakita mo naman siguro na may tungkod na ang lolo mo, ‘di ba? Kapag umibabaw pa ‘yan, siguradong tapos na ang baywang at tuhod niyan.”
“My grandfather is damn rich, Leonardo. There's nothing impossible when you have money and power.”
“Sabagay.”
“Ano ba kayo? Kanina ko pa kayo tinatawag, ah! Aabutin na tayo ng tanghali sa daan kaya mag-asikaso na kayong dalawa!”
“Senyor Delfin, kanina pa po kami nakaayos ng apo ninyo. Ready na po kami.”
“Kung ganoon, tara na sa sasakyan at nang makaalis na tayo agad.”
“Copy po, Senyor.”
Ibinigay ko ang susi ng sasakyan ko kay Leonardo.
“Let's go, Leo.”
“Boss, kayo na po muna ang unang magmaneho. Mamaya na lang po ako."
"Okay."
Isang sasakyan lang kasi ang gagamitin namin at magsasalit-salitan din kami sa pagmamaneho papunta sa Camarines Sur.
Habang bumibiyahe kami ay natatawa ako na naiinis. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa kalokohan na ‘to.
Maraming oras at araw ang masasayang sa buhay ko para lang sa isang babae na hindi ko pa nakikita pero pupuntahan pa namin.
What a joke.
“Lolo, kailangan ba talaga nating gawin ‘to?” tanong ko habang nagmamaneho ako.
Nakita ko sa rear view na nakangiti ang lolo ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.
Kaunti na lang talaga ay pagdududahan ko na ito na babae nito ang pupuntahan namin sa Bicol.
“What do you mean, Elius?”
“Bakit kailangan nating puntahan ang babaeng ‘yon? Bakit hindi na lang siya ang papuntahin mo sa mansiyon kung talagang gusto mo siyang makita?”
“She's busy.”
“I’m busy too, grandpa! Our company needs me!”
“Oh, come on, Elius. Hindi babagsak ang kompanya natin kahit ilang linggo kang hindi pumasok.”
“You're not sure about it.”
“Boss, nandoon naman si Alessandra kaya ‘wag kayong mag-alala masyado,” pabulong na wika sa akin ni Leonardo. “Focus lang muna tayo sa goal natin para matapos na agad ‘to.”
“Hindi ako sasama sa inyo sa pagsundo sa babaeng ‘yon. Mag-i-stay ako sa hotel. Leo, ikaw na ang bahala sa lolo ko. Samahan mo siya na puntahan ang babaeng ‘yon basta ako, hindi ako sasama.”
Napag-alaman ko kasi na nasa bundok pala nakatira ang babae.
Hindi na kayang pasukin ng sasakyan ang lugar nito kaya naman kailangan maglalakad kami ng mahigit isang oras para lang makarating doon.
“Bakit ako, boss? Ayaw kong pumunta roon ng hindi ka kasama.”
“Dodoblehin ko ang sahod mo ngayong buwan basta samahan mo lang ang lolo ko na matupad ang kalokohan niya.”
“Ayaw ko pa rin, boss,” mariing tanggi ni Leo. “Kahit bigyan mo pa ako ng one million, ayaw ko pa rin. Kinakabahan ako, eh. Paano kung maraming rebelde doon at saka baka may mga multo, aswang o mga engkanto.”
“Tsk. Ang tanda mo na para maniwala pa sa kalokohan na ‘yon, Leo.”
“Elius, stop thinking about abandoning me. I'm your grandfather, remember? So, it means, you're going with me wherever I go because I'm your responsibility too.”
Sasagutin ko sana si lolo pero nanahimik na lang ako.
Lahat naman ay ibinibigay ko sa kaniya at pinagbibigyan ko naman siya sa lahat ng bagay maliban lang talaga rito.
Ewan ko lang talaga kung kayanin niya ang paglalakad paakyat sa bundok para lang mapuntahan ang lintik na Xhailia na ‘yon.
Kinakabahan ako na baka sa gitna ng paglalakad namin ay mag-collapse ang matandang 'to at magpakarga sa akin. Kapag nangyari 'yon ay baka next month pa kami makarating sa lugar na pupuntahan namin.
“Hindi ka ba inaantok, Lolo?” tanong ko dahil alam kong puyat ito. “‘Wag kang mag-alala dahil gigisingin kita kapag nakarating na tayo sa barangay na sinasabi mo.”
“Ayaw kong matulog dahil baka lumagpas tayo. Saka na ako matutulog kapag nakarating na tayo sa bahay ni Xhailia.”
Napailing-iling si Leonardo habang ako naman ay napaismid.
“Lolo, umamin ka nga sa akin. Girlfriend mo ba ang babaeng ‘yon?”
“What? No!”
“Kaano-ano mo siya? Apo mo ba siya sa anak mo sa labas?”
“Of course not!”
“Eh, ano nga?”
“Future wife mo nga.”
“May girlfriend na ako, Lolo.”
Napatingin bigla sa akin si Leonardo sabay kunot-noo. “Magseselos ang girlfriend ko kapag hindi kayo tumigil sa kakabanggit sa Xhailia na ‘yon.”
“Don't fool me, Cornelius. I know that you've been single since birth. You only have s*x with women because you don't want a relationship. Gusto mong magkaroon ng anak pero ayaw mong magseryoso sa buhay. Matanda na ako kaya hindi ko na mahihintay ang araw na magseseryoso ka kaya gumawa na ako ng paraan.”
Imbes na mamroblema ay may magandang idea na pumasok sa isip ko.
“Bubuntisin ko na lang siguro ‘yong Xhailia na ‘yon para mabigyan ko na agad kayo ng apo. What do you think, Lolo?”
“Umayos ka, Cornelius. ‘Wag mong igaya si Xhailia sa mga naging babae mo. Sabagay, malabo naman na makuha mo ang batang ‘yon, eh. Ibang-iba ang batang ‘yon sa mga babaeng nadala mo na sa kama.”
“Halos pare-pareho lang ang mga babae, Lolo.”
“Diyan ka nagkakamali, Elius.”
“We’ll see that, Lolo. By the way, how old is she?”
“Twenty five and no boyfriend since birth.”
“Still virgin?”
“Ano bang klaseng tanong ‘yan, Cornelius? Pinalaki ba kita ng ganiyan? Umayos ka, ha! ‘Wag ko lang talagang malalaman na binabastos mo si Xhailia dahil malilintikan ka talaga sa akin.”
“Kung ayaw ninyong gawin ko ‘yon, ‘wag ninyo siyang ipilit sa akin, Lolo. Hindi ako nagmamadali sa buhay kaya hayaan ninyo akong makapili ng matinong babae."
“Manahimik ka. Matanda ka na kaya ‘wag kang maarte. Mabuti naman sana kung masarap ka para mag-inarte ka pa. Wala ka na sa kalendaryo, 'no! Kaunting panahon na lang, hindi na tatayo ‘yang ari mo kaya ngayon pa lang mag-anak ka na.”
“You're right, Lolo. I'm planning to impregnate that woman so you can have your great-grandson.”
“Of course, you will marry her before my great-grandchild comes out.”
“Hindi kasama sa plano ko na pakasalan ang babaeng pinili ninyo para sa akin. Hindi naman ako ang pumili ng babaeng ‘yon kung hindi kayo, eh.”
Mula sa rearview mirror ay nakita ko ang pagsalubong ng mga makakapal na kilay ni lolo.
Kahit may edad na ang lolo ko ay marami pa ang puwedeng magkamali rito.
Matagal ko nang kasama ang lolo ko kaya alam kong sa mga oras na ‘to ay nagagalit na ito sa akin.
“Cornelius.”
“Yes, Lolo?”
“Alam mo naman na matanda na ako, ‘di ba? Puwede bang ‘wag mo na akong bigyan pa ng mga problema? Hindi natin alam kung hanggang kailan na lang tayo dito sa mundong ‘to lalong-lalo na ako dahil may edad na ako. Puwede bang hayaan mo na lang na maging masaya ang lolo mo habang magkasama tayo? Puwede ba 'yon, ha, Apo?”