Mabilis na lumipas ang mga buwan at naging abala sila parehas sa kani-kanilang pag-aaral. Marami silang pinagdaanang mga seatworks, quizzes, assignments at group reports na parehas nilang masigasig na hinarap at naipasa. Nagkakaroon din sila ng mga group review kasama ang kanya-kanyang kaibigan sa bawat pagsusulit na paparating para makakuha nang matataas na marka. Ngunit kadalasan ay mas silang dalawa ni Hayden ang sabay na nag-re-review dahil kung minsan ay tinatamad sumama ang kanilang mga kaibigan. At dahil na rin sa mga pagpupursige nila ay hindi na kataka-taka na makakuha sila nang matataas na grado. Masaya sila dahil bukod doon ay alam nilang hindi rin nila binigo ang kanilang mga sarili at gayon din ang kanilang mga magulang. At gaya nga ng sabi ng mga magulang ni Reyshan ay gawi

