Maingat niyang inilalapag sa center table ang tray na may laman na dalawang baso ng orange juice at egg sandwich nang pumasok ang kanyang ama sa sala. Napa-angat ng kanyang tingin ang dalaga mula sa ginagawang pag-aasikaso kay Hayden dahil sa pagdating nito. “‘Pa, may meryenda pong juice at sandwich sa kusina. Kain ka po.” Aniya na hindi alam kung ngingiti ba o ano. Kanina pa nararamdaman ni Reyshan na tensyonado siya magmula ng kanyang malaman na si Hayden ang tinutukoy ng mama niya na kanyang bisita. At habang tumatagal din ay mas lalong lumalala ang tensyon na nararamdaman niya nang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang ama. Napalunok siya ng laway upang alisin ang bikig na nasa kanyang lalamunan ng mga sandaling iyon. Nasundan niya nang tingin ang papa niya na hindi man lang din si

