đ» ANG DALAGA SA DALAMPASIGAN
Naglalakad ang magandang dalaga sa gilid ng kalsada sa bayan ng San Juan. Tahimik ang paligid. Ang mga ilaw poste ay kumikislap na parang may sariling buhay.
Sa tuwing may sasakyang dadaan, kusang tumatagos ito sa kanya. Hindi siya nasasaktan... pero may kakaibang kirot sa tuwing mangyayari iyon. Isang paalala na hindi na siya kabilang sa mundo ng mga buhay.
Huminto siya sa harap ng isang salamin sa tindahan na nagsasara sa oras na ito.Napaatras siya nang makitang wala siyang repleksyon.
âHindi nga ako tao...â mahina niyang bulong.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot, at lungkot.
Hanggang sa isang malakas na hangin ang biglang umihip. Kasabay noon ay isang piraso ng alaala ang sumiksik sa kanyang isipan.
Mga kamay na sumasakal sa kanya, kasunod nito ay may isang puting van.. at mga lalaking naka-itim. Ang kanilang mga kamay ay siyang dahilan kung bakit hindi siya makahinga..
Habang nasa gitna ng kaguluhan, at katakot takot na eksina na gusto niyang makawala, bigla namang nagpreno ang sinasakyang van.
Kasunod no'n. ay malakas na sigawan.
BOOGGSS!!
Sumakit ang ulo niya kahit wala naman siyang pisikal na katawan. Napa upo siya sa gitna ng kalsada, parang batang humihikbi na tila iniwan ng kanyang Ina.
âSheryl...â
Napatingin siya sa paligid.
May tumawag ba?
âSheryl Mae...â
Mas malinaw na ngayon.
Sheryl. Iyon ba ang pangalan niya? Doon nagsimulang tumibok ang isang bagay sa kanyang dibdib... na kahit wala siya sa kanyang katawan.
Samantala...
Sa kabilang bahagi ng bayan, isang itim na SUV ang huminto sa tapat ng isang beach resort. Bumaba ang isang matangkad na lalaki na may makinis na balat at matangos na ilong. Suot niya ang simpleng puting polo at maong, ngunit hindi maitago ang natural na tindig ng isang lalaking lumaki sa marangyang buhay.
Si Alfred Miguel Constanante... 25 taong gulang.
Katatapos lamang niya sa kursong Economics sa Amerika at ngayon ay pansamantalang nagbabakasyon sa San Juan bago tuluyang bumalik sa Davao upang tumulong sa negosyo ng pamilya.
âBakasyon lang âto, iho. Huwag mo akong dalhan ng problema rito.â paalala ng kanyang Tito Raul habang inaayos ang mga bagahe. â
Ngumiti si Alfred. â I promise Tito... pahinga lang. Walang gulo.â
Kilala ni Raul si Alfred bilang isa sa mga apo, sa kanyang mga pamangkin. Bata pa lang ay parati na inuuwi ng mga magulang sa Pilipinas si Alfred, tuwing Christmas season, dahil hindi ito nakapag asawa ay minabuti niyang mag alaga nalang ng mga apo sa pamangkin.
Ngayong nasa legal age na si Alfred, hindi niya alam na ang bakasyong iyon ay siyang magpapa bago sa lahat
Kinagabihan, naglakad siya mag-isa sa dalampasigan. Tahimik ang alon. Maliwanag ang buwan. Ang mga paa niya ay unti-unting binabasa ng malamig na tubig dagat.
Kalaunan ay biglang nagvibrate ang kanyang cellphone.
Sa kanyang pagsagot ay agad bumungad sa kanyang screen ang isang hubad na katawan. Biglang napalunok si Alfred sa kanyang nakita. Hindi nya inaasahan na ganito ka baliw ang kanyang nobya na nasa amerika.
"Oh babe.. I missed you so much..!" paglalambing nito.
Napangiti si Alfred. "I missed you too.."
Ang babae ay nagpapakita ng kanyang motibo ng pagnanasa na nais makasama si Alfred sa oras na ito. Niyaya siya nito na samahan siya sa kanyang kama o ang tinatatawag na phone-s*x dahil eka nga LDR sila.
Habang kausap ni Alfred ang babae ay biglang may bumato sa kanya at natamaan siya sa likod, malapit sa braso.
"Awtss!!"
Pinutol niya ang tawag at agad lumingon sa kanyang likod.
Ngunit sa kanyang paglingon ay wala siyang ibang nakikitang tao. Maliban sa kanyang Tito Raul na nasa unahan, nakayuko ito sa likod ng sasakyan dahil naghahakot ito ng kanyang pinamalingke kanina para lutuin sa kusina.
"Someone there?!"
Walang sumagot.
Sa di kalayuan, may nakikita siyang babae na nakatayo sa gitna ng dalampasigan. Nakaputi. Mahaba ang buhok. Nakatingin sa dagat na para bang may hinihintay.
Napakunot ang noo niya. May ganitong oras pa bang naglalakad dito?
Lumapit siya sa babae.
Habang papalapit, napansin niya ang buhangin sa kanyang likuran na walang mga yapak ng paa. Ngunit ang babaeng ito ay nakatayo sa buhangin.
Kinilabutan siya... pero hindi siya umatras.
âMiss... you are all alone here, okay ka lang?â tanong niya.
Marahang napalingon ang babae.
Pero ang kasunod ay nanlaki ang mata ng dalaga, dahil sa gulat nang makita si Alfred. At sa unang pagkakataon sa loob ng isang buwan. May taong nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.
âAko ba... kinakausap mo?â nanginginig na boses ng dalaga.
Napakunot ang noo ni Alfred. âOo... sino pa ba?â
Napaatras si Sheryl.
"Sigurado ka ba? You mean nakikita mo talaga ako?!" tanong ni Sheryl na naninigurado.
Alam niya na hindi siya nakikita ng iba. Sapagkat ilang araw na siyang dumaraan sa gitna ng mataong lugar, na parang hangin lamang. Pero ang lalaking ito... nakatingin sa kanya at kinakausap pa siya?
"Of course! I am not blind" seryosong sagot ni Alfred.
Napakunot noo pa siya dahil biglang kumirot ang tama kanina sa likod niya. May hinala siya na ang babaeng ito marahil ang nambato sa kanya kanina.
Hindi sa hangin. Hindi sa kawalan. Kundi siya lamang ang maaaring gumawa noon dahil wala namang ibang tao sa resort.
âWhats your name ho ba? Tsaka anong ginagawa ninyo rito?" tanong ni Alfred.
Napahawak si Sheryl sa dibdib niya.
"Pangalan. Ahmm Sheryl..."
âSheryl...â mahinang boses niya na pangalawang ulit niya nang sinabi.
âSheryl, ah. ano kasi..." Napapikit siya si Alfred.
Nagdadalawang isip dahil nahihiya siya, naisip niya bigla na madalas lang siya nauwi dito sa pilipinas pero ganoon siya sa mga tao, o takot lang na baka makarating pa ito sa kanyang Lola.
"Ano iyon?" tanong ni Sheryl.
"Ah. Yes. I'm asking you, What are you doing here?"
âHindi ko alam...â bulong ni Sheryl.
Mas lalong naguluhan si Alfred. "Sandali... bakit parang...â
Napatingin si Alfred sa paa ng dalaga, dahilan para mahinto siya sa pagsasalita. Nakomperma niya na wala ngang bakas sa buhangin. Dito na unti-unti siyang napaatras si Alfred. Alam niyang hindi siya lasing. At mas lalong hindi rin siya nananaginip.
âM-miss... bakit wala kang footprint?â
Napatingin si Sheryl sa paa niya. Doon lang niya napansin.
Wala nga.
Napatingin siya kay Alfred.
âHindi ako tao...â nangingilid ang luha niyang sabi.
At ngayon lang nagising ang tunay na takot sa pagkatao ni Alfred. Kahit na mahilig siyang manood ng horror movie gaya sa pelikulang "the nun".
Ngunit kasabay ng takot... may kakaibang awa. Dahil hindi isang halimaw ang nakikita ni Alfred. Hindi siya nakakatakot, oo, mukha lang siyang pagod na babae na naliligaw.
âAno ka?â maingat na tanong ni Alfred.
âHindi ko alam... pero alam mo ang sagot diyan.â sagot ni Sheryl.
Isa.. dalawa .. tatlo... Sa halip na tumakbo, huminga nang malalim si Alfred. Tila sa loob ng isang sigundo ay natahimik ang dalampasigan. Tanging alon lamang ang maririnig,
Ngunit may sinasabi ng kabilang isipan ni Alfred. "TAKBO NA.AAAAA!!!!"