Kabanata 1

2030 Words
One roof Napahalukipkip ako habang nakatingin sa nag-aalburoto na si Levi sa harapan ng pamilya niya. I'm sitting on a single sofa here in their living room. Habang sila Mrs. and Mr. Saavedra ay nasa isang mahabang sofa. Prenteng nakaupo ang ginang habang kung minsan ay nainom pa ng tea. While Mr. Saavedra was just listening to his son. Si Levi naman ay nakatayo habang masama ang tingin sa akin. "Son, we can't let her stay in the hotel. We already talked about this with her family in Cebu. Tayo muna ang makakasama niya rito sa Manila," mahinahon na sinabi ni Mrs. Saavedra sa anak niya. "Let her stay in dormitory, then! Huwag dito!" "Levi, the Astraea family is good to us. In return, we have to take care of her while she's here in Manila." Levi just rolled his eyes. Ramdam na ramdam ko na sasabog siya sa sobrang galit at inis. Hindi siya mapirmi sa kinatatayuan niya. "Mom, she's crazy!" He blurted out. I pursed my lips while Mrs. Saavedra just chuckled and drank her tea again. Nang matapos ay mabini niyang nilagay ulit ang tasa sa maliit na lamesa sa harapan namin. Si Levi naman ay sobrang disappointed sa naging reaksyon ng Mommy niya. I smiled when I saw him roll his eyes again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umikot ang mga mata niya sa inis. "Did you know what she did to me at school today?" patuloy pa niya habang nakatingin sa mga magulang niya. When his parents didn't say anything. Padabog siyang umupo sa single sofa sa harapan ko at pinagkrus ang kanyang mga bisig. He then stared at me with so much anger in his eyes. "She hugged me as if I knew her! Hindi ko siya kilala! Then she take Arthur's seat para makatabi ako sa classroom! She wants to be friends with me when I don't even know her!" "Then, be friends with her," Mr. Saavedra simply said as he crossed his legs. Nalukot ang mukha ni Levi sa harapan ko. "What?" "Astraea is a good girl, son. She's smart and pretty too. Just get along with her." "She's creepy and you want me to be friends with her? For what?" "About doon sa pagyakap ko sa'yo..." biglang singit ko. "Sorry." Tumingin siya sa gawi ko at blanko akong tiningnan sa mga mata. His eye is cold as ice. Ang hirap din niyang basahin. Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ako. "I'm really sorry for that, Levi. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko nang makita kita kanina." "Sinong tao ang yayakap sa hindi mo naman kilala? Unless you're crazy." "Levi!" suway ng ama niya sa kanya. Napanguso ako. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang totoo kaya ko siya niyakap kanina ay sasabihin ko eh, kaso ayoko namang maging mabait siya sa akin dahil sa Kuya ko. I want to be friends with him because of my brother. He died in a car accident two years ago. Kuya ko rin ang heart donor ng puso ni Levi nang mamatay ito. That's why I want to be friends with him because he has my brother's heart. Kung tutuusin mapapadali lang para sa akin na kaibiganin siya kung malaman niya na ang Kuya ko ang dahilan bakit siya buhay ngayon kaso ayaw ko. I want to be friends with him sa paraan na gusto ko. Hindi sa ganoon. "Be thankful to her, son," ani ng Ina niya. "Be thankful for what? For embarrassing me in our class?" "Levi—" "Mom, you know how much I wanted to have a normal life. Ngayon na makakaya ko ng gawin 'yon, biglang susulpot 'yang babae na 'yan! People are teasing us! Nakakainis!" Nakagat ko ang labi. I know kasalanan ko naman talaga bakit siya ganito sa akin. Naging OA lang talaga ako nang makita ko siya. I remembered my late brother, that's why I acted like that. I shouldn't do that. Hindi naman talaga dapat. Normal lang na magalit siya kasi totoong inaasar kami ng kaklase namin. Pakiramdam ko tuloy mukha akong desperado sa kanya. "You kinda look like my brother…" mahina na sinabi ko. Napahinto siya. Ang mga magulang naman niya'y natahimik lang. Tumingin siya ulit sa akin na nakakunot ang noo. "What?" "You kinda look like my brother," ulit ko sabay taas ng tingin sa kanya. Hindi naman talaga sila magkamukha ni Kuya. I just remembered my brother in him. Dahil siguro si Kuya ang naging heart donor niya. It sounds nonsense but for me it's not. Ito lang ang paraan ko para kahit papaano ay malapit pa rin ako sa Kuya ko kahit na alam kong patay na siya. Kaya gusto kong maging kaibigan siya. Para kahit papaano ay masabi ko na nandito pa rin sa tabi ko ang Kuya ko. This may sound insane but that is true. Kaya nga ako nag-aral dito sa Manila. To know him. To get closer to him. Kasi feeling ko kung ganoon ang mangyari, parang kasama ko na rin ang Kuya ko. My brother and I grew up together. We're very close. He knows me better than I am. He loves me so much. Kaya nang mamatay siya sa aksidente ay hindi ko agad natanggap. For me, that day was like a nightmare. Especially when I saw him lying down. Maputla ang mukha at hindi na humihinga. His face softened. Nakakita ako ng pag-asa nang makita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Nakagat ko ang labi sabay tingin sa magulang niya. Parehas lang tahimik ang dalawang matanda habang nakamasid sa amin. I took a deep sigh and looked at Levi again. "I'm sorry for doing that without your consent. Alam ko naman na mali ako. Hindi ko naman talaga dapat ginawa 'yon. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko." "Hindi mo naman kasi talaga dapat ginawa 'yon." Napayuko ako. I get it that I was wrong. Pero syempre hindi pa rin ako titigil na maging kaibigan niya. "Alam ko naman kaya nga nagso-sorry na ako sa'yo ngayon. But I really want to be friends with you." He stared at me for a second before he chuckled. Sa ginawa niya parang nabawasan ulit ng persento na maging magkaibigan kami. "After what you did today?" tumayo siya sabay iling. Napanguso ako sabay irap sa kanya. I saw his lips rose before he walk out. Hindi ko tuloy mapigilan na umikot ulit ang mga mata dahil sa inis. Nag-sorry na nga ako tapos ang sungit pa rin niya? Tsk! "Hija, pagpasensyahan mo na si Levi." Napalingon ako kay Mrs. Saavedra. Ngumiti lang ako pagkuwan sabay iling. "Okay lang po. Kasalanan ko naman po talaga bakit siya galit sa akin." "I can't blame you though. I know you badly missed your brother. But I couldn't blame my son either. Simula nang maging maayos ang kalagayan niya pagkatapos ng operasyon ay isa lang ang gusto niya. His life before was never easy. He was homeschooled because of his heart condition. Ngayon na maayos na siya, gusto niyang maging normal ang buhay niya. He's very a delicate person, Astraea, kaya gusto niya lahat maayos lalo na ngayon na okay na siya." Now I feel so guilty. Feeling ko tuloy nasira ko na ang gusto niyang normal na buhay dahil sa ginawa ko sa school. Kahit naman siguro ako magagalit kung may isang tao na lalapit sa'yo. Not to mention na halos alam ng buong classroom namin ang ginawa ko ngayong araw. Nakakahiya nga naman talaga 'yon. I bit my lips. "I'm really sorry, Tita," hingi ko ulit ng pasensya. "Levi is such a quiet person. He wants everything in his life to move according to his plan. Lalo nang maging maayos ang heart transplant niya. He planned everything. Ayaw niya ng maingay. Ayaw niya ng magulo. Ayaw ng maraming umaaligid sa kanya. So, as much as possible, Astraea, you'll give him some time and space." si Mr. Saavedra na tumingin sa akin. Nakagat ko ang labi. "Alam ko na gusto mo siyang maging kaibigan. I think it's a good idea too, especially that he doesn't have any friends. Ngayon lang siya nakapag-aral na may kaklase siya. Kaya siguro ganoon na lang ang naging reaksyon niya. Hindi pa siya sanay sa mga ganitong bagay." "Pasensya na po talaga, Tito. Promise po hindi na mauulit ang nangyari ngayong araw." Now I really get it. All of his life he was alone. Wala siyang kaibigan. Nasa loob lang siya ng bahay dahil sa sakit niya sa puso. Wala siyang ibang kasama kundi ang pamilya niya at ang mga kasambahay nila sa bahay. "Don't worry, Astraea. Just give him some time to get to know you. For sure magiging kaibigan mo rin siya." "Yes po, Tita. Mag-iingat na po ako ngayon. Simula ngayon, ako na po ang bahala kay Levi sa school." I guess, it will really take some time para maging kaibigan siya. Hindi naman problema 'yon sa akin. Saka nandito na ako sa Manila. Dito na rin ako magtatapos ng senior high kaya siguro kailangan ko lang talaga ng tiyaga. Natapos ang gabi na 'yon na hindi man lang ako kinausap ni Levi. Kahit pagtingin sa akin ay hindi niya ginawa. Natapos kami kumain at agad naman akong umakyat sa kwarto ko. Katabi ko lang ang kwarto ni Levi. I took a quick shower. Pagkatapos ay humiga na sa kama na suot ang terno kong pink na pantulog. I immediately hugged my fox teddy bear and took a deep sighed. "I miss you, Kuya," I mumble those words while staring at my ceiling and caressing my teddy bear. He gave it to me when I turned fifteen. Months later, namatay na siya. Before I knew it, tumulo na pala ang luha ko. I immediately wiped it and sighed again. "You're gonna be fine, Astraea." I fall asleep hugging my teddy bear. Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Umaga pa lang ay nag-ayos na ako para pumasok. Naligo lang ako at agad ding sinuot ang uniform ko. I put my hair into a ponytail and fixed my bangs. Nang makita sa salamin na maayos na ang hitsura ko'y lumabas na ako sa kwarto. Natagpuan ko si Levi na kasama ang magulang niya sa dining table. "Kumain ka na. Tapos sabay na kayo ni Levi na pumasok," ani Tita. Nakangiti ako na tumango sabay tingin kay Levi. Hindi natinag sa upuan niya at tahimik lang na kumakain. I ate my breakfast first. Nauna na ring umalis ang mag-asawang Saavedra. I grabbed my bag and when I saw Levi went outside, I immediately followed him. Nakita ko siyang inaayos ang bike niya. I smile. Sinukbit ko ang bag at agad na lumapit sa kanya. "Aalis ka na?" tanong ko. Tinanggal niya ang lock ng bike at hindi man lang ako pinansin. Napanguso ako habang nakatingin sa kanya na sumakay na sa bike niya. Agad naman akong kumilos para maka-angkas sana sa likod nang tumingin sa akin. Napahinto ako. "Anong ginagawa mo?" walang emosyon na tanong niya. Ngumuso ako. "Sabi ni Tita sabay na tayo pumasok." "Pagkatapos ng ginawa mo kahapon sa tingin mo hahayaan kitang malaman ng mga tao sa school na sa iisang bahay tao nakatira?" His expression is blank. He's very unreadable. Napahalukipkip ako sa sinabi niya. "I don't want anyone to know that we're living together. I don't want you near me. And especially, mas ayokong ginugulo ako lalo kung nag-aaral ako." Napanguso ako lalo. Paano parang doon pa lang binigyan na niya ng tuldok na hindi kami pwedeng maging kaibigan. "Gusto ko lang namang maging kaibigan ka," bulong ko na may sama ng loob. I heard him chuckle. No. More like mocking. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nakita na nakangisi siya pero malamig pa rin ang ekspresyon niya. "I don't want to be your friend," malamig na sinabi. Napairap ako sa kanya. "Sumakay ka na lang taxi. Nakarating ka sa bahay gabi ng mag-isa kaya pumasok ka rin ng mag-isa." Umirap ako ulit sa kanya. Umalis naman siya at nakaramdam ako ng inis sa kanya. "Nakapasungit!" May araw ka rin sa akin, Levi! Mahaba pa ang taon na magkakasama tayo! Humanda ka sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD