Mavie's P.O.V
"Mavie?"
Di mawala sa isip ko yung nasaksihan ko kahapon sa room nayun.
"Mav!"
Napakadisturbing.
"MAVIE!"
Napabalik ako sa realidad ng sumigaw si Marie sakin.
"Huh? Ano yun Rie?"
Tanong ko sakanya. Kinunutan niya lang ako ng noo saka nilagay ang kamay niya sa noo.
"Wala ka namang sakit. Ano ba nangyayari sayo? Kahapon kapa ganyan."
"Wala Rie. Uhm, mauna na pala ako sayo may activity kasi kami eh."
Sabi ko saka akmang tatayo na pero hinawakan niya ko sa braso saka nagsalita.
"Mavie, you're my sister. If may problem ka, don't hesitate to talk to me, okay?"
Tumango lang ako at niyakap siya saka ako umalis.
Di talaga mawala sa isip ko yung nakita ko sa isang room na di lang kalayuan sa room namin kahapon eh. Ang disturbing niya. I wonder if alam to ng head ng school na may ganun dito sa academy.
Sasabihin ko ba?
Hays wag nalang muna. Pupuntahan ko nalang ulit mamaya. Baka may madiskubre ako.
Dahil sa pag iisip ko di ko namalayan na may nabunggo pala ako. At kung sineswerte ka nga naman.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, my gosh."
Tiningnan ko lang si Kathleen in a bored way saka nilagpasan siya. Wala ako sa mood makipagtarayan sakanya ngayon.
Umupo na ako sa upuan ko. Habang iniisip parin yung nakita ko sa room nayun.
Hays pupuntahan ko ulit yun mamaya.
"Anong pupuntahan mo mamaya?"
"Oh Yohann, ikaw pala. Binabasa mo na naman isip ko ahh."
"Haha sorry sorry. Pero anong pupuntahan mo mamaya?"
Napaisip ako kung sasabihin ko ba o hindi.
Hays kahit naman di ko sabihin nababasa niya parin isip ko eh. Saka kaibigan ko naman siya kaya wala sigurong masama kung sasabihin ko sakanya.
"Halika lapit ka ibubulong ko."
Lumapit naman siya at kaharap ko ngayon ang tenga niya.
"May nakita akong room di kalayuan dito sa room natin. Ewan ko pero ang creepy. Gusto ko echeck baka may makita ako dun."
Nagulat siya sa sinabi ko at di agad nakasagot.
"Uhm, ano ba ang nakita mo?"
"Mga pictures, red room siya eh."
Napangiti naman siya saka nagsalita.
"Red room lang pala. Para siguro sa photography club yun. Ikaw kung ano ano iniisip mo."
Umiling lang ako saka nagsalita.
"Hindi eh, ang creepy nung mga pictures Yohann eh. Ang laman kasi ng pictures ay mga taong parang pinag eexperimentuhan. Di lang yun may date din sa likod ng mga pictures. At habang nandun ako may naririnig akong boses sa loob."
Napaisip naman siya sinabi ko.
"Yohann?"
Tiningnan niya nako.
"Ano yun?"
"Sa tingin mo ba may tinatago ang section natin?"
Napakunot naman ang noo niya sa tanong ko.
"Hindi ko alam."
May pumasok naman sa isip ko.
"Mag imbestiga tayo."
Sabi ko sakanya. Napaubo siya sa sinabi ko.
"Nababaliw kana ba?"
"Sige na kasiiiii."
Nag isip naman siya pero kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa napaoo ko siya.
"Anong iimbestigahan niyo? Pwedeng sumama?"
Epal talaga. Seryoso talaga siya sa sabi niyang future boyfriend niya si Yohann eh no? Jusko
"Wala. Wag ka nga makisawsaw."
"Okay, sasabihin ko nalang kay ma'am Altubar ang pinag usapan niyo."
Aish!
"Sandali."
Tiningnan niya naman ako saka tinaasan niya kami ako ng kilay.
"I'm listening."
"Oo na. Sama kana."
"Sweet!"
Sabi niya at tumingin kay Yohann.
Asarin ko nga muna to hehe.
Hinawakan ko ang braso ni Yohann. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Kathleen.
Haha mainis ka jan bahala ka.
"Sabay tayo lumabas ng school mamaya Yohann."
Sabi ko habang nakangiti at sinulyapan ng palihim si Kathleen.
Umuusok na ata yung ilong niya hahahaha. Mainis ka jan.
"Ugh."
Padabog siyang umalis sa harap namin kaya napatawa naman ako. Napailing si Yohann sa kalokohan ko.
Ilang minuto lang dumating na ibang kaklase namin pero di ko nakita si Atsui. Absent siya?
Dumating nadin si ma'am Altubar.
"Okay class. Magsisimula ang activity niyo ngayon. Bago ko kayo paghiwalayin sa mga nababagay na activity sa inyo. Our first activity will be pairing. Hahasain natin ang mga abilidad niyo. I want you all to be in the gym in 15 minutes. Pag di ko kayo nakita dun, 2 weeks suspension."
Grabe, 2 weeks suspension talaga?
Nilapitan ako ni Roxette at France sabay aya na sabay nadaw kami. Tumango lang ako.
"HI CLASSMATES!"
Napatalon ako sa gulat. Jusko itong si Kairo parang kabute bigla bigla nalang sumusulpot.
"Kairo, isa pang panggugulat mo tatahiin ko na yang bunganga mo pramis."
Sabi ni France. Haha, kahit naka headphones siya rinig niya padin ang lakas ng boses ni Kairo. Well di ko siya masisisi. Hahaha
"Tara Yo- luh? San si Yohann?"
Tumingin tingin din sila sa paligid, pero di din nila napansing umalis si Yohann.
"Baka nauna na sa gym?"
Sabi ni Roxette. Nagkibit balikat nalang ako saka sila inaya papunta sa gym.
"Teka, san nga pala si Atsui? Di ko siya pumasok eh."
Tanong ko.
"Ahh, may hangover yun. Di siya pumasok. Nandun yun sa apartment niya panigurado natutulog. Nalasing kasi kami sa bar na pinagtatrabahuhan ng banda nila Atsui kaya ayun di na nakapasok."
Sagot ni France sakin.
"Bar? Pwede kayo makapasok dun? Eh underage pa kayo ahh."
"It's all about connection baby."
Inirapan ko nalang siya saka tumawa.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa gym.
Nilibot ko ang paningin ko pero di ko mahagilap si Yohann. San kaya yun?
"Woah, di ko akalain na ganito to kalaki."
Seryoso siya? Di pa siya nakapunta dito sa gym?
Napailing nalang ako.
"Are everyone present already?"
Tanong ni ma'am Altubar. May dalawang lalaking kasama si ma'am altubar.
Pero wala pa si Yohann. Gusto kong tawagan pero wala pala akong number nila.
Mamaya hihingi ako ng numbers nila para madali ko silang makontak.
"Sorry I'm late ma'am."
Hays buti naman nandito na siya.
"Okay so everyone here? Where's Mr. Yoshiro?"
"Absent po ma'am, may lagnat."
Lagnat? Akala ko hangover lang. Lagnat na pala?
"Okay then, let's start. Oh and Ms. Del Fuego. Come with me in my office now."
Halaaaaa! Anong ginawa ko?! Naniningil ba siya nung time na di ko siya sinipot nung pinatawag ako?
"O-okay po."
Third Person's P.O.V
Sa pagsisimula ng unang activity nila. Isa isa silang nilapitan ng mga kasama ng kanilang guro, habang si Mavie ay pinatawag sa office ni ginang Altubar.
Kanya kanyang aktibidad ang kanilang ginawa na naaayun sa kanilang mga abilidad.
Habang si Mavie ay kasulukuyang kinakausap ni ginang Altubar.
"Uhm, ma'am? Tungkol ba to sa di ko pagsipot dati? Hehe, nawala kasi iyon sa isip ko."
Kinakabahang tanong ni Mavie sa guro.
"Hindi Ms. Del Fuego. Nakita ng CCTV ng school ang pagpasok sa isang silid dito sa building niyo. Of all the rooms in this building, yun room na pinasukan mo ang bawal pasukin."
Napakunot noo lamang si Mavie at nagtaka.
"B-bakit naman po ma'am?"
"No more questions Ms. Del Fuego. Basta bawal pasukin ang silid nayun. If I caught you going into that room again, I will be forced to have you expelled."
Nagulat naman si Mavie sa sinabi ng guro.
Expelled?! Grabe naman yun, para sa pagpasok lang sa silid nayun? May tinatago talaga tong paaralang to.
"Bakit naman po expelled ma'am?"
"It's on the rules Ms. Del Fuego. If you go into that room again, I have no choice but to expel you. Are we clear?"
Walang nagawa si Mavie kundi ang sumang ayon na lamang.
Mag iimbestiga ako, alam kong may tinatago ang school nato. And I know na hindi maganda yun. Bobo ako pero di ako tanga.
"Sige bumalik kana sa gym Ms. Del Fuego."
Tumango lang si Mavie at bumalik sa gym.
Habang patuloy na nagkakalikot si ma'am Altubar sa kanyang mesa. Isang bagong pigura ang pumasok sa opisina niya.
"Rhian Altubar."
Di niya inaasahan ang pagdating neto.
"Ano ang maipaglilingkod ko sayo?"
"Keep an eye on her. Bantayan mo lahat ng kilos niya pag wala ako. Alam kong mag iimbestiga yan. We can't take any chances. Rikai suru?" Understand?
Tumango lamang ang ginang saka lumabas ang lalaki.
-End of Chapter 7-