Isang oras na mula ng mahiga siya pero hindi pa rin siya magawang dalawin ng antok. Alam niyang epekto iyon ng mga naganap sa peryahan kanina at ang pagpapabatid sa kanya ni Hayden na gusto siya nitong ligawan. Sa totoo lang hindi niya alam kung paano ang tamang pagtugon sa paghingi nito ng permiso. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay may nagbago sa damdamin at pagtingin niya sa binata kaya hindi niya magawang sumagot nang deretso. Hindi lang talaga niya lubos akalain na iyon pala ang tinutukoy nito noong araw na iyon sa grandstand. Kinikilig na naitago niya ang kanyang mukha sa ilalim ng kumot. Sumagi bigla sa balintataw niya ang eksena habang sakay sila ng ferris wheel nang hawakan nito ang kanyang kamay. Hindi na yata siya makatutulog dahil sa mga naiisip at epekto ng mga kaganapan

