Malayo pa lang siya ay tanaw na niya si Reyshan. Alam niyang maaga kung pumasok ito kaya inagahan din niyang pumasok. Balak din niyang isauli rito ang hiniram niyang notebook kahapon hangga't sila pa lang ang tao sa kanilang floor o section. Dahil alam niya—ramdam niya ang pagkailang nito sa kanya. Hindi man niya batid kung may tao man sa paligid nila o wala ang dahilan, mas gusto pa rin niya na silang dalawa lang ang magkaharap. Para na rin sa ikapapanatag nang loob nito. Sa totoo lang din ay matagal na niyang gusto maging kaibigan ang dalaga subalit sa hindi niya malamang dahilan ay tila umiiwas ito sa kanya. Hindi niya magawang maging malapit dito dahil mailap din naman ito. At noon lang niya nalaman ang rason kung bakit. Crush din siya nang crush niya. At sa isiping iyon ay lihim s

