Eksaktong pagkatayo niya ay siya rin namang pagtayo ng taong nakapuwesto sa kabilang mesa. Dahil sa lakas nang ginawa nitong pag-usog sa iniwanang silya ay halos hindi napigilan ni Reyshan ang hindi mapadaing. Kulang na nga lang ay sumubsob siya sa mesang inokupa niya sa library. Idagdag pang bumangga ang kanyang tiyan sa gilid ng mesa. “I’m sorry miss, are you okay?” Tanong ng pamilyar na boses ng lalaki. Nakatayo na pala ang lalaki sa tabi niya at hindi niya agad namalayan iyon. Pilit din nitong dinudungaw ang kanyang mukha mula sa mga buhok niyang nakatabing. “Uh, oo. Ayos lang naman ako.” Tila tumigil sa pag-inog ang mundo niya nang lingonin ito. Namilog ang mga mata ng dalaga at naramdaman niya ang unti-unting pag-iinit ng mga pisngi nang malamang si Hayden pala ang lalaki. Hindi

