Mavie's P.O.V
*Ay,Ay,Ay, I'm your little butterfly
Pinatay ko na ang alarm clock ko and nagready na para sa pagpasok sa school. Nag alarm ako ng 8am dahil 9 am pa magsisimula ang klase ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko at napatingin ako sa dining table namin. Tapos na pala sila mag agahan lahat, nakaalis nadin sila. Si mommy at daddy sa work, si Marie naman 8am ang pasok. Medyo nalungkot naman ako. Pero bukas maaga ako gigising para makasabay ako sakanila.
Ginawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin. Naligo ako at nagprepare na para sa school.
Sinuot ko na ang uniform ko saka kumain na ng agahan. Aalis na sana ako ng may nakalimutan pala ako.
Yung school pin ko, di pwedeng makalimutan yun, kasama sa rules na kailangan suot mo lagi ang pin mo. Ayaw ko masuspend no.
Pagdating ko sa school dumeretso nako sa room namin. Pagpasok ko sa room. Konti palang kami, well konti lang naman talaga kami pero ibig ko sabihin nasa mga lima palang kami dito. Including Yohann and Kathleen.
Tiningnan ako ni Kathleen kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tinaasan niya rin ako ng kilay saka lumapit samin ni Yohann.
"Yohann, sabay tayong maglunch mamaya."
Napataas naman ang dalawang kilay ko. b***h na nga malandi pa. Aba 2 in 1 ahh.
"Sige, sama natin si Mavie."
Nginisian ko naman si Kathleen. For sure inis inis nayan.
Magsasalita pa sana siya ng lapitan kami ng dalawang kaklase namin. Isang babae at isang lalaki.
"Hi, I'm Roxette Mayers. My special ability is Healing. Kaya ko gamutin sarili ko at ang mga taong may sagot."
Napakunot noo ko sa ability niya.
"Anong special dun? Eh lahat ata ng tao kaya manggamot at gamutin ang sarili eh."
Sabi ko sakanya. Tumawa lang siya sakin saka nag explain.
"Oo, lahat ng tao kaya yun but iba ako. Watch."
Pumunta siya sa upuan niya and kumuha ng cutter. Teka ano gagawin niya sa cutter?
"Gagawin mo jan?"
Tanong ko.
"Just watch."
Gamit ang cutter, sinugatan niya ang sarili niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Baliw ba tong babaeng to?!
Pero ilang segundo lang ay unti unting naghihilom ang sugat niya.
EEEH!
Ang galing nun ahh!
"See? Mabilis ako makapaghilom ng sugat. Nagagamot ko din yung mga taong may sugat pero inaabot ng isang oras bago gumaling."
"Ang galing naman."
Sabi ko, napatingin naman ako sa lalaking nakaheadphones na katabi ni Roxette.
"And you are?"
Ako sana magtatanong nun kaso naunahan ako ni Kath. Pati yung pagtanong may halong pagtataray eh.
Tiningnan niya si Kath bago sumagot.
"I'm France Montemayor. My special ability is Advance hearing. And I'm wearing this headphones to block sounds kahit konti. Naririnig ko lahat, even the sound of the aircon from that room."
Tinuro niya yung room na mga 10 meters away galing samin.
As in naririnig niya yun? Ang galing naman nun.
Habang nag aadmire ako sa ability ni France, may pumasok sa isip ko na ikinapula ng mukha ko.
"A-ayos ka lang Mav?"
Tanong ni Roxette sakin.
"A-ahh oo ayos lang hehe."
"Sure ka?"
Tanong naman ni France.
Naiisip ko kasi na pano kung nasa hotel sila at may naghohoneymoon sa kabilang room, edi rinig na rinig niya yun.
Napatingin kami kay Yohann ng bigla itong tumawa.
"Sorry. By the way, I'm Yohann Tokoshi. My special ability is Telekenesis. Kaya kong kontrolin lahat ng bagay dito sa loob. For example."
Tiningnan ako ni Yohann at biglang unti unti tumayo lahat ng buhok ko sa ulo. Bat sa lahat ng bagay buhok ko pa napagtripan neto.
"Tama na. Buhok ko talaga Yohann eh no?"
Tumawa lang siya saka nilubayan ang buhok ko.
"Also, I can read minds. Napatawa ako kanina dahil iniisip ni Mavie kung naririnig mo bang mag s*x ang kabilang room pag nagchechek in kayo sa hotel."
Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin ni Yohann yun kaya hinampas ko siya, pero light lang.
"Aray!"
"Grabe makareact to, ang hina lang nun eh."
Sabi ko kay Yohann. Over acting kasi.
"Actually, oo naririnig ko sila. Nakakahiya nga eh kasi ayaw ko mag eavesdrop pero no choice ako haha."
Sabi ni France samin. Nagtawanan naman kami saka nagsalita si Kathleen.
"I'm Kathleen Sanchez. My ability is Electricity Manipulation. Kaya kong imanipulate lahat ng kuryente dito."
Pinakakita niya samin ang kakayahan niya. Nagpatay sindi ang ilaw at bumukas ang aircon ket hindi ito binuksan.
"Also, I can create my own Electricity specially when I'm angry or nasobrahan sa emotion."
Binuksan naman niya ang palad niya saka may maliliit na spark na lumalabas sa mga daliri niya.
Ang cool ng ability niya ahh at kontroladong kontrolado niya talaga.
"Ikaw Mavie. Magpakilala ka samin."
"Ahh hehe. Ako pala si Mavie Del Fuego. Sabi ni ma'am kahapon na Agility ang ability ko. Ibig sabihin mabilis gumalaw."
Yun lang sinabi ko.
"So? Ipakita mo samin bilis."
Ngumisi lang ako saka sumagot.
"Di ko alam paano eh hehe."
Saka napakamot ulo.
"WHAT?!"
Sabay sabay nilang sigaw except kay France.
"Easy on the volume people geez. I have sensitive ears."
Sabi ni France. Nagsorry naman sila.
"Oo di ko alam pano ilabas yung ability ko. I think lumalabas yun kapag nasa panganib or nagugulat ako or nag aadrenaline rush."
"Hmm, tutulungan kita para mailabas mo at makontrol mo yang ability mo."
Napakislap naman ang mga mata ko sa sinabi ni Yohann.
"Talaga? Yiiieee thank you."
"Kami din ni Roxette tutulungan ka namin."
Sabi ni France. Mukhang close sila ahh.
"Teka, magjowa ba kayong dalawa?"
Tanong ko kay France, namula naman siya saka umiling.
"Haha, no silly. We're childhood bestfriends."
Sabi ni Roxette. Hmm, okay.
"Anyways, Yohann sabay tayo maglunch mamaya ahh."
Napapoker face nalang ako sa sinabi ni Kathleen. Normal bang babae ang unang dumamoves?
"Sure, gusto niyo sumabay samin France and Roxette?"
"Yes!"
"Ugh, Roxette. Sensitive ears here."
"Oh, right. Sorry. Hehe"
Napangiti naman ako dun saka tumingin kay Kathleen. Tiningnan niya lang ako na parang sinasabing 'Ano?' kaya umiling lang ako.
Ilang minuto lang ay nagsidatingan na silang lahat. At pumasok nadin yung teacher namin for today.
-End of chapter 4-