“Pito tayong lahat,” ani Aven nang malapit na sila sa ticket booth ng ferris wheel. Iilan na lang din ang pila roon at mukhang naghihintay na huminto uli ang mismong rides upang makasakay. “Pares-pares na dahil mukhang dalawa lang yata sa isang rides eh.” “Si Hayden at Reyshan sila na ang partner. Si Kurt at Jane—” “Ano?!” sabay na reklamo ng dalawa at matalim na nagtitigan. “Teka, may issue ba kayong dalawa?” nakaangat ang kilay na sambit ni Rick. Kanina pa nila napapansin na mainit ang dugo ng dalawa sa isa’t isa. Napatingin tuloy ang lahat kay Kurt at Jane. Umirap lang naman ang huli at hindi sumagot. Hindi rin naman sumagot si Kurt sa tanong ni Rick kaya kumibit-balikat na lang ang iba. “Ako, si Aven at Leonora na lang. Sino ang—” “Hay huwag n’yo akong isipin.” walang gana na wik

