Jairoh's P.O.V
"Jairoh san yung-- HOY!"
"Aray Mako, bat ka nambabatok ha?"
Ang sakit nung pagkabatok niya s**t. Feeling ko madedetach ang leeg ko sa katawan ko.
"Nangmamanyak kana naman jan sa babaeng yan."
"Hoy, hoy, hoy. Hindi ako nangmamanyak. More like I'm enjoying the view."
Katwiran ko sakanya. Eh talaga naman eh. Nag eenjoy ako sa view.
"Ikaw puro ka talaga kalokohan eh no. Wag mo nga gamitin yang abilidad mo sa kalibugan mo."
"Tsk, sabi ko, I'm enjoying and appreciating the view. Hindi ko siya minamanyak."
"Ahh talaga? Nakahilig sa veranda habang may padila dila at umiinom ng kape?"
Panira talaga to ng umaga kahit kailan eh.
"Alam mo Mako. Ano ba ang purpose ng ability ko kung di ko gagamitin diba?"
Sabi ko sakanya habang nakaakbay sakanya.
"Ewan ko sayo, maligo kana nga at may pasok pa tayo."
Sabi niya saka pumasok na sa kwarto niya. Nasa iisang condo lang kami ni Mako. Bestfriend kami at samin na siya naktira eversince naulila siya.
Saka akalain mo yun? Di talaga kami mapaghiwalay, kasi pasok kaming dalawa sa Unordinary section.
Oo may mga special abilities kami. Yung sakin is Photograpic Zooming. Bakit photographic zooming? Dahil yun sa pinagsamang Photographic memory at Zooming effect. Lahat ng nakikita ko naiinstall sa utak ko, kaya unless na I decide na kalimutan ang isang bagay, para siyang litrato sa utak ko. Malinaw na malinaw ko itong naaalala. Zooming effect naman is kaya kong makita kahit gaano ito kalayo. Katulad nung ginawa ko kanina, nakita ko yung babae sa tapat ng building ng condo namin na nagbibihis. Sobrang linaw mga pre.
Yung ability naman ni Mako is about chemicals. Di ko gets yun kaya siya na bahala mag explain sa inyo.
Papasok na sana ako sa banyo para maligo ng may napansin ako sa coffee table na violet na bulaklak.
Aba maganda tong flower nato ahh, pwede ko ibigay sa babaeng katabi ko sa school. Maganda pa naman yun.
Kukunin ko na sana ng biglang nagsalita si Mako.
"Kung ayaw mong mamatay wag mo hawakan yan."
"Grabe ka naman, parang sa bulaklak lang papatayin mo na bestfriend mo."
"Hindi lang yan basta bulaklak Jai. That's wolfsbane flower. It's poisonous, one smell of it and you can be poisoned."
Napatakip ako sa ilong ko dahil sa kaba.
"Eh kung poisonous yan bat andito yan ha? Saka san mo ba nakuha yan?"
May kinuha siyang parang maliit na glass jar, enough para maipasok ang wolfsbane flower kuno saka niya ko sinagot.
"I'm studying it and I saw this wolfsbane flower nung isang beses na nagpunta ako sa Chemical laboratory ng school."
"Bat sila maglalagay ng nakakalason na bulaklak sa laboratory?"
Tanong ko. Nagtataka lang ako bakit ba.
"Maybe to study it too?"
May point siya.
"Eh kung for study porpuses naman pala bat andyan yan sayo? Bat mo kinuha?"
Nagkibit balikat lang siya saka umalis dala dala ang bulaklak.
"Oh and bilisan mo na maligo, it's 8:25 and our class starts at 9 a.m"
Oh s**t nakalimutan ko. Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo.
Mako's P.O.V
I lied when I told him na nakita ko ang wolfsbane sa lab. Actually, nakita ko to kahapon sa loob ng unordinary classroom. Nakita ko to sa isang upuan ng kaklase namin. Kaya kinuha ko, I think someone is trying to poison one of our classmates.
Pero ano paman kinuha ko padin para pag aralan. I can create something using wolfsbane na alam kong makakatulong sakin in the future.
My ability is Chemical Identification. In just one look malalaman ko kung anong chemical ang nasa isang bagay.
-a few minutes later-
"Mako, tara na."
Tumango lang ako saka pumunta na sa kotse niya. Sa aming dalawa si Jairoh ang may kotse dahil mayaman sila. Parang kapatid na tingin niya sakin at di na ako bago sa fam niya kaya kinopkop nila ako. Mag isa lang din naman ako sa buhay.
Namatay ang buong pamilya ko sa parehong sakit. Ironic nga eh, alam ko lahat ng poisonous chemicals pero di ko malaman kung anong klaseng chemical ang pumatay sa pamilya ko.
Nagdadrive na si Jairoh papunta sa school and as usual dumaan kami sa shortcut para iwas traffic. Sa pagdaan namin dun may napansin kami ni Jairoh na kaguluhan. Tatlong lalaki ata yun. They're so aggressive, it's not normal. Halos magpatayan na sila.
"Teka, si Princess ba yun?"
Dahil sa sinabi ni Jairoh napatingin naman ako ulit sa gawi nila. And there I saw, Princess Anne Schrade.
The Schrade's one and only heir. She's spoiled, vicious, manipulative. Name it, nasakanya lahat. But despite of her bad attitudes she has a soft spot for children.
"Mukhang, pinag aaway niya yung tatlong lalaki Mak, tara pigilan natin bago pa mamatay yung tatlo."
Pagkasabi nun ni Jairoh bumaba na kaming dalawa para pigilan si Princess sa ginagawa niya.
"Princess!"
Princess's P.O.V
"Princess!"
Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Mako pala.
"Yes Mako?"
I said with my sweet voice sabay ngiti ng pagkatamis tamis.
"Patigilin mo na sila. Duguan na yang mga yan oh."
Napatingin ako sa tatlo, true, duguan na nga sila. Well, it serves them right. Maling babae ang binastos nila.
"Few more minutes Mako. Nag eenjoy pako."
I said to Mako. He glared at me, kaya napabuntong hininga ako.
"Fine. Okay boys, stop."
Agad naman silang tumigil sa pagpapatayan nila.
"Hear my voice and follow my command. If you decline, you will face death."
Pagkanta ko sa kantang yun ay bigla silang napalingon sakin ng may nanlilisik na mata. It's normal, ganyan ang epekto ng ability ko. They tend to be very aggressive when I sing that song. And when they hear it, they are under my control.
"Forget everything you did and go to the hospital."
Pagkatapos ko sabihin yun ay nagtatakbo silang umalis.
"You're evil"
"I know, and I love it"
I smirk after going to my car papuntang school.
It's a good thing na di ako nag iisa sa pagiging special. Kahit gaano ko kagusto ang ginagawa ko, it gets boring when you can't brag it to someone who'll believe you.
Hey, I'm Princess Anne Schrade. I can't keep things to myself, especially if it's something I can brag with.
Everything I do is phenomenal and unforgettable. So if you're ordinary, don't get in my way.
-end of chapter 5-