Chapter 9

2447 Words
Mavie's P.O.V Mag t-two weeks na ako sa pagiging Unordinary students. And everyday is nahahasa ang ability namin. And sakin naman, medyo nakokontrol ko na ang ability ko. And isa pa sa napansin ko, habang nag iimprove ang pagkontrol ko sa ability ko ay nag iimprove din ang utak ko. I mean, kung dati slow ako at matagal makagets, ngayon feeling ko mukhang tumatalino ako ng konti. Kaya ko na nga makipagsabayan kay Marie eh and sabi pa niya mukhang maganda daw ang impact ng Unordinary section sakin. Well totoo naman. Unti unti ko nadin nakikilala ang mga kaklase ko at nalalaman ang mga kanya kanya nilang personalities. Si Atsui, di halata pero palangiti at magaling makisama. Si Kairro naman, may pagka isip bata at pagkahyper. Si Roxette, she's like me, may pagkaslow. Si France naman, ayaw sa maiingay, well considering his ability. May tatlo pa akong kaklase na di masyadong close, tulad ni Mako, Princess at Jairoh. Silang tatlo ang laging magkasama and napansin kong may atittude si Princess, and Jairoh is quite a playboy. Pag kasi naglulunch break kami, ang daming babaeng ini entertain, lagi din siyang nababatukan ni Mako haha. Sa ngayon andito kami sa classroom. Waiting for our teacher. Napapansin ko lang, this past few weeks madalang kung pumasok si Yohann. Pero di naman siya kinukwestyon ni ma'am Altubar. "Good morning class." Ay nandito na si ma'am. Nag greet naman kami sakanya pabalik. And ilang minuto lang ay may pumasok na middle aged man sa room namin. Medyo may hawig siya kay Yohann. Sino siya? "This is Mr. Yamada Tokoshi. The President of Y Academy." Literal na napalaki ang mga mata ko. Tokoshi? Magka apelyido sila ni Yohann. Kamag anak ba sila? "I'm gonna cut to the chase. I have here with me a parents consent. Kailangan niyo papirmahan sa parents niyo to para mag stay sa dorm ng school. You will stay at the school's dormitory for the whole school year until you graduate. And all you do is stay in school and enhance your ability." I'm confused. Bakit need mag stay sa school's dorm? Nagtaas ako ng kamay para makapagtanong. "Yes Ms. Del Fuego?" Tumayo ako at nagsalita. "Mr. President, bakit kailangan namin mag stay sa school's dorm? What difference will it make?" Nginitian niya muna ako bago sumagot. "I'll keep it as a surprise for now." "Pero sir, compulsory ba ito? What if ayaw namin mag stay." "Yes, it is compulsory. If you can't stay then we have no choice but to remove you in the Unordinary section and put you back to your regular section." Napatanga naman ako sa sinabi niya. Ginigipit niya ba kami? Magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat si Kathleen kaya umupo nalang muna ako. "But sir, paano yung trabaho ko? Yung mga trabaho ng mga working student na katulad ko?" May point siya, hindi lang siya ang working student dito. Pati si Atsui, working student din. "Oo nga sir, pano yun?" Sabat din ni France. "You don't have to keep your jobs. Everything you will need from hygeine, clothes, foods, entertainments, the school will provide it. And if you're worried about how you're going to pay your tuition fee, then don't worry about it because Unordinary students are tuition free." These previlages are too good. Parang may mali. "Why?" Si Atsui naman ngayon ang nagsalita. "You will know once you stay here Mr. Yoshiro." Natahimik naman kaming lahat. "Pero pano yung mga katulad ko na walang guardian sir. Automatic naba ang pagpasok ko?" "Yes Ms. Sanchez. Now, if you don't have anymore questions. Here's the parents consent. Tomorrow is the deadline. So I suggest you start packing once you get home." Isa isa niyang binigay samin ang parents consent saka nagpaalam. "See you when I see you students. Goodluck on your journey." Journey? Ano ibig niyang sabihin nun? "Okay since nabigay na ang mga parents consent, I'll dismiss you know para makapagpirma na kayo and para makapaghanda na kayo para bukas." Pagkatapos sabihin ni ma'am Altubar yun ay umalis na siya. "Ugh! I can't believe this." Reklamo ni Kathleen. Napa roll eyes lang ako. "Will you shut up. Nakakarindi kana." Mukhang mag aaway tong dalawang to. Princess vs Kathleen. Aba aba. "Edi takpan mo ang tenga mo tsk." Tumayo naman si Princess para sana sugurin si Kathleen pero pinigilan siya ni Mako. "You're such a drama queen Kathleen. Like seriously, stop being so dramatic about this." Kathleen glared at Princess saka umalis ng nagdadabog. Kala ko pa naman may catfight na mangyayari haha. Nakita ko lang na nagroll eyes si Princess. "Let's go Mako, Jairoh. We have things to do." Sa lahat ng kaklase namin silang tatlo ang distant. "I'm lowkey excited sa journey na sinasabi ni Mr. Yamada" Nakangiting sabi ni Roxette. "Nga pala, pansin niyo? Magkaapelido si Yohann at Mr. Yamada?" Tiningnan lang nila ako na para akong alien. "Oh bakit?" "Seriously? Di mo alam?" Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Alam ang alin?" Napatampal sa noo si Roxette saka sumagot. "Seriously? Kayo ang mas close pero di mo alam na tatay ni Yohann si Mr. Yamada?" "HUH?!" Napasigaw naman ako sa sinabi ni Roxette. Agad din akong nagsorry kay France, tumango lang siya. Wow, kaya pala ang lakas ng loob mag absent ng loko. "Anyways, mauna nako sainyo baka di ko maabutan si mommy and daddy. Papapirmahan ko na to." Tumango lang ako. Nagpaalam nadin si France and Kairro para magpapirma nadin. Eh ako, mamaya pa uwi nila mommy and daddy eh kaya di pako makakapagpirma. And it's still 11:30 a.m siguradong may klase pa si Marie kaya din kami makakagala. Aaaaaah! I'm alone huhu. "Mavie." Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Atsui pala. "Oh Atsui, andito kapa pala. Wala kabang lakad? Or di kapa ba magpapapirma sa parents mo?" Umiling lang siya saka ako tinabihan. "Kuya ko lang ang kasama ko, both parents ay nasa Japan. Umuwi sila dun dahil may inaasikaso sila. And nope wala akong lakad dahil off ko ngayon. Tas si kuya mamaya pa uwi nun." Ahh kaya pala. Same naman pala kaming walang gagawin. May naisip ako. "Atsui, since wala tayong magawa. Let's go to the amusement park." "You mean like a date?" Tumango naman ako. "Yes, a friendly date." Ngumiti naman siya saka pumayag. Yeeeees! Di na magiging boring ang araw ko. Lumabas na kami sa room saka pumunta sa motor niya. Ang ganda ng motorbike niya infairness. Sinuot ko na yung helmet saka umangkas na. Nagdrive na si Atsui papuntang amusement park. Ang bilis niya magpatakbo pero di ako natakot, mas bet ko nga eh. Nung nakarating na kami at hinubad na ang helmet namin ay amuse na amuse siyang nakatingin sakin. "Alam mo inaasahan kong sisigaw ka dahil sa bilis ng papatakbo ko. Pero mukhang nag enjoy ka ahh." Tumawa lang ako. "Eh kasi naman hindi ako matatakutin. Saka naeenjoy ko pag mabilis ang takbo." "Sabagay, your ability is Agility so I'm not surprised." Ngayon namention niya yan, di ko pa pala alam ang ability niya. "Uhm Atsui, ano pala ang ability mo?" Tiningnan niya muna ako saka ngumiti. Feeling ko umiinit yung mukha ko. Ang gwapo niya kasi lalo pag nakangiti. "My ability is prediction. Nalalaman ko lahat ng galaw ng tao pag naka eye to eye ko sila." Napawow ako sa ability niya. Ang cool nun. Pumunta na kami sa entrance and si Atsui ang bumili ng tix namin. Pagpasok namin na amaze ako. Kahit ilang beses na akong nakapunta dito na aamaze padin ako. May nakita akong rides and na excite ako kaya tumakbo ako papunta dun. "Atsui sak- huh? San yun?" Ay s**t, sa sobrang excited ko napabili ata ang galaw ko. Kaya binalikan ko sita with same speed. "Careful Mav, nasa public place tayo." "Yeah, haha, sorry." Sabi ko saka napakamot sa ulo. "Gusto mo ba sumakay sa frisbee?" Tumango lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila papunta dun. Nakatingin ako sa magkahawak naming kamay saka tumingin sakanya. Nag iinit ang mukha ko. Tiningnan niya rin ako at sa kamay ko. "Wag ka bumitaw, baka ma excite ka ulit tumakbo ka ulit ng mabilis." Pano niya nalamang bibita-- oh nevermind. Ngumiti lang ako saka tumango. Nagbayad siya para sa frisbee saka kami sumakay. "WOOOOOOOHHHH!!!" Sigaw ko nung nagstart na kaming ibalibag ng frisbee. Si Atsui naman nakahawak lang sa kamay ko at nanlalamig. Don't tell me takot siya? Hahahh "ATSUIIIII! LOOOK AT THE VIIIEEEWW!!" Sigaw ko sakanya dahil nakapikit siya. Mukhang takot nga. "NO!" Sigaw niya pabalik kaya napatawa nalang ako. After ilang minutes natapos din ang adventure namin sa frisbee. Pagbaba namin agad umupo si Atsui sa bench. Kaya tawa lang ako ng tawa. Dahil sobrang takot talaga siya. Eh hindi nga masyadong extreme yun eh. He just glared at me, pero tawa padin ako ng tawa. Nung makamove on siya ay sumakay ulit kami ng extreme rides, sinabi ko sakanyang ako nalang sasakay dahil takot siya pero he insist on riding with me. Nakatatlong extreme rides kami after frisbee and now? Nandito ako pinapat ang likod ni Atsui dahil nagsusuka siya. Jusko, di ko akalaing ganito siya ka weak pagdating sa extreme rides. "Okay, Ayoko na. Ayoko na sa mga rides nayan. Jusko, mamamatay ako ng maaga." Sabi niya sakin. Tumawa ulit ako. "Hahaha, sino ba nagpumilit na samahan ako sa extreme rides?" Pang aasar ko sakanya. "Tsk." Yan lang ang sagot niya. Naawa ako kaya nag aya ako sa kanya sa mga games. Pumunta kami sa dart balloon. And if makahit siya ng sampong balloon pataas may prize na stuff toy. Nilaro niya yun at ang loko sharp shooter. Napanalo niya ang isang stuff toy sa isang round lang. "Anong stuff toy gusto mo sir?" Tanong ng guy. Tumingin naman siya sakin at sinabing ako daw pumili. "Bat ako? Eh ikaw nagpanalo niyan?" "It's for you." Nagpigil naman ako ng ngiti. Okay, kinikilig ako ng konti. Ano ba, babae padin ako. "Uhm, yung SpongeBob po kuya." Binigay naman niya sakin yun and umalis na kami. "S-salamat." "You're welcome." Nag aya akong kumain dahil nagugutom ako. But this time split kami sa bill. Ayaw niya pumayag pero nag pumilit ako. Tiningnan ko yung oras. "Hala, 5:55 p.m. na pala. Grabe ilang oras din tayong nandito ahh." Di ko namalayan ang oras dahil sobrang nag enjoy ako. "Oo nga no?" Sabi niya at bumalik sa pagkain. After namin kumain nag aya ng umuwi si Atsui. Pero may nakita akong photo booth kaya nag aya muna ako dun. Nagpapicture kami, may wacky, may cute, may abnormal. Meron yung nakaakbay siya sakin at ako naman pinipisil ang cheeks niya. Ang saya niya kasama, hindi mo mahahalata pero sobrang jamming niya kasama. "Here, sayo tong isa. Wag mo iwawala yan ahh. Remembrance yan." Sabi ko sakanya saka binigay ang picture. Para kaming magjowa ngayon hahahah. "Okay. Tara? Hatid na kita sa inyo gumagabi na." Tumango lang ako, saka niya ko hinatid sa bahay. Binigay ko sakanya ang address kaya alam niya. Pagdating namin ay nagpaalam din siya agad. Pagpasok ko sa gate ay nakangiting aso sakin si Marie. "Oh? Bat ganyan tingin mo?" "Di mo naman sinabi sakin na may boyfriend kana. Huhu, I'm hurt." Sabi ni Marie habang umaakto na naiiyak. "Anong boyfriend pinagsasabi mo jan. Kaibigan ko lang yun." Sabi ko sakanya habang nakangiti "Asuuuus." "Asuuus, halika na nga. Kung ano ano iniisip mo eh." Tumawa lang siya saka kami pumasok sa loob. "Goodevening mommy, daddy. Sorry po ginabi ako, di ko namalayan oras eh. Gumala kasi kami ng kaibigan ko." I said honestly. Pagdating sa family ko wala akong tinatago, except sa ability ko. Medj naguiguilty nga ako eh. Pero di ko pwede sabihin kasi. "Maniwala kang kaibigan lang mom. Nakipagdate yan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Marie. "Hoy anong date pinagsasabi mo. Friend ko lang yun no." "Asuuus, friend daw eh may pa SpongeBob na malaki. Diba mom?" Tumawa lang si mommy samin saka napailing. "Hoy anong boyfriend boyfriend yan? Baby pa kayo di pa pwede yan." Sabi ni daddy samin. Napatawa ako kasi binibaby talaga kami ni Dad eh. "Dad, we're 16 years old." Sabi ni Marie. "Oh ano naman? Eh baby ko pa kayo eh." Sabi ni daddy saka binuhat kaming dalawa kaya napasigaw kami. "Haha dad, mabigat kami! Put us down." Sigaw ko, pero tumawa lang si dad bago kami binaba. "Oh siya, magbihis kana Mavie, and Marie. Come help me cook dinner." "Okay mom." Sabay naming sabi ni Marie. Nagbihis na ako and kinuha yung parents consent. Sana payagan ako. After dinner papapirmahan ko na to. Lumipas ang oras ay kumain na kami and after kumain niligpit na namin ang kailangan ligpitin. Saka ako lumapit kina mommy and daddy sa living room. Andun din si Marie. Nanonood din sila ng T.V. "Uhm My?Dy?" "Yes anak?" "May papapirmahan po akong parents consent." Bumaling naman ang tingin nila sakin. "Para saan anak?" "Para po sa pag stay ko sa dorm. Compulsory daw po eh, kailangan daw mag stay namin dun for the whole school year hanggang makagraduate. Pero nandun napo daw lahat ng kailangan namin from personal necessities and such." Napaisip naman sila. "Ano mangyayari if di kami pumayag?" "Ibabalik po ako sa regular section." Napataas naman ng kilay si mommy. "Ano bang klaseng school yan. Bat may ganyan?" Sumabat nadin si Marie. "Mom, bigyan mo lang ng chance. Baka mas lalo siya mag improve. Kita mo naman ang improvements niya diba eversince napasok siya dun?" Hulog ka talaga ng langit Marie. "Sabagay. Ikaw ba hon ano desisyon mo?" Tiningnan ako ni Daddy saka sumagot. "Kung ano makakabuti sa anak natin dun ako." Napangiti naman ako. "Thank you daddy mommy." Pinirmahan na nila ang parents consent. Wala ng atrasan to. "Kailan ka lilipat sa dorm mo?" "Bukas po my." Nabilaukan si daddy sa pag inum ng juice niya. "Ginulat mo naman kami anak. Bukas agad?" Tumango lang ako. "Oh siya, sige maghanda kana tas matulog kana rin." Tumango lang ako saka pumasok sa kwarto ko para mag impake. May kumatok naman sa pinto. "Bukas yan." Pumasok si Marie at umupo sa kama ko. "Mag iingat ka dun. Magiging busy kana, madalang na tayo magsama." "Eto naman parang ang layo ng pupuntahan ko. Magkikita padin tayo hoy, same school lang tayo diba?" "Pero may magbabago padin. Pero eto lang tandaan mo. Proud ako sayo, and Mahal na mahal kita." Naluluha ako sa sinabi niya saka niyakap siya. "Mahal din kita. Ano ba! As if naman aabroad ako. Ang drama neto." Tumawa nalang kaming dalawa saka nag impake ako at natulog na. Tomorrow is another day. -End of Chapter 9-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD