Ang caterpillar naman ang rides na kanilang sunod na sinakyan. At muli, gaya ng nauna ay hindi sumamang sumakay si Leonora dahil bukod sa natatakot ito sa bilis ng andar ng naturang rides ay baka raw mahilo ito. Wala ng nagawa sila Reyshan kundi pagbigyan ito sa hiling nito. Na-enjoy naman nila ang sumakay sa caterpillar at tawa sila nang tawa sa dalawang kaibigan nila Hayden na si Rick at Aven na magkatabing nakaupo sa harapan nila. Hiyaw nang hiyaw ang mga ito na akala mo ay mga babae kung makaasta lalo na kapag bumibilis ang takbo at nasa pababa at pataas na posisyon ang daraanan nila. Alam naman nilang nagbibiro lang ang dalawa at hindi naman talaga natatakot. May pagkakataon din na itinataas niya ang dalawa niyang kamay kapag ramdam niyang hindi siya manganganib sa gagawin. Ganoon d

