bc

LOVE ME BEFORE I DISAPPEAR

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
dark
family
HE
age gap
fated
opposites attract
second chance
friends to lovers
arranged marriage
playboy
badboy
kickass heroine
stepfather
single mother
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
kicking
bold
campus
city
mythology
office/work place
small town
high-tech world
childhood crush
enimies to lovers
lies
secrets
rebirth/reborn
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Alfred Miguel Constanante, ang Filipino-American na fresh graduate ng Economics sa states, ay umuwi ng Pilipinas para tumulong sa pagaalaga ng family business sa probinsya. Pero dito muling nabuksan ang kanyang "third eye" nang makilala ang babaeng hindi nakikita ng iba, isang misteryosang dalaga na tanging siya lang ang nakakarinig ng boses nito. Sa di malamang dahilan, nahulog na ang loob niya sa dalaga, at sa gitna nang pag aalinlangan binago ng tadhana ang kasalukuyan para ibalik muli ang buhay ng dalaga. Ngunit paano na lamang kung sa kanyang muling-pagkabuhay ay hindi na siya nito maaalala?

chap-preview
Free preview
đŸ‘» ANG DALAGA SA DALAMPASIGAN
Naglalakad ang magandang dalaga sa gilid ng kalsada sa bayan ng San Juan. Tahimik ang paligid. ang mga ilaw poste ay kumikislap na parang may sariling buhay ang lenya. Sa bawat sasakyang dumadaan, kusang tumatagos ang katawan niya. Hindi siya nasasaktan, invisible, pero may kakaibang kirot sa kanya, tuwing mangyayari iyon. Isang paalala na hindi na siya kabilang sa mundong ito, pero nandito siya, naglalakbay sa mundo ng mga buhay. Huminto siya sa harap ng isang malaking salamin sa tindahan na nakasara sa oras na ito. Ngunit, napaatras siya bigla, nagulat sa sarili, nang makitang wala siyang repleksyon. Paano niya malalaman ang itsura niya? “Hindi nga ako tao...” mahina niyang bulong. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot, at lungkot. Hanggang sa isang malakas na hangin ang biglang umihip. Kasabay noon ay isang piraso ng alaala ang sumiksik sa kanyang isipan. -------------------------- Mga kamay na sumasakal sa kanya, kasunod nito ay may isang puting van.. at mga lalaking naka-itim. Ang kanilang mga kamay ay siyang dahilan kung bakit hindi siya makahinga.. Habang nasa gitna ng kaguluhan, at katakot takot na eksina na gusto niyang makawala, bigla namang nagpreno ang sinasakyang van. Kasunod no'n. ay malakas na sigawan. BOOGGSS!! Sumakit ang ulo niya, tandang tanda niya kung paano siya gumulong at nabagok ang ulo sa di nakikitang matigas na bagay sa loob ng sasakyan. Dahil ang kanyang paningin ay parang nasa ilalim siya, ng maninipis na lambat. -------------------- Napa upo siya sa gitna ng kalsada, parang batang humihikbi na tila iniwan ng kanyang Ina. “Sheryl...” Napatigil siya, at napatingin sa paligid. May tumawag ba? “Sheryl Mae...” Mas malinaw na ngayon ang boses. Sheryl Mae. Iyon ba ang pangalan niya? Doon nagsimulang gumulo ang isang bagay sa kanyang isip.. na kahit wala siya sa kanyang katawan, ay positibo pa din siyang makahanap ng hustisya, at paraan. Upang sa gayon ay manahimik na ang may tunay na sala... Samantala... Sa kabilang bahagi ng bayan, isang itim na SUV ang huminto sa tapat ng isang beach resort. Bumaba ang isang matangkad na lalaki na may makinis na balat at matangos na ilong. Suot niya ang simpleng puting polo at maong, ngunit hindi maitago ang natural na tindig ng isang lalaking lumaki sa marangyang buhay. Si Alfred Miguel Constanante... 25 taong gulang. Katatapos lamang niya sa kursong Economics sa Amerika at ngayon ay pansamantalang nagbabakasyon sa San Juan bago tuluyang bumalik sa Davao upang tumulong sa negosyo ng pamilya. “Bakasyon lang ‘to, iho. Huwag mo akong dalhan ng problema rito.” paalala ng kanyang Tito Raul habang inaayos ang mga bagahe. “ Ngumiti si Alfred. “ I promise Tito... pahinga lang. Walang gulo.” Kilala ni Raul si Alfred since bata pa ito, isa sa kanyang mga pamangkin. Bata pa lang ay parati na inuuwi ng mga magulang sa Pilipinas si Alfred, tuwing Christmas season. Dahil hindi nakapag asawa si Raul ay minabuti niyang mag alaga nalang ng mga pamangkin at tumulong sa negosyo ng kanyang mga magulang. Na kung kaya sa mansyon ay para siyang prinsepe na walang korona. Kinagabihan, naglakad-lakad si Alfred ng mag-isa sa dalampasigan. Maliwanag ang buwan, sa kabila nang ingay ng alon. Ang mga paa niya ay unti-unting binabasa ng malamig na tubig dagat. Kalaunan ay biglang nagvibrate ang kanyang cellphone. Sa kanyang pagpindot, ay agad bumungad sa screen ang isang hubad, at seksing katawan ng isang magandang dilag. Biglang napalunok si Alfred sa kanyang nakita. Hindi nya inaasahan na ganito ka baliw ang kanyang nobya na nasa amerika. "Oh babe.. I missed you so much..!" paglalambing nito. Napangiti si Alfred. "I missed you too.." Ang babae ay nagpapakita ng kanyang motibo ng pagnanasa na nais makasama si Alfred sa oras na ito. Niyaya siya nito na samahan siya sa kanyang kama o ang tinatatawag na phone-s*x dahil eka nga LDR sila. "Babe, come on.." pahiwatig ng dalaga. "Sure..." "Awtss!!" hiyaw ni Alfred at natigilan siya sa kausap. Pinutol niya ang tawag at agad lumingon sa kanyang likod. Parang may sadyang bumato sa kanya mula sa likod. Ngunit sa kanyang paglingon ay wala siyang ibang nakikitang tao. Maliban sa kanyang Tito Raul na nasa unahan, nakayuko ito sa likod ng sasakyan dahil nag aayos pa ito ng gamit. "Someone there?!" Walang sumagot. Hanggang sa di kalayuan, may naaninag siyang babae na nakatayo sa dulo ng dalampasigan na iyon. Kulay puti ang damit, mahaba ang buhok, at nakatingin sa dagat na para bang may hinihintay. Napakunot ang noo niya, sabay tanong sa sarili. May tao pa dito sa ganitong oras? Saka lumapit siya sa babae. Habang papalapit, napansin niya ang buhangin sa kanyang likuran na walang mga yapak ng mga paa. Ngunit ang babaeng ito ay nakatayo sa buhangin. Kinilabutan siya... pero hindi siya umatras. “Miss... you are all alone here, okay ka lang?” tanong niya. Marahang napalingon ang dalaga, pero ang kasunod ay nanlaki ang mga mata nito, dahil sa gulat, na parang naging "wrong turn" ang dating, nang makita niya si Alfred. Dahil loob ng ilang buwan, ngayon lang naka experiences ang dalaga ng totoong horror scene. Dahil siya lang ang kauna-unahang taong nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga. “Ako ba... kinakausap mo?” nanginginig na boses ng dalaga. Napakunot ang noo ni Alfred. “Oo... sino pa ba?” Napaatras si Sheryl. "Sigurado ka ba? You mean nakikita mo talaga ako?!" tanong ni Sheryl na naninigurado. Alam niya na hindi siya nakikita ng iba. Sapagkat ilang araw na siyang dumaraan sa gitna ng mataong lugar, na parang hangin lamang. Pero ang lalaking ito... nakatingin sa kanya at kinakausap pa siya? "Of course! I am not blind" seryosong sagot ni Alfred. Napakunot noo pa siya dahil biglang kumirot ang tama kanina sa likod niya. May hinala siya na ang babaeng ito marahil ang nang-bato sa kanya kanina. Hindi naman pweding hangin ang may gawa. Kundi siya lamang ang maaaring gumawa noon dahil wala namang ibang tao sa resort. “Whats your name ho ba? Tsaka anong ginagawa ninyo rito?" tanong ni Alfred. Napahawak si Sheryl sa dibdib niya. "Pangalan. Ahmm Sheryl..." “Sheryl...” ulit sa mahinang boses ni Sheryl, halatang kinakabahan ito. “Sheryl, ah. ano kasi..." Napapikit si Alfred. Nagdadalawang isip siyang sabihin ang kanyang nais, sapagkat madalas lang siya nauwi dito sa pilipinas pero ganoon siya sa mga tao, o takot lang na baka makarating pa ito sa kanyang Lola. "Ano iyon?" tanong ni Sheryl. "Ah. I want to ask you, What are you doing here?" “Hindi ko alam...” sagot ni Sheryl. Naguluhan si Alfred sa kanyang sagot. Pagkatapos napatingin si Alfred sa paa ng dalaga, dahilan para mahinto siya sa pagsasalita. Nakomperma niya na wala ngang bakas sa buhangin. Dito na unti-unti siyang napaatras si Alfred. Alam niyang hindi siya lasing. At mas lalong hindi rin siya nananaginip. “M-miss... bakit wala kang footprint?” Napatingin si Sheryl sa paa niya. Doon lang niya napansin, na wala nga. pagkatapos ay bumalik ang tingin niya kay Alfred. "Hmm. sapagkat hindi ako tao...” nangingilid ang luha ni Sheryl. At ngayon lang nagising ang tunay na takot sa pagkatao ni Alfred. Kahit na mahilig siyang manood ng horror movie. Ngunit kasabay ng takot... may kakaibang awa. Dahil hindi isang halimaw ang nakikita ni Alfred. Hindi siya nakakatakot tingnan, kahit mukha siyang white lady sa ilalim ng punong balite. “Ano ka?” maingat na tanong ni Alfred. “Hindi ko alam... pero alam mo ang sagot diyan.” sagot ni Sheryl. Isa.. dalawa .. tatlo... Sa halip na tumakbo, huminga nang malalim si Alfred. Tila sa loob ng isang sigundo ay natahimik ang dalampasigan. Tanging "alon ng takot" at sa sobrang thrill" lang ang mayroon sa puso niya. Ngunit may sinasabi ang kabilang part ng kanyang utak. "TAKBO NA.AAAAA!!!!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook