Chapter 11:

1281 Words
Warning: Multiple switches of P.O.Vs Mavie's P.O.V "Mavie" Hays, ano ba iyan. Kita ng natutulog ang tao eh. "Mavie." Sinusundot sundot ng kung sino man 'yan ang tagiliran ko. "Hays ano ba. Patulugin mo 'ko." Sambit ko sa taong dinidustorbo ako sa pagtulog. "MAVIE!" Sa pag sigaw niyang 'yon ay napabalikwas ako sa mahimbing na pagkakatulog at nagulat ako sa bumungad sakin. Teka, wala ako sa kwarto ko. Ano 'tong lugar na 'to? Nilibot ko ang paningin ko sa lugar at napagtanto kong si Atsui ang kasama ko sa silid na 'to. "Atsui? Teka, nasaan tayo." Tanong ko sakanya ng may halong pagtataka. "I don't know. Nagising nalang ako na nandito na tayo sa loob." Sagot niya sakin. Ang unusual ng silid na 'to. Maraming weapons na nakapalibot rito. And may mga gadgets din. What the hell is going on? Tumayo ako at akmang maglilibot libot sa silid ng biglang may tumunog sa kanang kamay ko. "Huh? Ano 'to? Bracelet?" Bakit may bracelet sa kanang kamay ko. Maya maya lang ay may monitor na nanggaling sa bracelet. "Good evening students. Tonight is the first night of your weekly session as unordinary students." Weekly session? Teka ano daw? "Inside the room you are in, there are weapons, gadgets and technologies which you can use during the session." Seryoso akong nakikinig sa mga sinasabi ni mr. Tokoshi. "The bracelets you are wearing are more than just monitors. They are also measurements of your abilities and how much you are able to control them." Na eexcite ako sa mga gagawin namin sa weekly session. Pagbubutihin ko at hahasain ko ang abilidad ko. That way, I will have a reason to be out of my sister's shadow. Marie's P.O.V "Marie, we are really wondering why your retarted twin sister got invited to Unordinary section. Samantalang ikaw naman ang matalino sa inyong dalawa." Sabi ng kaibigan kong si Beatrice. Maski ako nagtataka pero masaya naman ako para sa kapatid ko. "Oo nga Marie, hindi ka ba nagtataka?" Sabi naman ni Klay. "Alam niyo girls, masaya ako para sa kapatid ko. Saka, wala namang kaso sakin kung hindi ako napili no." Inirapan lang nila ako. "Whatever. Let's go shopping na nga lang." Napailing nalang ako. I know that these girls are mataray and may pagkaplastic din pero I can't seem to let them go. Maybe because I am afraid to get bullied if I didn't try to be friends with them. You see, before I became the school's popular ace and beauty, Beatrice and Klay were the most popular girls here in school. They befriended me when I was starting to gain popularity. At first they hated me because of how my popularity are starting to rise up and my fan base are getting bigger. After a few weeks of hate from them, they decided to be friends with me. Nung una nag hesitate ako dahil nga sa ilang weeks din nila akong binully, but I became friends with them anyways. I was disturbed from my thoughts when a finger snapped infront of my face. "Huh? What?" I asked them. "Ugh! You've been spacing out Marie." "Sorry, pagod lang ako. Kayo nalang siguro muna mag mall, I have to go home." "Tsk, okay fine, whatever. Text us when you get home safe okay?" Napangiti naman ako sa sinabi ni Beatrice. "Of course." Nagbeso-beso kami before I wave goodbye and pumara ng jeep. This is such a long day. I wonder how Mavie is doing at unordinary section. I really missed my sister. Tatawagan ko nalang siya pagkauwi ko. Ilang minuto lang ay nakauwi nako. I walked inside the house and it felt empty without Mavie. Namimiss ko yung mga jokes niya and I also miss her kakulitan. "Oh anak, you're home early." "Hi mom, yeah, pagod kasi ako. Madaming activities sa school and I don't feel like going out with my friends today." Mom just smiled at me and kissed my forehead. "I miss your sister too, anak." I look at her and smiled. She really knows me too well. I hugged my mom before I went to my room. "Right, naalala ko, tatawagan ko nga pala si Mavie." I took my phone from my bag and called her number. *The subscriber cannot be reached, please try again later.* That's weird, she never turns her phone off. Oh well, baka nabusy lang sa section nila. Nevermind, bibisitahin ko nalang siya bukas sa dorm nila. We still studies in the same school so magkikita parin kami. Third Person's P.O.V Seryosong pinagmamasdan ni mr. Tokoshi ang mga unordinary students sa loob ng kuwartong pinagawa niya para sa panahon na ito. Pinagmamasdan niya ang mga studyanteng sinusubukan ang mga teknolohiya at mga gadgets na iniligay niya sa mga silid kung nasaan naroroon ang mga studyante. "Mr. President, the first phase of unordinary students' weekly session is about to start." Tiningnan niya mula sa gilid ng kanyang mata si ms. Altubar at nagsalita. "Good, now let's see how strong and weak their abilities are. We will start with small trials. Check the monitor of each unordinary students' abilities and track their status. After you monitored and tracked it, make sure to record it so we will know what to do in phase 2 of their weekly session." "Yes mr. President." Sinimulan na nila ang unang trial ng weekly session. "Students, be ready. Your first trial for this session will begin shortly." Mavie's P.O.V "Students, be ready. Your first trial for this session will begin shortly." Saad ni ma'am Altubar sa amin. All of sudden, may metal na humati na nagpahiwalay sa aming dalawa ni Atsui. Bigla akong kinabahan sa nangyari. Akmang lalapitan ko na ang harang sa pagitan namin ni Atsui ng biglang may lumiwanag sa harap ko. Isang malaking flat screen tv at nakatatak doon ang mukha at pangalan ko. -Mavie Del Fuego, 16 years old. First Trial in the first session, Trial of speed. -Evade all 100 syringes that is gonna be thrown at you all at once. The syringes are empty but they can be very painful when you get hit. Natakot ako bigla sa nabasa ko. Wala pang limang segundo sa pagkabasa ko ay may sandamakmak na syringe na ang papunta sa kinaroroonan ko. Bigla akong nagpanic at pakiramdam ko nag slow motion ang lahat sa paligid ko, pati ang palapit na palapit nga mga syringe. I don't have time to think, kaya napadapa ako bigla sa sahig at lahat ng syringe ay tumama sa pader na nasa likuran ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Tumayo ako habang nanginginig ang tuhod ko, kaya napahawak ako sa pader na malapit sakin. Panay ang paglunok ko at paghinga ng malalim dahil sa nangyari. May balak ba silang patayin kami? Habang nanginginig ako sa takot ay bigla kong narinig ang bracelet ko na tumunog. May lumitaw na kulay yellow sa monitor ko. "Mavie Del Fuego. Here is your trial 1 session 1 results." Napatingin ako sa tv ng marinig kong may nagsalita mula rito. May mga nakasulat sa tv kaya binasa ko ito. Yellow - weak Orange - average Red - excellent Black - Unordinary Ano ibig sabihin niyan? "Mavie Del Fuego, make sure to enhance your ability. It is still weak. You can now go back to your dorm." Nagsalita ulit si ma'am Altubar. And ano raw? weak pa yung ability ko? Eh ang bilis ko ngang dumapa eh. But anyways, bumalik na ako sa dorm ko ng may nagbukas na pintuan mula sa kuwartong kinaroroonan ko. Mukhang magiging mahirap ang mga dadanasin ko sa unordinary section. Huwag niyo po sana akong patayin Panginoon ko, marami pa akong kailangang kainin na tsokolate. -End of chapter 11-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD