“Flames? Ano’ng ibig sabihin niyan?” Kababakasan ng kuryosidad ang tinig at mga mata ni Reyshan habang nakatitig sa salitang isinulat ni Leonora sa puting papel. “Flames,” ulit sabi nito at tiningala siya. Nagkatinginan sila bago nito muling itinuon ang paningin sa isinulat. “F for friends. L for lovers. A for angry. M for marriage. E for engage. And S… for sweet!” May tamis ang ngiting pinawalan nito bago muling tiningala si Reyshan. “O, ngayon alam mo na?” Napatango-tango lang at namantal ang noo na napanguso siya. Nasagot naman nito ang kanyang tanong kung ano’ng ibig sabihin ng flames pero curious pa rin siya kung para saan iyon. Muling dinungaw ni Reyshan ang ginagawa ni Leonora. Nakita niyang sunod naman nitong isinulat isang espasyo mula sa ilalim ng salitang flames ay ang buong

