“Boss, halos magdamag akong walang tulog para lang magawa ko ang iniuutos ninyo pero wala talaga akong napanood o narinig man lang na ibinalita sa radyo o tv na hindi na tumatayo ang ari ng lalaki pagdating ng kuwarenta," pagbabalita sa akin ng assistant ko pagdating na pagdating ko rito sa opisina ko.
“That's good news,” I said in a serious tone. “Anything else?”
Napansin ko na matamis na nakangiti si Leonardo habang nakatingin sa akin. “Hey, I'm talking to you. What else do you discover?”
“Hindi mo kailangan mag-alala, boss. Siguro mabahala ka na kapag nasa fifties or sixties ka na. Sa ngayon ay safe ka pa.”
“I know.” Tiningnan ko ng masama ang assistant ko. “Why the hell? Why are you laughing?”
Umiling-iling si Leonardo. “Wala po, boss. Marami lang akong naaalala na mga nakakatawa kaya ako natatawa nitong mga nakaraang araw.”
“Stop laughing or else I will reduce your salary."
"'Wag naman. 'Yon na nga lang ang nagpapasaya sa akin, eh."
Nagulat kami ni Leonardo nang biglang pumasok ang lolo ko rito sa opisina ko ng walang pasabi.
“Grandpa, what are you doing here?” tanong ko at mabilis na tumayo mula sa swivel chair kung saan ako nakaupo. “Is there anything I can do for you?”
“I want you to take a leave, Elius.”
“W-what? Why?”
“You will come with me.”
“Where to?”
“Picking up your fiancee.”
“What?” Oh, f**k! I thought he was just joking last night. “Are you serious, grandpa?”
“I'm serious as hell, Elius. When we reach home, I want you to pack your things because we're staying for weeks at your fiancee's place.”
“Can I ask you a question, grandpa?”
“Sure!”
“Where did you meet her? What kind of woman is she? Is she from a wealthy family too? Did she study in college? What is her last name?” sunod-sunod kong tanong dahilan para hindi makapagsalita agad ang lolo ko. “I knew it. You don't know her well. I think you just met her in the middle of the street then you saw my mother in her appearance and that's the reason why you suddenly decided that you want her as my future wife. Am I correct, Lolo?”
“You’re wrong.”
“Am I wrong? How?”
“I knew her compared to you, Elius. She's the kindest woman I've ever known unlike you.”
“Grandpa, don't trust that easy anyone, even if they treat you kindly. They might just be trying to win your favor. Remember, this world is full of hypocrites.”
“Well, she's an exception,” giit ng lolo ko. “When you meet her, I know you will like her too.”
“I doubt that.”
“I don't want to argue with you anymore, Elius. Let's go home and prepare. Tomorrow before sunrise, we're heading to Camarines Sur to pick her up.”
“Go home first, Lolo. I have a lot of papers that I need to sign here. Don't worry, I will go home before five.”
“Okay.”
“Take care.” Pag-alis ni lolo ay pabagsak akong umupo sa swivel chair ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa gusto nitong mangyari.
“Leonardo, you're coming with us,” imporma ko sa assistant ko.
“Po? You mean, payag na kayo sa gusto ng lolo ninyo, boss?”
“Who said that I'm willing to take that woman as my future wife?”
“Eh, bakit pumayag kayo sa gusto ng lolo ninyo na sunduin ang fiancee ninyo?”
“Sigurado kasi akong hindi ako titigilan ni lolo kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Sa ngayon ay susundin ko na muna siya sa gusto niya. Saka na lang ako gagawa ng hakbang para mapaalis sa buhay namin ang babaeng ‘yon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yon sa lolo ko para mahulog ang matanda at gusto pa na maging asawa ko. Naniniwala ako na may matinding dahilan sa likod nito at ‘yon ang aalamin nating dalawa.”
“Natin? Bakit natin? Hindi na po ako kasama sa problema ng pamilya ninyo, boss.”
“Shut up. Remember, you're my employee. My problem is your problem too, because I am the one giving your wages.”
“Sabi ko nga, eh. Puwede na kaya akong umuwi para makapag-impake na ako? Isang linggo ba tayo roon, boss?”
“Go ahead. When you're done, go straight to the mansion and wait for me there.”
“Loud and clear, boss!”
Nang maiwan na lang akong mag-isa rito sa opisina ay napaisip ako ng husto.
Do I need to follow my grandfather's will?
Do I need to take that woman as my fiancee?
For goodness sake! I don't have any idea about the woman he wants for me!
Maghapon kong inabala ang sarili ko sa trabaho para hindi sumagi sa isip ko ang tungkol sa babaeng gustong-gusto ni lolo para sa akin.
Pagsapit ng alas-singko ay dinampot ko na ang susi ko at nagmaneho na pauwi sa mansyon dahil siguradong hinihintay na ako ng lolo ko.
Pagdating ko sa mansiyon ay namataan ko ang kotse ni Leonardo kaya alam ko na nasa loob na ang assistant ko.
“Elius, tamang-tama ang dating mo. Halika na at kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom, eh. Ba’t ba ang tagal mong umuwi?”
“May mga tinapos lang po ako, Lolo.”
“Ganoon ba? O siya, halika na at nang makakakain na tayo.”
“Magbibihis muna po ako, ‘Lo.”
“Bilisan mo, ha?”
“Okay.”
Pagdating ko sa kuwarto ko ay hinubad ko agad ang suit na suot ko at pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo.
Nang makaligo ay nag-impake na rin ako diretso. Kaunti lang naman ang dadalhin kong gamit dahil pagbibigyan ko lang ang lolo ko.
Kung hindi ko lang talaga mahal ang lolo ko ay hindi ko gagawin ang kalokohan na ‘to.
Makalipas ang isang oras ay nakarinig na ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko.
Siguradong inip na inip na ang matanda dahil kanina pa ako rito sa loob.
“Sir Elius, nagagalit na po ang lolo ninyo. Bilisan niyo na daw po dahil nagugutom na daw po siya.”
Lumabas na ako ng kuwarto dahil wala na rin naman akong gagawin. Pagdating ko sa dining room ay nakaupo na ang lolo ko pati na rin ang assistant ko.
“Bakit ba ang tagal mong kumilos, Cornelius? Kanina pa kami naghihintay nitong assistant mo rito."
“Inayos ko na rin kasi ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-alis natin, ‘Lo,” sagot ko.
Biglang napangiti ang lolo ko dahil sa naging sagot ko.
“You mean, nag-impake ka na?”
“Yeah,” matabang kong sagot.
“Oh, that's great, Apo! Alam mo, ito ang pinakamatino mong gagawin sa buong buhay mo! Sigurado akong magiging masaya ang mga magulang mo pati na rin ang lola mo kung nasaan man sila ngayon.”
Napailing ako kasabay ng paghilot ko sa sariling sentido.
“Lolo, sasama lang ako sa inyo para makilala ang babaeng gusto ninyo para sa akin kaya ‘wag kayong umasa na tatanggapin ko agad ang babaeng ‘yon sa buhay ko at pakakasalan na agad. Don't force me to do a thing that is against my will, Lolo. I'm old enough to choose the right woman for me without your help.”
Tumawa ang lolo ko na para bang malakas ang tiwala nito sa sarili na magugustuhan ko ang babaeng napili niya para sa akin.
“Sigurado akong kakainin mo ang lahat ng mga sinasabi mo ngayon kapag nakilala mo na siya, Apo.”
“Malabo po ‘yon, Lolo. Kilala niyo po ako at hindi po ako basta-basta pumapatol sa kung sino-sino lang na babae.”
“Let's make a bet then.”
“What kind of bet, grandpa?”
“Sa loob ng anim na buwan ay sinisigurado ko sa iyo na magugustuhan mo ang babaeng gusto ko para sa iyo.”
“Gawin mo nang anim na taon, Lolo,” nakaismid kong saad. “Or maybe a decade.”
“Masyado nang matagal ‘yon, Elius. Kahit nga siguro one month lang ay kaya kang mapaibig ni Xhailia, eh."
Xhailia pala ang pangalan ng babaeng gusto ni lolo para sa akin. Interesting, huh!
“Impossible.”
Wala pang babae na nagtagumpay na makuha ang puso ko dahil wala akong interes sa mga babae kahit gaano pa iyon kaganda.
"What if I win?" tanong ng lolo ko sa akin. Ang lapad ng ngiti na akala mo siguradong mananalo na talaga sa pustahan naming dalawa.
"You decide, Lolo," walang pakialam kong wika. "What do you want?"
"Mag-iisip muna ako. Ihanda mo na ang sarili mo ngayon pa lang dahil siguradong landslide ang mangyayari, Elius."