"Hindi ka ba nagsasawa?" Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay ng lingunin si Reyshan matapos marinig ang naging tanong nito. Nang mga hapong iyon ay palabas na sila ng gate ng eskwelahan matapos ang kanilang huling klase. "Saan naman?" "Sa ganito na minsan ay hinahatid mo pa ako pauwi?" Magkaiba kasi ang dereksyon ng kanilang mga bahay. Siya ay papuntang hilaga samantalang ito naman ay sa timog. Pagkatapos nitong ihatid siya sa kanilang bahay at saglit na makipagkuwentuhan sa mama niya ay uuwi na ito. Iniisip niya na baka mas malaki na ang magiging pamasahe nito kumpara kapag sumakay ito pagkalabas nila ng eskwelahan. Hindi rin kasi nito gaanong ginagamit ang bisekleta nito kapag ganitong panahon ng tag-ulan. Hindi rin naman ito inaabot ng gabi sa kanila dahil maaga pa naman ka

