“Elius, finally you're home!” Nagulat ako sa lolo ko. Halatang kanina pa ako nito hinihintay. Prenteng nakaupo sa sofa na narito sa sala habang umiinom ng wine.
“Why, Grandpa? Is there something wrong?”
I smell that there's something wrong with my grandfather right now. Why is he happy? Does he have good news for me?
“I was just happy, my grandson.”
Napatingin ako sa assistant kong si Leonardo. Inaalam ko kung may alam ba siya tungkol sa pagiging masaya ni lolo ngayon pero halatang wala rin itong idea dahil umiling-iling ito.
“Spill it, Grandpa. I want to know the reasons why you're happy right now. What's the good news, Lolo?”
“You two, sit down for a while.”
Sabay kaming umupo ni Leonardo sa sofa at sabay na napatitig sa isa't isa habang may nakapaskil na pagtataka sa mga mukha namin.
“Elius, how old are you now?” biglang tanong sa akin ni lolo. “You're turning thirty eight next month, right?”
“Yes, Lolo. Why?”
Hindi ko gusto ang pagngiti ni lolo ngayon dahil alam kong may hindi ito magandang iniisip.
“You don't have a girlfriend, do you?”
“I don't have time for that, Lolo.”
“At kailan mo plano? You're not getting any younger, you idiot.”
“I'm fine being single, Lolo,” walang gana kong sagot. Thirty eight is still young. Mabuti sana kung nasa fifties na ako. “I don't have time for a woman.”
“You have time for women. It's just that, you don't want yet to settle down!” May inihagis itong medical abstract sa harapan ko. Mayamaya pa ay resulta naman ng mga check-up nito. “Hindi na magtatagal ang buhay ko, Elius.”
“Lolo, you're strong as carabao,” sabi ko habang natatawa pa. “Maybe this is all fake.”
Binasa ko ang medical results ni lolo.
Hindi ako naniniwala na mayroon itong gallstone, kidney stone, liver cirrhosis, high cholesterol and diabetes.
Hindi ko na binasa lahat dahil hindi naman ako interesado sa mga nakalagay sa kapirasong papel na resulta kuno ng laboratories nito.
Maingat kasi ang lolo ko sa mga kinakain niya. Mayroon siyang dietitian kaya imposibleng magkaroon siya ng sakit.
Hindi lang ‘yon dahil tuwing umaga ay naglalakad-lakad ang lolo ko paikot dito sa mansiyon.
Kahit sino pa ang tanungin ay walang maniniwala na may sakit ang matandang ‘to at patong-patong pa. Goodness!
“Ano’ng akala mo sa akin, nasisiraan na ng bait para bigyan ko ng sakit ang sarili ko?”
Napabuga ako ng hangin. “Lolo, I'm not yet ready to settle down. Besides, I haven't seen a woman yet who suits my taste. A kind of woman who isn't after my money…our family fortune, Lolo.”
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong kinulit ni lolo para mag-asawa na at sa ilang beses na iyon ay lagi akong tumatanggi.
Pero, ngayon ay ang pinakakaiba sa lahat dahil may mga medical records na. Halatang pinaghandaan ng matindi ang araw na 'to.
"Let me be the one to find a woman for me, Grandpa. Someone simple. Someone who will truly love us—not because we’re rich, but because of who we really are. Ayaw ko pong madaliin ang lahat dahil ayaw kong magsisi sa huli."
Hindi naman siguro masama na manigurado ako lalo pa’t dalawa na lang kami ng lolo ko na magkasama sa buhay.
My parents died when I was five due to a car accident. Since then, my grandparents have taken care of everything and that includes me.
Nag-iisang anak lang ang daddy ko ng mga Frazier kaya naman nang mawala ito ay labis na nasaktan sina lolo at lola.
My loving lola passed away when I was ten due to cardiac arrest. From then on, it was just my grandfather and me, together all the time.
Tinuruan ako ni lolo kung paano patakbuhin ang kompanya at kung paano palaguin ang Frazier Empire.
Hindi na nag-asawa ang lolo ko nang mamatay ang Lola Imelda ko dahil sapat na raw ako para sa kaniya.
Isa pa, mahal na mahal ni lolo ang Lola Imelda ko kaya kahit marami ang umaaligid noon ay hindi man lang nag-abala ang lolo ko na bigyan ng pansin ang mga ito.
“Hindi naman lahat ng babae ay yaman lang natin ang habol, Elius.”
“How can you say that, Lolo? For me, women are all the same.”
“Mayroon akong kilala at nakatitiyak ako na magiging masaya ang pagsasama ninyong dalawa kapag nagkatuluyan kayo.”
“Jesus Christ, Lolo! Are you serious?!”
Kahit ang assistant ko ay napaubo dahil sa naging pahayag ng lolo ko lalo na nang makita ko na pati ang mga mata nito ay nagningning din.
“I'm serious. I already found the right one for you, Elius. She's beautiful, sexy, has a kind heart, gentle, polite, thoughtful, and she's good at cooking too. She's one in a million, Apo!”
Napailing ako. My grandfather was like talking to a miracle. Ang assistant kong si Leonardo ay kanina pa natatawa dahil sa mga pinagsasabi ni lolo na imposibleng mangyari.
“Hey, stop laughing!” sita ni lolo sa assistant ko dahil hindi talaga nito mapigilan ang sarili na hindi matawa.
Kahit sino naman kasi ay matatawa sa mga pinagsasabi ng lolo ko ngayon.
Hindi ko alam kung nagha-hallucinate na ba ang matandang ‘to o nanaginip na ng gising.
“Elius, are you listening?”
“Where did you find that kind of woman, Lolo? In your dreams?”
“What the hell! I'm f*****g serious! Why don't you believe me?”
Kahit alam kong walang sakit ang lolo ko ay medyo kinabahan ko nang mapansin ko na hinahaplos nito ang sariling dibdib.
“Are you alright, Lolo?”
“What do you think?”
Bahagya kong niluwagan ang suot kong kurbata.
“Boss, na-stress yata si Senyor Delfin dahil sa pagtanggi ninyo na kilalanin ang babaeng gusto niya para sa inyo. Bakit hindi mo na lang muna pagbigyan ang lolo mo para mapasaya siya? Matanda na ang Senyor Delfin kaya bawal na siyang mag-isip ng mga hindi magagandang bagay.”
“What do you suggest then?” pabulong kong tanong sa assistant ko.
Leonardo has been my assistant for a decade, so I trust him implicitly.
Aside from being my assistant, he was like a lawyer to me too.
“Wala naman pong masama kung pagbibigyan mo ang Senyor, ‘di ba? P'wede naman na kapag nakaharap ang Senyor ay pakitunguhan mo muna ng maayos ang babaeng gusto niya para sa inyo pero kapag nakatalikod na ang Senyor Delfin ay back to reality na ulit kayo. Hindi ko sinasabi na tratuhin mo ng sobrang sama ‘yong babae, ha? 'Yon bang sisipain, susuntukin tapos sasabunutan mo pa? Hindi ganoon, ha? Ang ibig kong sabihin, umarte ka na ulit ng normal kapag hindi na nakatingin si Senyor. ‘Yon bang hindi ka mabait dahil hindi ka naman talaga ganoon, eh.”
“Your opinion doesn't help,” pabulong kong sita sa assistant ko. I will not waste my time to a f*****g woman even for a second.
Napatingin na ulit kami ni Leonardo kay Lolo Delfin nang magsalita ito.
“Marami na akong sakit at hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako,” sabi ni lolo dahilan para napaismid ako dahil narinig ko na ang linyang ‘yon ng maraming beses.
Marami kaming pera kaya pwede ko siyang dalhin kahit sa ibang bansa para lang mapagamot.
Money is not a problem at all.
“Lolo, I will arrange your schedule. I will send you abroad and find a medical team and the best hospital in the world just to treat you.”
“Hindi ka ba nakikinig, Cornelius!”
Kapag tinawag na ako ni lolo sa buo kong pangalan ay alam kong hindi na maganda ang mga susunod na mangyayari.
“Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo, ha? Puro na lang ba trabaho ang gagawin mo? Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng apo bago ako mamatay?”
“I will, but not now.”
“Kailan nga? Sa tingin mo ba may magkakagusto pa sa iyo kapag matanda ka na?”
“Ay, marami pa po siguro, Senyor,” singit ni Leonardo. "Pogi po kasi ang boss ko tapos mayaman pa."
“Paano kung hindi na tumayo ang ari ng amo mo dahil sa katandaan? Sa tingin mo ba may babae pang magkakagusto diyan?”
“Ay! ‘Yon lang. Hindi ko na alam kung meron pa nga.”
“Kita mo na? Kahit ikaw na assistant na ay hindi na rin sigurado kapag ari na ng amo mo ang sumuko.”
"Pero, ang alam ko po kasi kapag senior na saka nangyayari ang mga ganoon, Senior Delfin, eh. Masyado pa po kasing bata ang forty para hindi na tumayo ang ari."
"Hindi ka kasi updated kaya hindi mo alam," sita ni lolo sa assistant ko. "Pabata na ng pabata ngayon ang mga lalaking wala ng silbi ang ari pagtungtong ng kuwarenta."
Jesus Christ! Paano napunta sa ari ang takbo ng usapan?
“I assure you that even when I reach seventy, my manhood will still be active–”
Pinutol ako ni lolo. “Seventy? How sure are you? Hindi ka ba nakikinig ng balita?”
“News? What kind of news?”
“Marami na ngayon ang lalaking nasa forty pa lang ang edad ay hindi na tumatayo ang ari kaya iniiwan na ng mga asawa. Bakit nga naman sila mananatili kung hindi na sila napapaligaya ng mga asawa nila?”
Sino naman kayang siraulo ang magbabalita ng ganoong uri ng balita sa radyo man o telebisyon? Nababaliw na nga talaga siguro ang lolo ko. Masyado ng desperado.
“Lolo, take a rest. Let's talk about this some other time. I'm tired and I want to rest too.”
“Ayaw kong magpahinga. Hindi ako matutulog ngayon,” pagmamatigas ni lolo.
“What’s your plan? Are you going to stay awake all night like a shape-shifting evil-spirit, Grandpa?”
“Oo! Wala na rin namang silbi ang buhay ko dahil ang kaisa-isang kong apo ay wala nang pakialam sa akin.”
“I didn't say that to you.”
“It's the same thing, Cornelius! It's the same thing!”
Fuck! Napapikit ako ng mariin sabay buga ng hangin.
I need to calm myself down.
“Sige na, magpahinga na po kayo,” mahinahon kong wika sa lolo ko. “Kung sino man po ang babaeng gusto ninyo para sa akin ay hindi ko na po kayo pipigilan pa.”
“Really? That's great!” Kung kanina ay para na itong tinatakasan ng kaluluwa, ngayon naman ay para na itong sinaniban ng sampung magkakaibang elemento dahil sa pagiging hyper nito.
"Go to your room ang take a rest, Lolo."
"Sure!" Mabilis nitong tinungga ang wine na nasa baso nito at pasipol-sipol pa habang papunta sa sarili nitong kuwarto.
Nang mawala sa paningin ko ang lolo ko ay tinawag ko ang assistant ko.
"Leonardo."
"Boss."
"Find out where Grandpa heard the news that men's private parts stop getting erect as early as age forty."
Tumawa ng malakas si Leonardo dahil sa iniuutos ko. Nang tingnan ko ito ng masama ay saka lang ito huminto sa pagtawa.
"Yes, boss! Loud and clear!"
"Good. Now, go home."
"Copy, boss!"