KABANATA 39

1979 Words

“Nag-away ba kayong dalawa ni Hayden?” Hindi sumagot si Reyshan mula sa tanong na iyon sa kanya ni Le. Naglalakad na sila pauwi nang hapon na iyon. At ramdam din nang dalawa ang tensyon sa pagitan ng magkasintahan buong maghapon matapos ang ginanap na awarding ng scholarship kanina. Hindi na rin bumalik pa sa gym si Reyshan matapos ang naging tagpo nila ni Hayden sa grandstand nang umagang iyon. Iniwasan din niya ito matapos iyon. Ayaw niya ang kanyang ginagawa pero nagkukusa ang kanyang sarili. Pakiramdaman niya’y kagagawan iyon ng kanyang pride. Nakikita at nararamdaman din niya ang mga panunuyo nito at maging ang pagpapasensya sa pagsusungit niya at ginagawa ritong hindi pagpansin. Alam niyang nalulungkot ito sa nangyayari sa kanilang dalawa pero hindi niya mapigilan ang sarili na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD