KABANATA 21

2379 Words

“Huwag na kayong magpapaabot pa nang malalim na gabi at umuwi na kayo agad mamaya. Hanggang alas diez lang kayo roon ha.” “Opo tita, ibabalik naman po namin si Reyshan.” ani Jane habang nakahalukipkip at patagilid na nakasandal sa hamba ng pintuan ng sala ng mga Alonzo. “At saka maaga pa naman po. At ‘di pa nga po kami nakakaalis pag-uwi na agad ni Reyshan ang sinasabi n’yo—aray!” Nasapo ni Jane ang bahaging nasapok sa kanya ni Leonora matapos siya nitong batukan. “Hoy tumahimik ka nga riyan! Si tita Edith ang kausap mong bruha ka! Mamaya magbago pa ang isip nila ni tito Reynold at hindi pa pasamahin sa atin si Shan!” at marahas itong humalukipkip at umirap sa ere. Napatawa si Edith. Hindi pa rin talaga nagbago ang mga kaibigan ng kanyang anak. Mga isip-bata pa rin ang mga ito kahit pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD