06: ANG LOLA SA PINTO

1318 Words
Lumabas si Alfred mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Basa pa ang sahig at may konting usok ng init mula sa mainit na tubig. Amoy sabon ang buong kwarto, at sa totoo lang… medyo proud pa siya sa sarili niya dahil sa wakas ay naligo rin siya bago matulog. Pagkabukas niya ng pinto ng banyo… “Waaaaa!!” Napatalon si Alfred sa lakas ng sigaw. Halos mahulog pa ang tuwalya sa kanyang ulo. “Hoy! Ano ba yan?” reklamo niya habang hawak ang dibdib. Nakatayo si Sheryl sa may gilid ng kama… parehong nakapikit ang mata… at tila ba nag-aantay ng lindol. “Bakit?!” tanong ni Alfred. Hindi pa rin dumidilat si Sheryl. “Bakit hindi ka nagsusuot ng damit?!” sigaw niya na parang may nakitang multo. Napakunot ang noo ni Alfred. “Ano ka ba? Kakatapos ko lang maligo. Eto na nga… magbibihis na.” Hinila niya ang short na maong mula sa kama at mabilis na isinuot. Pero si Sheryl…nakapikit pa rin. “Sa susunod… huwag kang magpakita sa akin ng walang suot!” pasigaw na sabi niya habang mabilis na tumalikod at nag-cross ng braso sa dibdib. Para siyang galit na teacher na nakahuli ng estudyanteng nangongopya. Napailing si Alfred. "Wow naman. Hiyang hiya naman ako sa iyo.” Isinuot niya ang short habang nagsasalita. “Baka nakakalimutan mo… kwarto ko ito. Its my own privacy. Ikaw lang ang biglang sumulpot dito.” “Oo na…” mahinang pag-amin ni Sheryl. Napakagat siya sa labi. Medyo napahiya siya sa sarili. Kung tutuusin… siya nga ang may kasalanan. Sino ba naman kasi ang mag-aantay sa kwarto ng isang lalaking naliligo? Kunot noo siyang napaisip. “Hindi naman kasi ako puwede sa labas…” paliwanag niya. “Baka matakot ko na naman ang Lola Beatriz mo.” Napabuntong hininga si Alfred. “Bakit ka kasi nagparamdam sa kanya?” tanong niya habang hinihila ang zipper ng short. “Gusto ko lang naman maramdaman niya na mabait ako…” malungkot na sabi ni Sheryl. “Kahit hindi niya ako nakikita.” Saglit na natahimik ang kwarto. Sa totoo lang…medyo naawa si Alfred sa kanya. Pero naalala niya agad ang nangyari sa simbahan. Ang mga kakaibang pakiramdam. Ang aninong gumagalaw. Ang pakiramdam na may nakatitig sa kanya kahit wala siyang makita. “Kasi naman…” sabi ni Alfred. “Pwede ka naman magparamdam pero sa ibang paraan. Iyong hindi siya matatakot.” Isinuot niya ang blouse. “Ako nga halos mabaliw doon sa simbahan eh.” Napalingon si Sheryl. “Bakit ka ba natatakot doon?” Huminga nang malalim si Alfred. “Kasi nga… nararamdaman kong may gustong magpapansin sa akin.” paliwanag niya. “Pero hindi ko siya nakikita.” Napatingin siya sa sahig. "Anino lang. Paano ko siya makikilala?” Saglit na natahimik si Sheryl. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "Lapitin ka lang siguro ng mga multo.” Napakunot ulit ang noo ni Alfred. “Paano mo naman nasabi?” Isinuot niya ang blouse at inayos ang buhok. Saglit na nag-atubili si Sheryl. “Eh kasi…” Napakamot siya sa ulo. “Gwapo ka.” Natigilan si Alfred. “Ano sinabi mo?” “Ah… wala!” mabilis na sagot ni Sheryl. Halos mapatalon siya sa kaba. “Ang sinabi ko… baka kilala ka ng nagpaparamdam sa iyo.” Pinagmasdan siya ni Alfred. "Hmm.” Hindi siya kumbinsido. "Teka.” sabi niya. Lumapit siya kay Sheryl. “Total isa ka sa mga gumagalang kaluluwa…” Bahagya siyang yumuko para masilip ang mukha nito. "Nakikita mo ba kung sino ang multong iyon?” Napaatras si Sheryl. “Ha?” “Baka kasi kakilala mo.” dagdag ni Alfred. Napangiwi si Sheryl. “Kita mo na… interesado ka na rin sa mga multo.” Umiling siya. “Kaya lalong natatakot talaga sa iyo ang Lola mo.” Napakunot ang noo ni Alfred. “Bakit naman?” “Baka isipin nila… nababaliw ka na.” Napataas ang kilay ni Alfred. "Huy! Hindi. Alam nilang matino ako.” Tumayo siya nang tuwid at parang nag-pose pa. “Siguro katulad ng sinasabi nila, na may third eye talaga ako.” Napatawa si Sheryl. “Sssus! Naniniwala!” Nakatayo pa rin siya sa may bintana… nakatalikod kay Alfred. “Friendly akong tao.” sabi ni Alfred. “Kaya hindi na ako nagtataka na pati mga espiritu o multo ay magkaka-interes sa akin.” Napalingon si Sheryl. “Aaay wow. Hindi ka takot?” “Hindi naman ako takot…” sagot ni Alfred. Naglakad siya papunta sa mesa at kinuha ang blower. Sinaksak niya ito sa outlet at nagsimulang patuyuin ang buhok. “Pero nakakaramdam ako ng takot kapag may nagparamdam… pero hindi ko nakikita.” Tumingin siya kay Sheryl. “Syempre iba ka doon.” Ngumiti si Sheryl. “Talaga?” “Oo.” sagot ni Alfred. “Ikaw kasi… madaldal.” Napasimangot si Sheryl. “Hmp!” Natahimik ulit ang kwarto. Ang tanging maririnig ay ang tunog ng blower. Pagkatapos ng ilang segundo… biglang nagsalita si Sheryl. “Isang pare.” Tumigil si Alfred sa pagblow dry. "“Ano?” Huminga nang malalim si Sheryl. "Isang pare ang nakita ko.” Dahan-dahan siyang lumingon "Naroon siya noong nagdasal kayo ni Lola Beatriz.” Napatitig si Alfred. "Talaga?” “Oo.” “Masaya siya tuwing may pumupunta sa simbahan.” Ibinaba ni Alfred ang blower. "Ahhh…” Pagkatapos ay napangiti siya. “Now I know.” Bago pa siya makapagsalita ulit… biglang may boses na narinig mula sa pintuan. “Apo…” Nanigas si Alfred. “Sino na namang kinakausap mo?” Dahan-dahang napalingon si Alfred. Pati si Sheryl. Pareho silang napatingin sa pintuan. Naroon si Lola Beatriz. Kanina pa nakatayo sa may bukas na pinto. Nakasuot ito ng lumang duster, hawak ang rosary… at nakakunot ang noo. Mukhang kanina pa siya nakikinig. “Alfred…” sabi niya ulit. “Sino ang kausap mo?” Napalingon si Alfred kay Sheryl. Si Sheryl naman, ay nakapikit ulit. “Patay.” bulong niya. Napakamot sa ulo si Alfred. “Ah… wala po, Lola.” “Wala?” Lumakad papasok si Lola Beatriz sa kwarto ng dahan-dahan. Tinitingnan ang bawat sulok. Parang detective na naghahanap ng kriminal. “Kung wala…” sabi niya. “Bakit parang dalawa ang boses na naririnig ko?” Nanlaki ang mata ni Alfred. “Ha?” Tumingin si Lola Beatriz sa may bintana. Kung saan nakatayo si Sheryl. Si Sheryl ay halos hindi gumagalaw, bigla siya naging estatwa. “Apo…” sabi ng matanda. “May kasama ka ba dito?” Napangiti nang pilit si Alfred. "Wala po talaga…” Napabuntong hininga si Lola Beatriz. "Diyos ko po…” Hinawakan niya ang noo. "Apo… huwag mo namang sabihin, na nakikipag-usap ka sa hangin?” Napakamot si Alfred sa ulo. Sa gilid niya, biglang nagbulong si Sheryl. "Sabihin mo na lang may ka-video call ka.” Napasinghap si Alfred. "Ha?!” Napatingin sa kanya si Lola Beatriz. “Ano ang ha?” “Ah… wala po!” Biglang nagsalita si Sheryl ulit. “Sabihin mo may imaginary friend ka.” Napapikit si Alfred. "Sheryl tumahimik ka nga…” “Ha?” sabi ni Lola Beatriz. “May Sheryl dito?” Nanlaki ang mata ni Alfred. Patay. Napakamot sa ulo ang matanda. Pagkatapos ay tumingin sa kisame. “Ay naku…” Nag-antanda siya ng krus. “Panginoon… Ibalik mo na sa normal ang apo ko.” Sa tabi ni Alfred, biglang napatawa si Sheryl. Mahina pero malinaw. Narinig iyon ni Lola Beatriz at nanigas siya. Kaya dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ni Alfred. “Apo…” bulong niya. "May… tumawa ba?” Napatingin si Alfred kay Sheryl. Si Sheryl naman ay takip na takip ang bibig sa kakatawa. Halos mahulog na sa sahig ang bibig nito. Napabuntong hininga si Alfred. Mukhang… mas mahirap pa palang ipaliwanag sa Lola niya ang multo, kaysa sa multo mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD