Crizia pov:
"Mama! Kamusta kana diyan..." todong ngiti ng kaibigan niya habang kumakaway sa ina. Kausap nito sa Skype.
"ito maganda parin ang nanay mo! Hehe"
"Seyempre may pinagmanahan ako... Ma! Sino naman iyong pinost mo sa social media na kasama mo?..."
"Ahh——ehh, boyfriend ko anak!"
"Ma! Ang tanda niyo na po para mag boyfriend ulit...!" maktol nito.
"Anak, yaan mo na si mama... Saka grabi ka!! 43 palang ako makatanda ka naman!" ngumuso pa ito.
"Haist wala naman bang asawa iyan?"pang kukumpirma nito.
" Wala anak...beyudo na. Hehehe. Gwapo ano? "
"kahit pangit yan ma! Basta wag ka lang saktan,,, ayos na sakin iyon! Baka mamaya pamilyado pala iyan at maloko ka naman ulit!!!"
"Sabi ko hindi e...Saka hindi naman hahanap si mama ng pangit! Malay mo magkaroon kapa ng kapatid! Hehe"
"Ang tanda niyo na po para magkaanak pa... Mahihirapan kana niyan..."
"Ay ayaw mo lang magkaroon ng kapatid e! Sege na nga... Alam mo naman ikaw lang ang baby ko!"
"Sege na nak... Tawag nalang ulit mamaya, may date pa ang mama!"
"sege... Ingat po kayo. 'wag po kayo magpapaloko"
"Nako,,, advice mo iyan sa sarili mo anak. Kasi si mama kahit maloko ulit ako matatag na ako... Pantanggal pangulila lang naman ang pagboboyfriend ni mama dito."
Inirapan ako nito nang marinig ang hagikhik ko.
"Tsk!"
"Sege na,,, Ingat kayo diyan dalawa! I love you both.... Mwuaaah,,, shup2x."
Pagkatapos ay na end ang Video Call.
She sighed. "Si mama talaga walang kadala-dala. Baka mamaya may asawa ulit iyong boyfriend² niya..."
"Yaan mo na,,, saka pinagmanahan mo iyon!"
Matalim naman na tingin ang ipinukol niya sa akin.
"Letse ka!" Tumayo ako habang tawang-tawa sa kanya. Hinayon ko ang kusina at binuksan ang refrigerator na halos wala na pala laman.
"Ubos na stock besh, punta tayo ngayon sa market"
"sege, ligo lang ako" sabay tayo sa mula sa pagkakaupo sa sofa. Buti nalang off niya ngayon hindi ko pa masyado kabisado ang lugar na ito.
Pumunta kami ng market sakay sa kotse ni Aemie.
Isang linggo na din ang lumipas simula ng gabing sinuko ko lahat, nawala na din ang kirot ng bakas niya.Kailangan kong siguraduhin bago ako bumalik sa probinsya.
"besh!" nagulantang ako sa malakas na tawag sakin aemie.
"dapat ba talaga sa tenga ko? Sakit ah!" reklamo ko.
"Lutang ka kasi, Kanina pa kita tinatanong kung ano pa gusto mo bilhin baka may pinaglilihian kana!"
"isang linggo palang Di pa ako nag lilihi, masyado pang maaga"
"Huh? Ganon ba yon? Sigurado ka?"
"sino ba teacher sa'tin?"
"oy, oy! Teacher ka pero di ka doctor!" inirapan ako.
"teacher ang dahilan kong bakit naging doctor sila" seryoso Kong sabi.
"OK na! OK na! Alam ko naman wala na akong laban sayo pag dating sa bangayan. Hay Buti nalang marketing ang kinuha ko! Buti nalang talaga!."
"tsk"
Habang naghahanap ng mga kailanganin pa naman sa apartment ay na pasulyap ako sa kanan, iyong pakiramdam na may nakamasid sayo.
Nahagilap ko ang isang lalaking nagtitingin ng mga sitserya,pero iba ang kutob ko sa isang ito.
Pero ano naman kailangan niya sakin?wag mo nalang pansinin Crizia,baka sa sobra lang ito sa pag iisip. Tango*
Hanggang sa natapos kami sa pangmimili,naghanap kami ng makainan pagkatapos makaramdam nang gutom. Hanggang sa jollibee ang naging bagsak namin.
"ako na ang pipila, dito ka nalang"
Nanatili lang akong nakaupo sa mesang napili naming puwestohan,nilibot ko ang paningin ko at nagulat ng masulyapan si kuyang naka jacket at cap kanina sa mini Market. Bigla ako nakaramdam ng kakaibang kaba, naka upo siya tagilid sa sentro ko, mga tatlong mesa pa mula sa akin. Wari'y busy siya sa kakapindot sa phone niya.
Ano ba Crizia, malamang kainan to kaya andito siya. Nagkataon lang ito! Tango*
At bakit niya naman ako susundan wala naman akong naalalang may atraso kanino man. Baka sobra lang ulit ito sa pag iisip. Bumuntong hininga ako.
Dumating na din si Aemie na may dalang order,dawalang C² ang Inorder niya at sundae. Kaya nagsimula na agad kami sa pagkain dahil gutom na ako kape lang kaninang umaga ang ininom ko.
"Besh, palagay ko may sumusunod sa atin" bulong niya at bumundol ang kaba sa dibdib ko.
"palagay mo din?" hindi lang pala ako ang nakakaramdam.
Tumingin siya sa akin. "So ikaw din?" tumango ako.
"May nagawa kabang atraso?" pangkukumperma niya. Napangnga ako.
Bakit ako?
"ako? Bakit ako?"
"kasi mula pa yan kanina sa Market napapalingon sayo. Hanggang dito, kita ko kanina habang nakapila ako pasulyap sulyap sayo." mahinang sabi niya habang kumakain. Nakayuko lang siya na kunyari busy lang sa pagkain niya at 'di pinahalata ang pag uusap namin. Ganun rin ginagawa ko pero pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba.
"Baka Nagkataon lang na nandito din siya."
"hindi Besh, palagay ko nga kanina kinukuhanan ka niya ng litrato" mas lalo ako kinabahan.
"Baka na love at first sight lang sakin" ngisi ko pero kinakabahan na talaga ako.
"Tsk. Bilisan natin kung sinusundan ka niya kailangan natin siya iwala...mahirap na baka rapist yan huhuhu, di ko pa nga naisuko ang bataan ko sa boyfie ko eh ang pangit na iyan ang makikinabang huhuhu." baliw talaga.
Kaya ng matapos kami agad kaming tumayo at deretso sa paglabas. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagmamadali ng lalaki na tumatayo.
Confirmed!
Nang dumating kami sa parking lot ay agad kami pumasok sa loob ng kotse at pinaandar ni Aemie. Pag lampas namin sa parking lot nakita namin ang pag sunod ng isang itim na kotse. Kaya habang nag mamaneho si Aemie
kung 'san siya na dereksyon dumaan. Imbis na sa tamang daan kami pauwi ay kong saan kami lumiko at sumuot. Pero epektibo naiwala namin ang nakasunod sa amin.
"Haha. Akala niya!" pagmamalaki ni Aemie.
Nakarating kami ng apartment na wala ng kahinala—hinala na may nakasunod sa anim.
"Besh umamin ka nga, may nagawa kabang kasalanan sa ka one night stand mo 'nung nakaraan?" walang pakundangan nitong tanong habang taas kilay ito. Halos mabitawan ko ang tray ng itlog na hawak ko upang sana e arrange sa sa loob ng refregirator. Nilapag ko ito sa mesa at humarap sa kanya...halo halo ang iba't ibang emosyon.
"Ano ba klasing tanong 'yan? Saka tungkol doon sa lalaki wala akong ginawa sa kanya, pagkagising ko ng umagang 'yon umalis agad ako..." bumuntong hininga ako.
"Kahit pakiramdam ko sobra talo ako...pinagsawaan ako" tumulo ang luha ko sa kaliwang pisngi ko.
"Besh" pag-aalo nito.
"di siya tumigil hanggang sa... hanggang sa makuntento siya...!"lumuha na rin ang kanang mata ko.
"pakiramdam ko ang dumi ko na, hinayaan kong gamitin niya ako ng paulit ulit ng gabing iyon. Pero iniisip ko may magandang dahilan ako..."
"Besh" niyakap niya ako.
"ayoko mag isa malungkot ang buhay ko kaya kailangan ko ng anak. Iyon lang."humagulhol na ako, ramdam ko ang dalawang palad niyang hinahaplos ng likod ko.