July 11, 2002, Huwebes 7:05 PM Dear Diary, Alam mo, nakakaloka rin talaga ‘tong si Leonora! Mantakin mo ‘yon Diary, sabi niya kaninang umaga hindi na raw niya kauusapin pa ang boyfriend niya bago niya nilait! Pero pagdating kaninang bandang hapon nagulat na lang kami ni Jane na magkasama sila at magka-holding hands pa! Ang ganda pa ng ngiti ng loka at mukhang humahagikgik pa sa kilig. At hindi rin naman pangit ‘yong boyfriend niya gaya ng sinabi niya. May hitsura din naman pero grabe kung makalait. Ewan ba, baliw na yata ‘yon eh! Hmp. Gano'n ba kapag may boyfriend? Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ‘yon sa sarili ko, Diary. Curious kasi talaga ako. At gusto ko na rin talaga itanong ‘yon kay Leonora. Kaya lang baka asarin lang ako no'n eh. Kilala ko na kasi ang bruhang 'yon. At al

