Chapter 6

3066 Words
Atsui's P.O.V Fuck, I still have a hangover from last night. "Hangover?" Tanong sakin ni Roxette. I just nodded and she gave me a pill and water Tinanggap ko naman. "Thanks." I said and drink the pill. "I can heal your headache pero it takes an hour. So the pill's the best choice." Tinanguan ko nalang siya. "Atsui, I made two friends awhile ago." Napatingin ako sakanya saka nagsalita. "Good for you. Unordinary student din ba?" Tumango siya. I just pat her head na siya namang nagpakunot ng noo niya. She hates it when I do that. "Sabi ng wag eh. Hindi ako aso." "Haha mukha ka namang aso talaga Rox eh." Napatawa ako sa sinabi ni France. "Could you share what you three are wisphering there Mr. Yoshiro?" Nakalimutan kong nandito na pala ang teacher. "No ma'am. Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin. "Okay, like I said. Bibigyan ko kayo ng activity na suitable sa abilities niyo. And since this is the second day of our class. I want you all to introduce yourself one by one. State your name, age and special abilities. Starting with you Mr. Garcia, then followed by Ms. Sanchez and so on and so forth." Pagkatapos sabihin ni ma'am Altubar yun ay tumayo ang lalaking nasa third row sa unahan. "Goodmorning sa inyo. I am Jairoh Garcia, 16 years old and my special ability is Photographic zooming. I have a photograpic memory and I can zoom in every little details kahit gaano pa ito ka layo." Interesting. "Can you give us an example Mr. Garcia?" "Sure ma'am." Tumingin tingin siya sa paligid hanggang sa natuon sakin ang atensyon niya. Nakatingin siya sa leeg ko. Kaya napatingin ako dun. Ahh, yung necklace ko pala. It's a costumize necklace, bigay sakin ng kapatid ko. It has my birthday in the surface of the necklace pero di siya visible unless kung tititigan mo talaga. My birthday is July 19 2003. "Yang necklace mo, may nakaengrave na numbers 07-19-2003. Tama?" Tumango lang ako sa sinabi niya. "And nakastock siya ngayon sa utak ko like a photograph." Pagkatapos nun ay umupo na siya, sumunod naman yung katabi niya. "I'm Kathleen Sanchez, 16 years old. My special ability is electricity manipulation. I can manipulate every bits of electricity inside this room." Pagkatapos niya sabihin yun ay biglang namatay ang ilaw at ang aircon. A few seconds after bumalik naman ito. "And I can create my own electricity or release electric energy." Pinakita niya samin ang palad niya and may lumabas na kuryente sa mga daliri niya. Binaba niya rin ito saka umupo na sa upuan niya. Sumunod ulit isang babae. Umaapaw ang confidence niya sa katawan. She looked at us and our eyes met. In my head? Nakita ko ang gagawin niya. And all I can say is, she enjoys seeing a bloody fight. "Magiging madugo ang pagpapakilala niya." Sabi ko sa sarili ko, na hindi nakatakas sa pandinig ni France. "What do you mean Atsui?" I glanced at him and said. "Just watch." "Hi everyone. I am Princess Anne Schrade, 16 years old and my special ability is my beautiful voice and anyone who hears it will be under my control." Uupo na sana siya but just like what I saw in my head, ma'am Altubar will ask her to show her ability to us. "Miss Schrade, please enlighten us with your ability." "Gladly ma'am." She said with a smile saka aktong lalabas na. "Where are you going miss Schrade?" "Gonna get myself some victims. Uh I mean some ordinary students, because sadly my ability only works for people who doesn't have special abilities like us." Sabi niya saka lumabas. "Ano ulit yung sinasabi mong magiging madugo ang pagpapakilala niya?" "Any moment from now babalik siya with two boys from the samurai club. Both holding real samurai swords." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Aware si France sa ability ko kaya sinabihan niya kong sabihin kay ma'am. You know what I told him? I said "Why should I? It would take away the fun if I tell her." I haven't seen a real bloody fight for a very long time, this should be fun. And after a few minutes di nga ako nagkamali, bumalik siya with two Samurai Athletes. If you're wondering why the hell a high school academy allows a f*****g samurai club. Well our school's unique. That's why it's name is Y Academy, because it has all the unanswered why's. "Why did you drag two members of the samurai club Ms. Schrade?" "Watch." She said while smirking. "Hear my voice and follow my command. If you decline, you'll face death." Pagkatapos niyang kantahin yun biglang naging mabilis ang paghinga ng dalawang athletes saka nanlilisik ang mga mata. Here comes the bloody part. Umupo siya sa upuan niya saka nagsalita. "Fight against each other, don't stop until one of you drop." Let me tell you, she said that while smiling. And yun nagsimula na nga ang bloody fight between the two samurai athletes. Nagkakagulo na dito sa loob ng room, si France nakatakip sa tenga niya dahil sa ingay, habang yung iba ay sinusubukan paghiwalayin ang dalawa. Pero di nila malapitan dahil each time lumalakas sila, kahit si Mavie na Agility ang ability di sila mapigilan. Si ma'am Altubar naman ay sumisigaw kay Princess na patigilin ang dalawa. Pero she just smiled like she's watching a very entertaining show. Yung dalawang samurai athlete ay pareho ng sugatan pero di parin ito pinapatigil ni Princess. Damn she's evil. "MISS PRINCESS ANNE SCHRADE STOP THIS RIGHT NOW OR I WILL HAVE YOU EXPELLED!" Sigaw ni ma'am Altubar na nagpawala sa ngiti ni Princess. "Fine. Okay, STOP!" Tumigil naman sa pagpapatayan ang dalawang athletes and all I can say is, this room is f*****g a mess. There's blood everywhere. Nanlilisik padin ang mga mata ng dalawang samurai athletes, at parang di sila nasasaktan sa mga sugat na natamo nila. Narinig naming nag snap ang daliri ni Princess. Nahinatay naman yung dalawa. "Kairo, Yohann. Tulungan niyo kong dalhin tong dalawang studyanteng to sa clinic ng unordinary section." Dali dali namang nilapitan ng dalawa ang walang malay na mga athletes. "Ms. Mayers, your ability is healing right?" Tumango naman si Roxette. "Kaya mo bang gamutin ang ibang tao bukod sa sarili mo?" "Yes ma'am pero it takes one hour bago ma fully healed sila." "That'll do. Let's go." Tumayo naman si Roxette at sumunod kay ma'am altubar. Nilingon ko si France saka nagsalita. "Told ya." "Damn, I didn't expect na ganun kadugo." Mako's P.O.V Nilapitan ko si Princess saka hinila siya palabas. "That was foul Princess, foul!" I said to her. Pero she just rolled her eyes at me. "Oh c'mon Mako, it's not like I haven't done that before. I did worst than that." Napahilod ako sintido ko. "Di ka ba naawa sa dalawang yun?" She look up like she was thinking. "A little bit, yeah." "Then? What should you do?" "What should I do?" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "You should learn the value of other people's life. It's not good to--" "Mako, if you're gonna tell me those long ass speech again, save it. I don't wanna hear it. Saka isa pa, saka mo na ako pagalitan kapag natapos na akong masermonan ni ma'am Altubar mamaya. I'm sure di niya to palalagpasin." After niya sabihin yun ay bumalik na siya sa loob. Napailing nalang ako. Hays, if there's one thing good about Princess, yun ay hindi niya tinatakasan ang mga punishments niya. She can be evil at times, but she's not gonna run away from her punishments. Kairo's P.O.V Nadala na namin ang dalawang students sa clinic ng unordinary section. Grabe yung babaeng yun. Napakadelikado ng takbo ng utak. Pumasok si ma'am Altubar at yung isa naming kaklase. "Kayo muna bahala sakanila okay? Babalik muna ako sa room. Tumango lang kaming tatlo. "Uhm, pwede bang paki tanggal ng mga damit nila?" Sinunod nalang namin siya. After nun pinatabi niya kami habang ginagamot ang dalawang students. Napatingin ako sa katabi ko saka nagpakilala. "Hi, I'm Kairo Mikael Andrada." "I'm Yohann Tokoshi." "Anong special ability mo?" "Telekenesis and mind reading." Woah so dalawa ang ability niya? "Iisa lang yun. I can control every living thing through my mind and I can control things too. Nababasa ko din isip ng tao. Iisa lang sila dahil part ng Telekenesis ang mind reading." "Ahh ganun pala. Teka, binasa mo isip ko?" Ngumiti lang siya saka tumango. "Akin naman is voice imitation. I can copy any voice and any sound." Medyo nahihiya kong sabi sakanya. Eh kasi ang weird ng ability ko. Ang a astig kasi ng mga special abilities nila. "Really? Hmm, can you copy the voice of Princess?" "Yung dahilan kung bat nandito yang dalawang yan?" Tumango lang siya. "Uh sige sige. Uhm ano nga ulit yung lyrics? Ahh ganito." Nagconcentrate ako saka kumanta. "Hear my voice and follow my command. If you decline, you'll face death." Napa palakpak naman si Yohann. "Wow, kung pipikit ako di ko aakalaing ikaw yun." Napakamot naman ako sa batok ko. "Salamat." "Uhm, guys?" Napatingin kami kay Roxette. "OH s**t!" Sabay naming sigaw ni Yohann. Sino bang hindi eh biglang umupo yung dalawa na nanlilisik ang mga habang mabilis na humihinga. "You can copy a special ability." Napailing ako. "Hindi ko alam. Hala!" "H-hoy, ayusin mo yan." Di ko alam kung pano. "Isipin mo kung ano yung ginawa ni Princess kanina." Ano ba ginawa niya? Ahh sumigaw siya ng stop and she snapped her finger. "STOP" Sigaw ko, pero walang epekto. "Gayahin mo ulit boses niya." "Ah sige sige. STOP!" Di parin kumakalma. Juskoooo anong ginawa ko? Mama tulong huhu. "Snap mo nalang daliri mo dahil yun ginawa niya kanina. Kasi kahit sinabi na niya ang stop na word ganyan padin sila." Ahh oo tama tama. Ginawa ko yung sinabi ni Yohann, tumalab nga dahil nahimatay sila. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Looks like voice imitation is not the only ability you possess. Mukhang kaya mo din gayahin ang ability ng kaklase natin." "Hindi, I think nagagaya ko ang ability ng kaklase natin if I imitate their voices." Napangiti ako ng malaki. Mukhang hindi naman pala nakakahiya ang ability ko. Mavie's P.O.V Grabe yung nangyari kanina sa room. Natakot ako dun ahh. Dahil dun dinismiss kami ng maaga ni ma'am Altubar pero pinapunta niya si Princess sa office niya. "Mav." Napalingon ako sa tumawag sakin. "Oh, France and sino ka nga ulit?" May kasama kasi siya. Mukha siyang japanese. "I'm Atsui Yoshiro." Waaaah, japanese nga. Dalawa ang kaklase kong Japanese yiiiieeee. "Japanese ka din?" "Din?" "Oo, si Yohann kasi japanese din eh." Napatango lang siya. "Well yes, I am japanese. But I was born and raised here in the Philippines." Ayy english speaking din to. Nakakanosebleed. "Nice to meet you, ako pala si Mavie Del Fuego." Nilahad ko ang kamay ko. Tiningnan niya muna ito saka tinanggap. Mygash ang lambot ng kamay niya, parang kamay ng babae. "Nice to meet you too." Bumitaw na siya pagkatapos niya sabihin yun. "Ahh Mav, tara punta tayong clinic." Clinic? Bakit? Ahh baka para puntahan si Roxette. "Naku kayo nalang, pakisabi kay Roxette na gala tayo minsan. Pupuntahan ko muna yung kapatid ko." "Pero yung sugat sa braso mo, mukhang malalim." "Sugat?" Napatingin naman ako sa braso ko at napalaki ang mata ko ng makita kong may sugat nga. "Hala! Eto pala yung mahapdi na kanina ko pa nararamdaman." Napanganga silang dalawa sa sinabi ko. "Oh? Bakit?" Tanong ko sakanila. "Seryoso ka? Di mo alam na may sugat ka?" Umiling lang ako kay France. Atsui's P.O.V Kakaiba, haha. Di niya alam na nasugatan siya? Saka nakuha niya pang sabihin na yun pala yung mahapdi. "Tara sa clinic." Sabi ko saka hinila siya papunta sa clinic. Sumunod naman samin si France. Pagdating namin dun ay ginagamot padin ni Roxette ang dalawa. Unti unti namang naghihilom ang mga sugat nila, 30 minutes nadin kasi ang nakalipas. Hinahaplos niya ang mga sugat ng dalawa. Malinis nadin naman ito, nilinisan niya siguro. "Oh, Mavie anyare jan sa braso mo?" Tanong ni Yohann kay Mavie. "Nasugatan ata ako kanina di ko namalayan." "Ganun ba? Rox, kaya mo ba gamutin si Mavie?" Tumingin naman si Roxette samin. "Gustuhin ko man pero nadedrain ang energy ko sa dalawang to eh. Di kasi unlimited energy ko. Kailangan ko din magpahinga." "Ayy ganun ba? Sige ako nalang gagamot." Kukunin na sana ni Yohann ang first aid kit pero tumunog ang cellphone niya. May nagtext ata. "Naku, kailangan ako sa bahay. Uhm okay lang ba kung kayo muna gumamot kay Mavie?" "Ano kaba Yohann. Okay lang ako. Gorabells kana dun, baka emergency payan." Napailing ako sa sinabi ni Mavie. Uso paba yung ganyang pananalita? Haha jeje naman masyado. Umalis naman agad si Yohann. Kinuha ko yung first aid kit saka sinimulang gamutin si Mavie. "Aray, ang hapdi." "Sorry." Naramdaman kong may lumapit sa gawi namin. "HI CLASSMATES!" Narinig naming may kumalabog sa gilid namin. Si France pala, hahaha nagulat siguro sa lakas ng boses nitong isang to. "Geez, easy on the volume bro. Sensitive ang tenga ko lalo't advance hearing ang ability ko." "Oh, sorry. Nga pala, ako si Kairo Mikael Andrada, special ability ko is voice imitation." Kinuwento niya samin ang nangyari kanina dito. Nung una di kami naniwala pero cinonfirm naman ito ni Roxette. Astig ng ability niya ahh. Nagpakilala din kami sakanya at nakipagkuwentuhan. Ilang minuto lang ay natapos ko ng gamutin ang sugat ni Mavie. Nilagyan ko nadin ng bandage. "Thank you Atsui ahh. Saka, gusto ko man na makipagchikahan pa sainyo kaso may lakad kami ng kapatid ko eh. Next time nalang tayo magchikahan ahh." Napatango nalang kami. Ang cute niya. Kilala ko na siya dati pa dahil sa kakambal niya. 50% ata ng population sa school nato kilala siya dahil sa kakambal niya. She was a shadow of her sister. Pero ngayon nagsastand out na siya because of the Unordinary section "Sige, ingat ka. Babye." Ang jolly naman netong si Kairo. "France, mauna nadin ako ahh. May band practice pa kami eh. Punta ka mamaya sa bar. Libre ko." "Sige ba." "Pwede sumama?" Tanong ni Kairo. Tumango lang ako. "Ako? Pwede din?" "No!" Sabay naming sabi ni France. Nagpout naman siya saka pinagpatuloy ang ginagawa niya. Umalis nako at pumunta sa parking lot kung nasaan ang motor bike ko. Nagdrive nako papunta sa bar at pagdating ko dun nag practice na kami. Ako ang vocalist ng banda kaya di ako pwede mag absent. Dalawang oras kami nagpractice saka kami natapos. Pumunta nako sa staff room ng bar para magbihis ng damit. Ilang oras pa ay nagsimula ng dumami ang tao sa bar. Kaya sumalang na kami at tumugtog. Mga limang kanta siguro ang tinugtog namin bago kami nagpahinga. Ang dj namin ang incharge sa music ngayon dahil nagpapahinga kami. Nakita ko naman agad si France at Kairo. Kung tinatanong niyo bat may mga underage na nagtatrabaho sa bar at bakit pwede makapasok dito ang minor well simply lang, hindi lahat ng minor dito nakakapasok. Tito ni Jaime ang may ari ng bar nato kaya may connection kami. Limited lang din ang kaibigan na pwede naman ipuslit dito. Inaya ko mga kabandmate ko sa table nila France. "Shot muna Atsui." Tinanggap ko naman ito. Saka pinakilala si Kairo. "Si Kairo nga pala. New friend and kaklase ko. Kairo, this is Jaime, Mackie and Kyle, mga kaband mate ko." Tumabi naman agad si Kyle kay Kairo. Napailing naman ako. Kung di niyo alam no. Paminta yang si Kyle, yes po bakla po siya. Pero like I said, paminta siya. Di siya malambot kumilos at lalaking lalaki siya manamit. At mukhang trip niya ngayon si Kairo. "France, tagal mong di nakabisita dito ah." Sabi ni Jaime. "Oo nga France bihira ka nalang pumunta dito sa bar." "Ahh, medyo nabusy kasi ako." Busy daw, if I know gumagawa siya ng paraan para mareduce ang advance hearing niya. Di pa kasi niya kayang kontrolin ang ability niya at nabibingi siya sa lakas magpatugtug ng dj namin dito. Pero mukhang nakahanap na siya ng earbuds na babagay sakanya dahil di na siya nabobother sa malakas na music. Sa gitna ng pag iinuman namin ay may lumapit na babae samin. Kinulang ata sa tela ang babaeng to. Tsk. "Can I join you guys?" Tiningnan ko siya, tumingin naman siya pabalik and she made eye contact with me. Nakita ko ang balak niyang gawin. I smirk. Balak niya lagyan ng drugs ang inumin namin, and then take all our money pag unconscious na kami. "Miss kung nanakawan mo lang kami pwede kana umalis." Lasing na silang lahat except samin ni Kairo. "Nanakawan? Pano mo nasabi yun Atsui?" Tanong ni Kairo sakin. "I'll explain later." Sabi ko saka tumingin ulit sa babaeng to. "Don't you like me?" I just cringe at her. She's beautiful okay but she's a f*****g hustler. "No, and if you don't leave us alone. Mapipilitan akong magtawag ng bouncer." Umalis naman siya ng padabog. "Ano yun?" "I can predict every person's move just by looking at their eyes. Eh nakipag eye to eye contact siya sakin kaya nalaman ko ang pakay niya." Yes I confidently said it to him kahit nasa bar kami. Tutal lasing na naman sila kaya di nila maaalala sinabi ko kahit narinig pa nila. "Wow, ang astig naman. Teka, ganito ba talaga ka clingy tong si Kyle pag lasing?" I just smirked at him and pinashot ulit. One on one kami ngayon dahil mahihina ang iba. "Straight ka diba?" Napakunot noo lang siya sa sinabi ko. Hays, may pagkaslow din pala to. "I said, lalaki ka diba? Babae talaga gusto mo?" "Oo naman. Bat mo natanong?" "Then you don't have to worry. Di ka mafafall jan kung straight ka." I said which made him look even more confuse. "Eh?" Napatawa nalang ako sa reaksyon niya saka umiling. Mga ilang oras pa hanggang sa naramdaman ko na ang pagkahilo kaya nag aya na akong umuwi. Kaso lasing silang lahat kaya pinakiusapan ko si manager kung pwede kami matulog sa isang vip room. Pumayag naman siya dahil nga tito ni Jaime and may ari ng bar nato. Isa isa ko silang nilipat sa vip room saka natulog na din. Di ako papasok bukas. Bahala na. -End of chapter 6-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD