02: LALAKING HINDI MAKA- ATRAS

1265 Words
Hindi natulog si Alfred nang gabing iyon... Nakaupo siya sa gilid ng kama sa guest room ng resort habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa sofa sa tapat niya. Tahimik lang si Sheryl. Nakatingin sa sarili niyang mga kamay na tila ba may hinahanap na sagot sa pagitan ng kanyang mga daliri. “Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Alfred sa wakas. Umiling si Sheryl. “Hindi ko nararamdaman ang pagod... o gutom... o antok...” sagot niya. “Pero nararamdaman ko ang lungkot...” Hindi alam ni Alfred kung ano ang isasagot. Sa totoo lang, dapat natatakot siya. Dapat tumatakbo siya palabas ng kwarto at humihingi ng tulong. Pero may kung anong pumipigil sa kanya. Hindi siya makaalis. Siguro dahil sa paraan ng pagtingin ni Sheryl... Hindi iyon titig ng isang nilalang na gustong manakit. Titig iyon ng isang taong naliligaw. “Kanina mo lang ba nalaman na... hindi ka tao?” tanong niya ulit. Tumango si Sheryl. “Isang buwan na akong gumagala... pero ngayon ko lang talaga tinanggap. Wala akong repleksyon. Walang nakakakita sa akin. Ikaw lang...” Napahawak si Alfred sa batok niya. “So... bakit ako?” “Hindi ko alam... pero nang tumingin ka sa akin kanina, parang may humila sa loob ko... parang may koneksyon...” mahina niyang sabi. Napatahimik si Alfred. Tila naramdaman niya na may koneksyon siya dito. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niya rin iyon. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. “Alfred...” si Tito Raul iyon. Napatayo si Alfred. “O Tito...” “Bakit ka nagsasalita mag-isa?” seryosong tanong ng matanda. Napalingon si Alfred kay Sheryl. Nakatayo lang ito sa tabi ng bintana. “Nandito siya...” mahinang sagot niya. “Sino?” napakunot ang noo ni Tito Raul. “Yung babae...” Napatingin ang matanda sa paligid. “Alfred... wala kang kasama.” nagtatakang sinabi uli ni Titilo Raul. Ang buong paligid ng guest room ay tahimik, bukod pa doon, alam dapat ni Tito Raul kung sino ang pumapasok at lumalabas ng resort Ilang segundo na tila ba mabigat ang hangin sa loob ng kwarto. “Pagod ka lang siguro,” sabi ni Tito Raul. “Mahabang biyahe galing Amerika. Magpahinga ka ha.” Isinara nito ang pinto. At naiwan si Alfred na nakatingin sa kawalan. “Oo nga no...” pilit niyang biro. “Baka pagod lang ako.” Lumapit si Sheryl at sinabing, "Hindi ka pagod...” Napatingin si Alfred sa kanya. “Paano ka nakakasiguro?” “Dahil kung panaginip lang ako... dapat kanina pa ako nawala.” Hindi siya nakaimik. Kinabukasan... Maagang nagising si Alfred. O mas tamang sabihing hindi talaga siya nakatulog. Bumaba siya sa dining area ng resort. Sumunod si Sheryl. Wala siyang yapak. Wala ring tunog ang kanyang paggalaw. Umupo si Alfred sa mesa. “Sir... kape po?” tanong ng waitress. “Oo... salamat.” Habang nag-aayos ang waitress ng tasa, napatingin ito kay Alfred. “Sir... may kausap po ba kayo?” Napalingon si Alfred kay Sheryl. “Ha?” “Kanina pa po kasi kayo nakatingin sa kabilang upuan...” Napayuko siya. “Wala... nag-iisip lang.” Umalis ang waitress na tila naguguluhan. “Pasensya ka na...” bulong ni Alfred kay Sheryl. “Bakit?” “Pag nakikita kitang nakaupo sa harap ko, hindi ko maiwasang kausapin ka.” Napangiti si Sheryl ng bahagya. “Matagal na kitang pinagmamasdan bago mo ako kinausap kagabi...” Napakunot ang noo niya. “Talaga?” “Oo... lagi kang mag-isa sa dalampasigan... parang may iniisip ka.” Napatawa siya nang mahina. “Future ko...” “May problema ka?” Napatingin siya sa dagat. “Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. May negosyo ang pamilya namin sa Davao. Malawak na plantasyon ng saging. Gusto nila bumalik ako doon at tumulong. Pero hindi ko alam kung iyon ba talaga ang gusto ko.” Tahimik na nakinig si Sheryl. “Ang swerte mo...” sabi niya. “Bakit?” “May pamilya kang naghihintay sa’yo. May direksyon ka. Ako... hindi ko alam kung may naghahanap ba sa akin.” Tumahimik si Alfred. Biglang may dumaan na batang lalaki sa likod ni Sheryl. Tumagos ito sa kanya nang hindi namamalayan. Napapikit siya. “Masakit?” tanong ni Alfred. “Hindiii... pero parang may nawawala tuwing nangyayari iyon.” May kung anong kumurot sa puso niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Parang... paunti-unti akong kumukupas.” Napatigil siya. “Hindi puwede iyon.” “Siguro kailangan ko nang umalis...” “Hindi...” mabilis niyang sagot. Nagulat si Sheryl. “Bakit?” “Dahil hindi ko pa alam kung sino ka... at bakit ako lang ang nakakakita sa’yo.” Saglit silang nagkatitigan. May kung anong namuo sa pagitan nila. Iyon at isang tahimik na pangako. Kinahapunan... Nagpasya si Alfred na umuwi na sa Davao. “Hindi ba maaga pa?” tanong ni Tito Raul. “May kailangan akong asikasuhin doon.” Hindi niya sinabi ang totoo. Sumakay sila ng sasakyan. Habang umaandar ang kotse, nakaupo si Sheryl sa tabi niya. Nakatingin lang sa mga tanawin na parang unang beses niyang makita ang mundo. “Ang ganda pala talaga, ng Pilipinas...” bulong niya. Napangiti si Alfred. “Hindi mo ba maalala kung saan ka nakatira?” Umiling siya. “May pakiramdam ako na malapit lang... parang dito rin sa Davao.” Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Alfred. “Kapag nakarating tayo sa bahay namin... doon ka muna.” Napatingin si Sheryl sa kanya. “Sa bahay mo?” “Oo... kung may koneksyon man kung bakit ako lang ang nakakakita sa’yo, baka doon natin malaman.” Tahimik siya sandali. “Hindi ka ba natatakot na baka may mangyari sa’yo?” “Tulad ng ano?” “Baka mapahamak ka dahil sa akin.” Huminto sandali ang sasakyan sa traffic light. Tumingin si Alfred sa kanya. “Kung mapapahamak man ako... gusto kong malaman muna kung bakit.” Napatitig si Sheryl sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sa unang pagkakataon sa loob ng isang buwan, nakaramdam siya ng init. Hindi lamig. Hindi takot. Kundi init. Pagsapit nila sa malaking mansyon ng pamilya Constanante sa Davao, napahinto si Sheryl. Malawak ang bakuran nito. May matataas na gate. Ay maliwanag ang ilaw sa loob. Parang...parang may naaalala siya. “Anong nangyayari?” bulong niya habang hinahawakan ang ulo. “Sheryl?” nag-aalalang tanong ni Alfred. May sumagi sa kanyang isipan. Isang lalaki na nakasuot ng itim. Isang tawag sa telepono, at may sigaw...At ang puting van. Napahawak siya sa pader. “May naaalala ka?” tanong ni Alfred. “May naghabol sa akin...” nanginginig niyang sagot. “Sheryl...” “May galit sa pamilya ko...” Napatigil si Sheryl.. Ang pamilya niya. May pamilya pa siya. “Anak ako ng negosyante...” bigla niyang sabi. Nanlaki ang mata ni Alfred. "Sigurado ka?” “Oo... may mansyon din kami... may mga tao sa paligid... at may kaibigan ako... may bestfriend ako...” napahagulhol siya. “Hindi ko maalala ang mukha niya...” Lumapit si Alfred at tumayo sa harap niya. “Okay lang... dahan-dahan lang.” Unti-unting kumalma si Sheryl. Sa loob ng mansyon, hindi nila alam na may isang pares ng matang nakamasid sa kanila mula sa bintana sa ikalawang palapag. Si Lola Beatriz. Napakunot ang noo ng matanda habang pinagmamasdan ang apo na tila may kausap sa hangin. “May kasama na namang hangin ang batang iyon...” bulong niya. Hindi pa niya alam... na ang hangin na iyon... Ay isang kaluluwang hindi pa handang magpaalam...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD