Mavie's P.O.V
Nagpaalam nako kina mommy and daddy at kay Marie.
This will be the first day in our dorm.
Nung nakarating na ako sa school dumeretso ako sa room namin since di pa namin alam kung saan ang dorm namin.
Umupo nako sa upuan ko.
"Yohaaaaann, bat absent ka ng absent ha?"
Tiningnan niya lang ako tas ngumiti. Mukhang pagod siya.
"Madami kasi akong ginawa."
Tumango lang ako sa sinabi niya.
Mga ilang minuto lang ay dumating nadin ang ibang mg kaklase namin at pati si ma'am Altubar ay nandito narin kasama si President Tokoshi.
"Goodmorning students."
Bati niya samin kaya binati namin siya pabalik.
"Ngayon ay ihahatid na namin kayo sa inyong mga kwarto. Sumunod kayo."
Tumayo kaming lahat at sinundan sila ma'am Altubar at President Tokoshi.
Dumaan kami sa alley way ng section namin, nalagpasan na namin ang red room na noon sanay iimbestigahan ko.
Teka, dead end nato dito sa pagkakaalam ko ahh.
Magtatanong pa sana ako pero may hinawakan si Mr. Tokoshi sa pader at bigla itong naglabas ng digital keypad. Wow ang hi-tech ahh.
"Tokoshi-san, pasuwādo o nyūryoku shite erebētā o kidō shite kudasai." (Welcome Mr. Tokoshi, kindly input your password to activate the elevator.)
Abaaaaa nagsasalita din. Japanese pa, teka, naalala ko lang, magpapaturo pala ako kay Yohann ng japanese, di pa niya sinisimulan eh.
"Ang astig naman niyan."
Sabi ni Kairro sakin. Tumango lang ako.
Nag input na si Mr. Tokoshi ng password at mas lalo kaming na amaze dahil biglang bumukas ang wall at lumitaw ang isang elevator. Kumabaga parang first layer ng elevator ang wall tas may isa pang pinto.
Nung nagbukas na ito ay pumasok na kami sa loob. Umandar na ito paakyat at nung nakarating na kami sa destination namin ay mas lalo akong namangha.
Di ko akalain na may ganitong floor sa school namin. Ang sahig ay may kulay blue na carpet na pagkahaba haba, may mga pinto din, siguro yun yung mga dorm namin. At hindi lang yun, sa floor nato kung titingnan mo ang itaas may mga modern chandeliers. Sa magkabilang gilid naman ay mga paintings, parang pinaghalong vintage and modern dahil narin sa mga antique na display sa each and every door. Saka ang bango din ng floor nato, parang binuhusan ng ilang balde ng perfume.
"Before you go into your respective rooms, may naoobserbahan ba kayo?"
Tanong samin ni Mr. Tokoshi. Nilibot ko naman ang paningin ko sa boung floor pero wala akong makitang iba bukod sa mga designs ng floor nato.
"That chandelier has a small security camera with a small mic together with it."
Napatingin naman kaming lahat kay Jairoh. Wow, nakita niya yun?
"Very good Mr. Garcia."
Nakita niyang nakitingin ako sakanya kaya kinindatan niya ko. Iniwas ko nalang ang tingin ko saka napailing.
"The atmosphere is also filled with amber's fragrance kaya mabango siya."
Tumingin tingin naman ako sa paligid ko and may nakita akong isang small button sa pader ng hall.
"There's a small button sa pader ng hall."
Nilapitan ko yun and katabi lang yun sa isang pinto ng Dorm na may nakalagay na Sanchez.
"This one, ito yung button. And napansin ko din na naka engrave dito ang apelyido ni Kathleen. So I'm concluding na we have our last names in the door of our dorm."
Napapalakpak naman si Mr. Tokoshi.
"Very good Ms. Madrigal, you're quite observative too."
Napangiti naman ako sa compliment ni Mr. Tokoshi. Actually, di ko akalain ganito ako ka observative and di ko akalain na gagaling ang english ko eh hindi naman kami nagkaklase about sa mga normal subjects.
"Looks like you're getting smarter Mavie."
Okay na sana eh, umepal naman tong malditang to. I just laugh sarcastically at her statement at nagroll eyes sakanya.
"Mag ingat ka baka ikaw maging bobo ka one day."
Mukhang nainis siya sinabi ko dahil nawala ang ngiti niya.
"Whatever!"
Sabi niya saka nag cross arms.
"Tama nayan."
Sita ni ma'am Altubar samin.
"Nga pala, what's the porpuse of that small button Mr. Tokoshi?"
Tanong naman ni Kairro.
"Why don't you see for yourself."
Sagot ni Mr. Tokoshi. Kaya pinindot ni Kairro ang button.
Nagulat kami dahil napalitan ang settings ng room. Yung modern chandelier is napalitan ng spikey one, yung mga paintings napalitan ng what I think are alarms, tas yung carpet the same padin pero may mga pulang lasers na naactivate sa buong hallway.
Wow. Lahat kami napamangha sa pagbabago ng room.
"Those are alarms. Those lasers are actually two face. When I say two face, I can activate it as an alarm, or a laser that cuts everything. You can identify it by their color. If it's red, then it's harmless, if you touched it those alarm monitors that replaced the paintings will create a loud sound. If it's green,"
Huminto muna siya sa pagsasalita at hinawak ang right side ng pader. Again, namangha kami dahil iniscan nito ang kamay saka nagpalit ng kulay ang laser into green.
"It will cut everything it touches. For example,"
May kinuha siya sa bulsa niya and it's a fountain pen. Don't tell me yan ang gagawin niyang model. Eh ang mahal mahal kaya ng fountain pen.
Lumapit siya sa laser at tinaas niya ang kamay niya enough para nasa itaas na ito ng laser. He let go of it and nahati sa dalawa ang fountain pen.
"Damn!"
Sigaw ni Atsui.
"Watch your mouth Mr. Yoshiro."
Nagsorry lang siya.
Iniscan ulit ni Mr. Tokoshi ang kamay niya sa pader at naging red na ulit ito.
"That green laser is dangerous."
Sabi ni Princess into a blank face.
"Yes it is dang--"
"I love it."
Hindi niya man lang pinatapos ang President.
Nakita kong napailing lang si Mako at Jairoh kay Princess. Mukhang sanay na sanay tong dalawang to sa ugali ni Princess ah.
"Okay, press the button again Mr. Andrada, and you can go to your respective dorm rooms. You have one hour to relax and after that we will summon you. Goodluck students."
Goodluck?
Pinindot na ni Kairro ang button and bumalik na sa dati ang room. Umalis nadin sila ma'am Altubar. Lalakad na sana ako para hanapin ang dorm ko ng tinawag ako ni Yohann.
"Mav, here take this."
It's an m&m's chocolate bar. It's my favorite chocolate.
"Wow, thank you. Para saan ba to?"
Tanong ko sakanya.
"Sorry ko yan kasi di kita natuturuan ng japanese. I'll teach you next time."
"Naks ang toughtful naman."
Pang aasar ko sakanya.
Tumawa lang siya. Nag pasalamat ako tas naglakad na siya para hanapin din siguro ang room niya. Yung iba kanina pa naghanap. Si Atsui naman katabi ko at naka poker face lang.
"Problema mo hoy?"
Sabi ko sakanya sabay sundot sa tagiliran niya, umiwas naman siya. Oooh mukhang may kiliti siya jan ah kaya sinundot ko ulit pero nahuli niya ang kamay ko.
"Stop."
Ewan ko pero bat ang husky ng boses niya? Tas tong puso ko tumitibok. At umiinit ang mukha ko.
"I'll take that."
Napabalik ako sa reyalidad nung kinuha ni Kathleen ang chocolate ko.
"Hoy akin yan!"
Pero bago ko pa nakuha ay pinagsarhan na niya ako ng pinto. Ugh! Bat ba kasi anjan ang room niya.
Bwesit, gaano ba kalaki ang pagkagusto niya kay Yohann na pati chocolate kukunin niya!
Aish!
Naramdaman kong may umakbay sa balikat ko kaya napatingin ako dun.
"Hayaan mo na bibili nalang kita ng maraming ganun."
Luh, ang weird ng isang to. Parang kanina lang ang sama ng mood niya tas ngayon ang aliwalas ng mukha.
"Atsui?"
"Hmm?"
"Bipolar kaba?"
Tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin at pinitik ang noo ko.
"Aray! Ang sakit nun ah."
"Haha sorry sorry. Kung ano ano kasi iniisip mo, tara na nga hanapin na natin mga dorm natin."
Hinila na niya ako at naglakad na kami para hanapin ang dorm namin.
"Uy teka, andito nayung dorm ko."
Sabi ko kay Atsui.
"Dito nadin yung akin."
Luh, magkaharap kami ng room. Ayos mabilis ko siyang maaabala.
"Oh siya pasok nako."
Tumango lang siya sinabi ko at pumasok na nga ako sa dorm ko.
Pagpasok napanganga ako.
"Jusko, dorm to? Parang mamahaling apartment lang ahh."
Sabi ko sa sarili ko. Eh kasi naman napakaganda sa loob. Pagpasok ko nakita ko yung bed, Queen size bed siya tas ang kulay ng sheets ay sky-blue tas ang unan din sky-blue.
Sa gilid naman is may study table. May mga gamit pa nga dun eh like books, papers, kung ano pa.
Sa isa pang katabi ng Queen sized bed ay isang closet, lumapit ako dun at binuksan. Napanganga ako dahil di lang siya basta closet kundi walk-in closet. Sa walk in closet nato nandito ang mga uniforms ko, sa right side while yung sa left side I think mga pambahay at pang alis na clothes, sa gitna naman is yung shoe rack, nakadivide siya into two. Yung isa ay mga school shoes at sa kabila naman mga rubber shoes and heels.
Lumabas na ako at pinagmasdan ang buong dorm. Meron ding kitchen. Yung kitchen is may mahabang counter, tas may built in na electric stove dito at mga cupboards. Kompleto din sa mga utensils from kutsara, tinidor, Plato, baso lahat! Binuksan ko yung cupboards isa isa at oh my gooooosh. Kompleto din sa seasonings at pagkain.
May refrigerator din dito. Binuksan ko ang ref and boy I am living in heaven! Yung ref is a double door. Madaming chips and chocolates sa loob. May mga energy drinks din at mga soda. Tiningnan ko ang ilalim, may mga gulay din dun. Tiningnan ko naman ang freezer ng ref at mga frozen food ang nandun.
Wow gaano ba kayaman si President Tokoshi at naka afford siya ng ganitong kagandang dorm room.
Di lang yun, airconditioned din siya. Tas may chandelier din dito. May lamp and may enormous couch.
Ang sarap dito.
Lumapit ako sa kama at hinigaan ito.
"Haaaaay."
I sigh satisfyingly. Nakakarelax naman dito ang lambot ng kama. Tas dagdag mo pa na napaka relaxing ng kulay ng dorm which is light brown.
Sa sobrang lambot ng kama, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
-End of Chapter 10-