“Nagbigay ka raw ng love letter kay Hayden?” Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula kay Leonora kaya gulat siyang napalingon dito. Oras na ng kanilang recess nang mga sandaling iyon. At hindi niya alam kung bakit para siyang binuhusan nang malamig na tubig kahit hindi naman kanya ang love letter. “H-hindi ah!” “Weh,” hindi naniniwalang wika ni Jane. “Ikaw ha, may gusto ka rin pala kay Hayden hindi mo man lang sinasabi sa amin! Ano pa’t naging friend mo kami! Hmp.” Inismiran pa siya nang bruha matapos nitong sabihin iyon. “Hindi nga!” naiinis na nagkamot siya ng kanyang ulo. “Ay sus,” sabay pindot ni Leonora sa tagiliran niya dahilan upang mapaigtad siya. Sa mga labi nito ay may nang-aasar na ngiti. “Uyy, kunwari pa siya. Aminin mo na.” “Wala akong aaminin!” “May nakakita raw

