Natutulala na sinusuklay ni Reyshan ang kanyang buhok habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Walang anu-ano'y napabuntong-hininga siya at nang mapansin na malalim iyon ay nagulat siya para sa sarili. Lunes na ngayon. At sa aaminin man niya o hindi, kinakabahan siya at hindi rin mapakali. Hindi niya mawari kung bakit niya nararamdaman ang mga damdaming iyon maliban sa isiping si Hayden ang dahilan ng mga iyon. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya mamaya kapag nagkita sila ni Hayden sa school. Gayon din sa kung ano ang iisipin ng kanilang mga kaklase at ng mga babaeng may gusto rito kapag nahalata at nalaman ng mga ito na nililigawan siya ng kanilang crush ng bayan. Muli ay nagbitaw siya nang isang malalim na buntong-hininga. Para siyang nanlalata pero itinaboy niya an

