Ilang tugtog pa ang tinugtog at inawit niya sa gitara habang nananatili pa ring nakayakap kay Reyshan mula sa likuran nito. Sumandal din ito sa kanya kanina at hinayaan ito sa nais nito habang pinakikinggan din ang guwapo niyang boses. Paminsan-minsan ay sumasabay sa kanya si Reyshan at hindi niya maiwasang mapangiti kapag naririnig ang maganda nitong tinig. Ang lamig sa tainga ng boses nito at aywan niya kung bakit nahihiya itong iparinig iyon sa iba. Minsan naman ay nagha-hum ito na tila huma-harmonize sa bawat bigkas niya sa kantang inaawit. Matapos ang huling pasada sa gitara ay hinalikan niya ito sa sentido kahit may ilang hibla ng buhok nito ang nakatabing doon. Napakabango rin ng buhok nito na kanina pa niya nasasamyo kaya hindi niya namalayan na matagal na rin palang nakalapat

