Mula sa simpleng eksena na iyon sa silid-aklatan at ang pagpapalakas ng loob ni Hayden upang makasabay ang dalaga na bumalik ng kanilang silid-aralan, ang naging isang dahilan upang mapalapit siya rito at makilala pa ito nang lubusan. Madalas na rin niya pansinin ang dalaga at kausapin kahit nararamdaman niya na hindi ito kumportable sa kanya kapag nasa malapit siya. May pagkakataong napapansin din niya na umiiwas ito sa kanya o ‘di kaya’y ayaw talagang makipag-usap lalo na kapag maraming tao, natataranta ito. Ngunit gayon pa man ay okay lang sa kanya iyon, alam din naman niya kung ano ang nararamdaman nito. Naiintindihan niya. Gano'n na gano'n din naman siya noon kahit nga lang ang makita ito sa malayo man o malapit. At hindi na lang talaga niya maintindihan ngayon kung papaano ba ni

